Perfect Time 18 - Day 1

64 10 2
                                    

"Live the life you love and love the life you live."


"A-ayoko nga. Subuan mo sarili mo." Sabi ko sa kanya at inirapan siya.

Humalakhak lang ang unggoy at walang pasubaling na kumuha ng isang pagkain at isang coke sa may paanan ko. Aba! Bastos!

"Thanks." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko at nagsimulang kumain.

Napailing nalang ako sa kawalan sa pinaggagawa ng lalaking to.

Mga 4 na oras din ang lumipas bago kami nakarating sa Stanford Academy at ang tanging masasabi ko lang ay ang salitang "wow". Ang ganda lang kasi ng paaralan na'to. Parehas din naman sa Oxford Academy na tipong papasok ka pa lang, agad ka nang mapapanganga dahil sa kagandahan at kalakihan ng paaralan. Kagaya din ng nasa harap na namin ngayon.

Speaking of Stanford Academy, biglang may naalala ako. Diba dito nag-aaral si Luke- ay hindi pala, ang VLITS pala at si Francine? Sa pagkakaalam ko, kaya lang nag-transfer sina Luke sa Oxford kasi yun daw ang pinapasabi ng mommy ni Luke sa kanya and knowing Luke's friends, siyempre hindi nila hahayaang mag-isa siya sa Oxford kaya sumama silang apat.

And besides, double purpose na din para kay Seth kasi halos araw-araw na silang magkikita ni Louisse and thankfully, nasa tabi ko lang ang taong bahagi na ng buhay ko simula pa lamang. Childhood best friend ko kaya tong nasa tabi ko, hindi nga lang niya alam. Nagkaroon nga kasi siya ng amnesia.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang nangyari sa nakaraan. Ang nangyari magmula ng lumipas ang sampung taon.

"Ma, nasaan si Luke? B-Bakit wala siya sa p-playground?" Naiiyak kong sabi kay mommy.

Pumunta kasi kami ni yaya Sally kanina sa playground ng park sa subdivision namin para makipaglaro sana kay Luke ngunit hindi namin siya makita doon.

Ang best friend ko. Luke...

"S-Sorry, anak. Umalis na siya. Umalis na si L-Luke." Malungkot na sabi ni mommy sakin sabay yakap sakin ng mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni mommy. Anong wala na si Luke?

"M-Mommy.. Anong umalis na si Luke? Nasaan siya mommy? Diba sabi niya na maglalaro pa kami dun sa park? Bakit wala siya? Ayaw niya na ba sakin? Yaya..." Umiiyak na sabi ko sa kanila ngunit wala man lang silang ibang ginawa kundi ang umiling habang patuloy naman akong pinapatahan ni yaya Sally.

Perfect TimeWhere stories live. Discover now