Just fall

76 2 0
                                    

"When you fall, there are only two options: someone will catch you or you'll end up hurting yourself assuming someone will save you."


"Where's the ticket?" nagmamadaling tanong sa'kin ni Ellaine habang nakatingin na sa entrance at halatang excited na excited.

Nagkatinginan na lang kami ni Rose at natawa kaya napatingin sa'min si Ellaine saka sumimangot, "I hate you both."

Bumili na muna kami ng pagkain bago pumasok, kay Ellaine doughnut, chocolate bar, waffle at frapp para inumin, oo, langgam talaga siya na nagpapanggap na tao. Kay Rose naman ay shawarma at milk tea lang, sa'kin popcorn at coke in can. Tinitingnan lang ako ni Ellaine habang nakataas ang kilay, "Really? Popcorn and coke? Are you going to watch a movie without our consent?" sabay kagat sa chocolate bar niya.

"Hindi kaya ma-hyper ka ng sobra niyan?" natawa naman si Rose sa sinabi ko saka dinugtungan, "Oo, sobrang hyper niya siya na ang maghahagis-hagis mamaya."

"Huwag nga kayong ano diyan!" naiinis niyang sabi pero dahil hindi siya nakatingin sa dinadaan niya ay may nakabunggo siya dahilan ng, "CHOCOLATE KOOOOO!"

Napangiwi kaming dalawa ni Rose at napatingin naman sa'min ang mga tao na nakarinig sa sigaw ni Ellaine. Pero hindi man lang siya nakuhang lingunin nung taong bumangga sakanya at tumakbo na papasok ng Arena. Nakita ko namang biglang itinaas ni Ellaine ang long sleeves niya habang huminga ng malalim pero bago pa siya maka-hakbang ay hinawakan na namin siya ni Rose, "BITAWAN NIYO AKO! SASAPAKIN KO LANG 'YUNG ASO NA 'YUN! BITAWAN NIYO AKO!"

"Ellaine, kumalma ka nga. Bibili ka na lang ulit namin ng chocolate. Pinagtitinginan na tayo ng tao." eto ang mahirap kay Ellaine, napaka-hot tempered. Tiningnan niya ako saka bumuntong hininga. "Hindi naman dahil sa chocolate eh. Napigtas 'yung bracelet ko at sumabit sa furr niya, tae siya!"

Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura niya o maawa. Pero isa lang ang alam ko, kawawa 'yung lalake na 'yun oras na makita ulit siya ni Ellaine. Buti na lang at hindi nakita ni Ellaine ang mukha niya. Swerte niya lang talaga.

"Tara na, pumasok na tayo." kalmadong sabi ni Rose. Sa'ming tatlo ayan ang pinaka prim and proper, nanakawan na kalmado parin. Ako? Ako ang mataba sa'ming tatlo--hindi naman matabang-mataba. Si Ellaine kasi ang pinaka-sexy, 'yung ideal body? Nasa kanya 'yun. Si Rose medyo mapayat pero hindi naman payat na payat. Ako naman ang chubby sa'ming tatlo, full cheeks at full tummy. Edi wow.

Nung nakapasok na kami ay puro hiyawan ang narinig namin kaya nakita kong napasigaw narin si Ellaine habang winawagayway ang waffle at doughnut niya. Baliw talaga. Kanina lang halos makipag-wrestling na sa taong nakabangga sakanya.

Medyo nagkakagulo na dahil magsisimula na, pilit kong sinundan sila Rose at Ellaine na nangunguna sa uupuan namin, halos hindi na nga ako tumitingin sa hagdan dahil baka mawala ako kapag tumingin pa ako sa dinadaanan ko. Inistretch ko ang kamay ko para sana abutin si Rose.

"Wait lang—ay!" ng malagpasan ko ang isang baitang sa hagdan na naging dahilan ng pagkahulog ko. Oo, nahulog ako. Hindi sa sahig, hindi sa hagdan, hindi sa lupa, kundi sa tao—hindi lang basta tao. Lalake pa! Sa dami-dami ba naman ng pwedeng makasalo, lalake pa! Umayos agad ako ng tayo at pinagpagan ang pants ko.

"Miss, are you okay?" huh? Ano raw? Orange? Hindi naman ako naka-orange. Hindi kaya favorite niya orange tapos tinatanong niya kung saan makakabili?

"Ano bang klase? Ponkan, kiat-kiat o sunkist? 'Yon lang kasi ang alam kong orange." seryoso kong sabi. Napatitig lang siya sa'kin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Wait, mali ba? Types ba ng grapes 'yung mga sinabi ko? Nakatitig lang siya sa'kin bago tumawa ng malakas. Nakahawak pa siya sa tiyan niya, buti na lang busy pa 'yung mga tao at hindi kami pinapansin. Baliw na 'to, napaka-attention seeker, isasali pa ako!

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: May 29, 2016 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Just the start (One-shot compilations)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ