Chapter 40[39]

3.1K 114 83
                                    

I only do what my gut tells me to. I think it's smart to listen to other people's advice, but at the end of the day, you're the only one who can tell you what's right for you. – Jennifer Lopez

THIRD POV

Nakaluhod sila Sandra at Nath, habang sila Chloe, Dianna at Marie ay nakatingin lamang sa kanilang ginagawa. Iniisip nila kung kilala ba nila ang babae... bakit may paluhod-luhod pa silang nalalaman. Hanggang ngayon ay hindi pa nag-sisink in sa utak nila ang nangyari sa lalaki. Sa isip-isip ni Marie, saan kaya humuhugot ng lakas ang babae upang pumatay ng tao. Dahil para sa kanya, kahit gaano paman ito kasama ay hinding-hindi nya kayang kumitil ng buhay.


Si Chloe na pinipigilan ang sikmura nya upang hindi sumuka, hindi nya narin kayang manatili sa lugar na kintatayuan nila, iniisip nya kung ilang minuto pa sila magtatagal. Si Dianna, hindi kayang lingunin kung saan nakahandusay ang katawan ng lalaki, ng matalsikan ito ng dugo ang unang nasa isip nya ay magkulong sa loob ng cr ng isang ligo para mawala ang langsa at ang mga pangyayari na nakita nya.

"Tumayo kayo" Mia



Tumayo naman sila Nath at Sandra, pero halatang nanginginig ang mga tuhod ni Sandra. Dahil hindi sya makapaniwala na ang binabasa nya sa libro ay ngayon ay nasa harapan nya na. Hindi nya alam kung ano ba ang mararamdaman nya ngayon. Ito ay isa sa mga kahilingan nya ang makilala at makita ang isa sa mga mababangis at handang mamamatay para sa hustisya.










Habang si Nath ay nanatiling kalmado pero sa loob-loob nito ay hindi mapakali. Dahil katulad din kay Sandra ay hindi rin ito makapaniwala. Madaming tanong ang nasa isip nya pero kailangan nya munang e-composed ang self nya baka iba ang lalabas sa bibig nya.

"Don't need to bow me. Im just Mia" wika nya

Sabay naman silang nagulat at napatingin kay Mia na nakangiti. Bigla namang na star struck si Sandra sa kagandahan nya. Nagtatanong ang isip ni Sandra na papaano napasali ang ganitong kagandang babae sa organization. Sa Nigh Day Killers.



















Ang tanging nababagay sa kanya ay sa pangmodelo di kaya nag-eendorse ng mga product. Kahit babae si Sandra ay hindi maiiwasang mamangha sya rito. Kahit sila Chloe, Dianna at Marie ay napatahimik na lamang dahil wala silang maibigkas na salita dahil narin sa angkin nyang kagandahan.



"Kung ano man ang mga katanungan nyo. Save it. We can chat later. For now, I want to see them. Especially her" – Mia

Tumango naman sila Sandra at Nath dahil alam nila kung sino ang mga tinutukoy nito. Kinalabit naman ni Chloe si Dianna at Marie kung may alam ba sila sa mga nangyayari ngayon. They just shrugged their shoulders. Napabuga na lamang ng hangin si Chloe dahil hanggang ngayon ay clueless parin sila.








Samantala sa kanila naman ni Alexander, Dennis at Chrisanto ....

----

Napaatras naman ng sobrang layo si Dennis dahil narin sa tira ng bata. Hindi lang sya basta bata parang matanda ito kung mag-isip lahat calculatado ito, hindi nya rin ito makitaan ng butas. Kanina pa sya nag-iisip kung paano matamaan ito lalo't nakabantay ang isang lalaki na ang bilis din ng kilos. Si Alex ang nagpupuntirya sa lalaki at saka si Chrisanto at si Dennis naman sa bata.




Once na mapatumba ni Dennis ang bata, matatalo na nila Alex at Chrisanto ang lalaki. Ang kaso lang hindi rin malapitan o matamaan ni Dennis ang bata dahil to the rescue naman ang lalaki. At kahit malapitan nya man ang bata hindi rin sya panigurado kung malalamangan nya ito, may kakaibang lakas ang bata na kayang patumbahin ang mga malalaking tao katulad ni Dennis, Chrisanto at Alex.

Azumi: The Tattoos (OLD)/ Under RevisionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum