If I cry a thousand tears

297 5 8
                                    

This one-shot story is not suitable for close-minded. Madaming mura sa one-shot ko na ito kaya kung hindi kayo sanay feel free to exit. Binalaan ko na kayo, okay? Walang sisihan sa huli. Read at your own risk.

Story posted: August 12, 2014

And even if I cried a thousand tears toninght would you come back to me~

"Oh pre! Saan ka pupunta? Magsisimula na ang warm-up. Lagot ka nanaman kay coach niyan!" napalingon ako sa kateammate/best friend kong tukmol na pinapaikot ang bola sa isa niyang daliri. Pasikat!

"Pinapapunta ako ni Chloe sa department nila. Baka importante. Ikaw na bahal kay coach ah? Sige!" saka na ako tumakbo palayo ng gym.

Si Chloe 'yung babaeng pinakakmahal ko. Girlfriend ko siya for 4 years and a half. 3rd year college na kami sa iisang school pero magkaiba ng course pero kahit na ganoon ginagawa ko ang lahat para lang hindi ako magkulang sakanya. Kahit na ang pagiging varsity ko ay hindi ko ginagawnag dhailan para lang mabigo siya. At ganoon din naman siya sakin. Hindi niyang ginagawang dahilan ang pagiging dean's lister niya para mawalan ng oras sakin-- minsan siguro pero hindi ko siya masisi. Academics 'yun eh. Sports lang naman ang sakin.

Kumatok muna ako sa labas ng room nila bago pumasok. Nakita ko siyang mag-isa na nasa bandang hulian ng upuan at nakayuko. Agad ko siyang nilapitan at tinabihan. Naramdaman niya naman agad ang presensya ko kaya agad siyang nag-angat ng ulo at ngumiti.

"May problema ba ang girlfriend ko?" nakangiting umiling siya saka hinawakan ang kamay ko at sumadal sa balikat ko.

"Sorry. Magpapaka-selfish muna ako ngayon. Namiss lang kita kasi naman 3 days tayong hindi nagkita dahil busy ako sa pagrereview ikaw naman nung nagkaroon ng drill. I just need a moment with my boyfriend-- with my man." napangiti naman ako sa sinabi niya. Okay lang kahit magalit si coach atleast nandito ako sa tabi ng taong mahal ko. Kahit magalit ang lahat sakin it's all worth it.

 

"Tangina." sabi ko sabay hawi ng nasa counter ng bar at yumuko.

"Pre.." hinawi ko lang ang kamay na humawak mula sa balikat ko. Nag-angat ulit ako ng ulo at putcha! Kaialn pa naging tatlo ang best friend ko? Aba matinde 'to ah! Nagiging si Naruto!

"Tangina pre. Paano ka naging tatlo? Hahaha! Gago 1. Gago 2 at si Gago 3. Aba ayos! Ano 'to reunion niyo?" sabi ko sabay turo sakanilang tatlo. Umiling naman silang tatlo ng sabay-sabay. Takte! Napakagaling! Pati pag-iling snycronize? 

"Pre, mag-isa lang ako. Wala nga akong kapatid 'diba? Gago nito. Nakainom lang nakalimot na." napatingin naman ako doon sa gitnang best friend ko atsaka mapaklang ngumisi.

"Nakalimot? Tanginang 'yan. Ako nakalimot? Baka siya!" sabi ko sabay abot ulit ng beer at tungga. Whoo! Ito na lang kaya ang bago kong best friend?

"Tama na 'yan." hinawi ko lang ulit ang kamay nung best friend ko saka siya tingnan ng masama. 

"Tama na 'yan? Bakit mali bang lunurin ko ang sarili ko? Mali bang hilingin ko kahit ngayon lang na sana naitama ko ang mali? Putangina pre! Limang taon! Limang taon ang nasayang dahil sa isnag pagkakamali! Tangina lang talaga! Tapos sasabihin mo sakin 'tama na 'yan'? Eh kulang na nga lang laklakin ko lahat ng makitang kong alak pero hindi parin maalis 'yung sakit! 'Yung sakit na iniwan niya! 'Yung sakit! LAHAT NG SAKIT NA BINAON NIYA PUTA!"

"Oo naman girlfriend. Gagalingan ko para sa'yo. Magkita na lang tayo mamaya. I love you." nakangiting binaba ko ang telepono ko saka ulit muling pumasok sa classroom namin. Finals namin ngayon at nagpaalam lang ako saglit para sagutin ang tawag ni Chloe. Umupo na ako sa upuan ko atsaka muling nagsagot. Aba! Dahil kay Chloe nag-aral akong maigi! Sabi niya makikipag-break daw siya pagbumagsak ako. Hindi naman ata pwede 'yun. Alam ko naman na tinatakot niya lang ako pero kahit na I won't take the risk. Natapos kong sagutan ang exam ng may ngiti sa mga labi.

Just the start (One-shot compilations)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt