Perfect Time 16 - Happy Birthday

47 11 0
                                    

"Birthdays doesn't need to be grand and special in every way, it already becomes special as long as you enjoy spending it with your loved ones."


"Surprise!" Nakangiti at halos sabay nilang bati sa akin na naging dahilan upang bumagsak yung mga luhang kanina pa gustong tumulo sa mga pisngi ko.

Nilibot ko yung paningin ko sa lahat ng taong dumalo dito sa bahay ko para lang sa kaarawan ko at nakaramdam ako ng pagka-espesyal ng dahil sa kanila.

Sasalubungin ko sana si Louisse na nakangiting kumakaway sa akin kasama si Seth ngunit hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari.

Hindi ko man lang namalayan na nasa harapan ko na pala si Luke at nagulat na bigla nalang nawala si Dean na nakikipag-usap na pala kina Mommy at Daddy. Binalingan ko ulit ng tingin ang lalaking nasa harap ko ngunit napasinghap ako dahil sa nakakatakot na mukha na mayroon ang taong nasa harap ko. Nakakatakot yung mga mata ni Luke na nakatingin sakin. Hindi ko tuloy maiwasang mapasinghap dahil sa malamig niyang awra.

Ano na naman ba ang ikinagagalit neto? Kung tutuuisin nga ako yung may karapatang magalit dahil sa pang-iiwan nila sakin sa school. Pero okay lang naman din kasi sinamahan naman ako ni Dean buong araw sa school. At least hindi ako masyadong naging emo at malungkot sa school ng dahil sa kanya.

"Oh Luke, ba't nandito ka? Anong ginagawa mo dito?" Nagkukunwaring tanong ko sa kanya kahit sa totoo lang ay parang bomba na yung puso kong kanina pa gustong lumabas dahil sa isiping napakalapit lang niya sakin.

Kahit na gustong-gusto ko nang tumawa sa harap niya dahil sa itsura niyang parang natatae na ewan ng dahil sa sinabi ko ngunit hindi pwede kasi baka mahalata niyang nagbibiro lang ako at nagpapatawa lang ako.

Kumunot bigla ang noo niya habang nakataas ang isang kilay niya. Promise nakakatawa yung mukha niya ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti dahil sa ginawa niyang pagsorpresa din sakin.

"Bakit ka ba nandito, Luke?" Pagmaangmaangan ko sa harapan niya kahit gustong-gusto ko na talagang ilabas ang lahat ng tawa na kanina ko pa pinipigilan.

"I should be the one to ask you. Bakit mo kasama si Dean?" Malamig na sabi niya habang matamang nakatitig sa mga mata ko na parang sinusuri kung talagang nagsisinungaling ba ako o nagsasabi ng totoo.

So yun pala ang dahilan ng malamig niyang awra. Kung bakit kasama ko si Dean. Pero bakit naman siya magagalit kapag kasama ko si Dean?

'Nagseselos kasi siya Deanna.' Sabi ng isip ko. Si Luke magseselos? Eh hindi nga niya sinasabi kung ano talaga ang namamagitan sa aming dalawa at ganyan nalang siya makareact.

"Hindi ka na lang ba magsasalita diyan?" Masungit na sabi niya habang nakahalukipkip. Aba, kung umasta tong lokong to ah, parang ako pa yung may kasalanan eh parang nung huling linggo lang nakita ko silang dalawa ng Lauren na iyon na naghahalikan.

Biglang nagbago yung awra at itsura ko dahilan upang magulat siya dahil sa biglang pagbago ko ng mood. Hindi niya ba alam na nagseselos ako nung hinalikan siya ng Lauren na iyon! Ang sakit lang kasing makita yung mahal mong nakikipaghalikan sa iba.

'Bakit di mo pagseselosin si Luke?' Bulong ng isipan ko. Pagselosin? Parang ang harsh naman yata nun? At tsaka sino naman ang taong pagseselosan nun?

'Baliw! Edi si Dean!' Sagot naman ng isipan ko. Si Dean? Ah bahala na nga! Hindi ko dapat yan iniisip! Dapat nagfofocus ako sa kaarawan ko ngayon sa halip ng mga bagay na iyan.

Perfect TimeWhere stories live. Discover now