Perfect Time 3 - Meet My Family

224 108 59
                                    

Chapter 3

"There is no remedy for love, but to love more."
                                    - Thoreau


"Luke Travis Samonte, kailan kaya kita muling makikita?" Bulong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang mga letrato niya sa kwarto ko.



Hinawakan ko ang isang letrato niyang 4 years old pa lamang siya. Grabe! Ang cuteeee niya.



Abala pa rin ako sa pagmamasid ng mga letrato ng dream guy ko ng biglang sumigaw si Kuya Drake sa baba.



"Deanna! Bumaba ka na kumain na tayo!"



"Sige Kuya! Susunod na!"



Ay, Saturday nga pala ngayon kaya walang klase malamang.



Inayos ko ang mga letrato at ibinalik sa aking desk at bumaba na rin.


**


"Deanna, kamusta naman ang Senior years mo?" Tanong sakin ni Mommy Claudette habang nginunguyanguya ang kanyang pagkain.



"Ah, okay lang naman po, mabait naman po ang teachers at classmates ko." Sagot ko kay Mommy.



Ang sobrang bait nga talaga ng mga teachers at classmates ko. SOBRA. *note the sarcasm -_-*



"Then good. Ikaw naman Danica, kamusta na ang paghahanap mo ng trabaho sa mga agencies? Was it good?" Tanong naman ni Daddy Frank kay Ate Danica.



"Uh, uh, on-going na po Dad. may i-ilang r-requirements na nga lang po ang kailangan kong gawin." Nauutal na sagot ni Ate Danica kay Daddy.



Mukhang may mali sa sinasabi ni Ate. Bakit siya nauutal?



No-o-oh, I smell something fishy going around here.



"Okay. Then how about you Drake, kamusta ang pagiging Mechanical Engineer? In what industry are you working for?" Baling naman ni Dad kay Kuya Drake.



Buti nalang hindi pa nagtanong si Dad muli kay Ate at baka ano pa ang mangyari. Eh kasi mukhang may nararamdaman akong kakaiba sa mga kinikilos at pananalita ni Ate Danica. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi pwede.



"Doing fine Dad. sa automotive industry ako nag-wowork. medyo busy nga lang." Matipid na sagot ni Kuya Drake kay Dad at kaya naman bumalik na kami sa pagkain.



Grabe talaga tong si Mommy at Daddy, in-interview pa talaga kaming tatlo ni Ate Danica at Kuya Drake sa hapag-kainan tungkol sa status namin.



Haies. Sabagay, ginagawa lang naman to nila Mom at Dad dahil para rin naman Ito sa kapakanan naming tatlo.



By the way, meet my Family.



Si Frank Salazar, 46 years old, may-ari ng isang Merchandising Business at walang iba kundi ang aming ever so sweet na Daddy.



Si Claudette Alqueza Salazar, 44 years old, may-ari ng isang 'SLZR Trends' sa mga mall and our loving mother. May boutique nga pala kami na nakadisplay sa iba't-ibang mga malls kaya kahit papaano, natutunan ko din kung paano manamit. Hindi naman ako losyang.



Si Drake Yves Salazar, 23 years old, isang Mechanical Engineer and he's my older brother. He may be strict to me pero alam ko namang mahal ako niyan and so do I.



Si Danica Francine Salazar, 21 years old, graduate na ng Bachelor of Science in Biology ngunit wala pa ring trabaho. Di ko alam kung bakit. She's my older sister. Maganda si Ate Danica. Sadyang mahiyain lang talaga siya pero mabait talaga yan.



And lastly,



Meet myself, Deanna Frits Salazar, 17 years old. Studying in Oxford Academy currently in my Senior years, Grade 12. Shoulder-length hair, brown hazel eyes, maputi (ayon kay Mommy) well, kayo na ang bahalang mag-imagine kung anong naiimagine niyo sa mukha ko. Sabi nila Mommy maganda daw ako pero sige, kasi lahat naman tayo magaganda't gwapo. Sadyang may mas pinagpala lang kaya may nilalait na pangit. Kaya ikaw, maganda ka. Mahalin mo sarili mo sa kung ano ka. Words of wisdom lang po. Pero kahit anong gawin mo, may mga bagay talagang napakahirap abutin. Hanggang pangarap nalang siguro ako nito. Hindi ko inakalang mahuhulog pala ang loob ko sa pinakamatalik kong kaibigan na ngayo'y kinalimutan na ako. Ako si Deanna at ito ang kuwento ng buhay ko.






At nangangarap sa isang Luke Travis Samonte na kailanmay hindi ko kayang abutin at hanggang pangarap ko lamang makakayang abutin.











Next**

A/N: Wassup guyz! Annyeonghasseyo! Kamusta ang Chapter 3 ko? Okay lang ba? Again, sorry sa mga wrong grammars and errors ko, pero considering that, sana mag-enjoy kayo sa story ko that's all! BTW, enjoy! For more updates, just Vote and Comment!
Lovelots!

-Zeta<3

Perfect TimeWhere stories live. Discover now