Stranger to my forever.

110 4 0
                                    

"Always tell someone how you feel, because opportunities are lost in the blink of an eye but regrets can last for a lifetime."


For the last time I looked at the mirror. Tiningnan ko kung bumagay ba ang polo ko sa jeans and oxford shoes ko. I smiled to myself, kailan pa ako naging ganito ka-conscious sa damit ko? 

I just collected my undelivered letters to a folder and hit the road. It's been 3 years since my last stay here in Philippines. Nagkaroon kasi ako ng trabaho sa Germany as an engineer. And now, we are having a grand reunion in a hotel here in Manila. I looked at the folder sitting on the passenger seat and smiled fondly remembering her. Oh how I miss that girl, that girl I fell in love with and still. 

We are the typical high school sweethearts back then. I fell in love with her the first time she smiled to me. Parang magic, parang magnet, parang drugs na nakakaadik, nakakabighani at nakakabaliw. We both studied in UST since dito na rin kami nag high school and we take the same course. 2nd year high school pa lang kami niligawan ko na siya, hindi madali, pero hindi ako sumuko kasi mahal ko siya. Nilagawan ko pati pamilya niya mula sa mga lolo at lola niya hanggang mga pinsan niya. Tatlong taon ko siyang niligawan. Oo niya na lang ang hinihintay ko at nung dumating na nga 'yung araw na pinakahihintay ko kesa sa pagtatapos ko ng kolehiyo ay sobrang tuwa ko na lahat ata ng santo ay pinasalamatan ko. 

Sobrang saya ng unang taon namin, she was the apple of my eye. Mahal na mahal ko siya at ganoon din naman siya, madalas niya akong ipagluto ng mga gusto kong pagkain at dadalhin niya pa mismo sa room namin. Maalaga din siya, sobra. Akala ko nga nag-hire ako ng personal nurse sa sobrang alaga niya. Madalas niya rin akong isuprise, siya ang madalas na may pakulo saming dalawa. Pero hindi niya parin napapabayaan ang studies niya, she's a Dean's Lister dahil nga matalino siya at matataas ang grade. Lahat ng kaibigan ko inggit na inggit sa'kin to the point na naghahanap na sila ng katulad niya pero ang lagi ko lang sinasabi. "Sorry pero nag-iisa lang siya at akin na siya at hinding-hindi ko na siya papakawalan."

But things happen merong isang nag-shift sa course namin at napunta sa section namin. Ako ang una niyang naka-close and because of that I got to attached with her and found myself bailing my girlfriend just to be with that new girl. She knows that I already had a girlfriend but she doesn't seem to care so I started taking my girlfriend for granted. 

Naramdaman niya ata ang nangyayari kaya madalas kaming mag-away, iba pala talaga ang instinct ng mga babae pagdating sa mga ganoong bagay. I tried to deny everything but she push me too far to my limits so I break up with her. Why? I just felt like it. 

I parked my car at the entrance of the hotel and let the valet take it from here. I once again let out a deep sigh before entering the function hall. It's packed with my alumni. Pero napatigil parin ako when I saw her wearing her white elegant dress, smiling to her college friends, she seems so happy. I held tight to the folder I am holding as I walk towards them. I think she is having a good time because she can't erase that perfect smile on her gorgeous face. I missed that smile. it's been five years since I saw that radiant smile. The last time I saw her was when I dump her in front of our building.

Naalala ko pa noon ang mga luha mo na ayaw tumigil sa pagtulo at sakit sa mata mo. Sobrang sakit ang nadulot ko sa'yo nun. Halos hindi ka na makahinga, namumutla ka narin, at sabi mo pa nga para ka ng mamatay sa sakit pero wala lang sakin. Walang akong pakialam at nagpaalam na uuwi na. Hinawakan mo pa ako sa kamay noon para pigilan at nagmamakaawa na mag-stay at bigyan kita ng rason but I didn't. I left you there inside the UST crying habang palakas narin ang ulan. Basang-basa ng luha ang mata mo at sinasabayan pa ito ng ulan but I didn't care. I just left you there, broken.

You tried to contact me several times. Napakakulit mo na nga pero sabi mo kasi hindi ka makapaniwala na ganoon na lang ako basta bibitaw dahil alam mo ang effort at ang tagal kitang niligawan at pati ang pamilya mo ay close na sa'kin at ganoon ka rin naman sa pamilya ko. We're on our fifth year sa college at lahat ay nakaplano na. Pero dahil ayaw ko na, nawala lahat.

Naging kami nung blockmate ko for 2 years, yes it was fun at first dahil nung nagtagal ay I found myself looking at my ex's picture. Mahal ko parin pala talaga siya, siya parin pala talaga. And for the second time around I broke up with a girl. 

I hate admitting this but I used to be her stalker or maybe admirer? I don't know. Nahihiya kasi akong lumapit sakanya dati dahil sa nagawa ko so I decided to go abroad para narin matupad ang mga pangarap namin. I tried to contact her through her friends pero I never had the guts to do so. Lagi na lang akong nakatingin sa phone ko pero hindi ko mapindot ang call button. Kaya naman madalas ko na lang isulat lahat. And I promised myself to redeem her and get her back in my arms again. And this is the day that I have been waiting for, for five years.

Malapit na ako sa inyo and you seem not to notice me. I took a deep breath and smiled but it easily fade away when I overheard what you just said.

"I'm excited for my wedding this week. That's the day I have been waiting for, for five years." agad akong tumalikod ng makita kong palingon ka na. Ipinikit ko na lamang ang sakit at mabilis na umalis. I know you don't wanna see me and remember the pain. Ikakasal ka na kaya kailangan hindi ka na masaktan. Madaming bumabati sa'kin as I try to exit the function hall pero hindi ko na sila pinansin dahil any moment ay tutulo na ang luha ko. I clench tight at the envelope I am holding.

 Sa limang taon parehas lang pala tayong naghihintay pero magkaiba ng inaantay. Sorry. Iyan ang gusto kong sabihin sa'yo. Walang ng explanation dahil wala naman magandang rason ang ginawa ko sa'yo. G-go kasi ako noon. Pero tandaan mo, mahal na mahal kita hanggang ngayon but it will be forever unrequited dahil lumipas na ang pagkakataon ko at pinalampas ko lang ito.



"You can do this." huling sabi ko sa salamin saka lumabas ng kotse ko. Mabigat na hakbang ang ginagawa ko habang papalapit sa simbahan. Sa likod lamang ako dumaan, at kunwaring nagdadasal habang tumutulo ang mga luha. Mabuti na lamang at medyo puno ang simbahan kaya hindi nahahalata na merong isang tao na naandito sa likod, nasasaktan, nadudurog at namamatay sa sakit. 

I looked at the church as I reminisce to what you have said long time ago. Sabi mo dito sa UST mo gusto magpakasal dahil dito tayo nagkita at dito mo rin ako sinagot. At dito ko rin iniwan ang taong pinakamamahal ko. I looked at groom's face but I can't see it clearly dahil sa luha ko. But if I can just give up everything just to be at his place, I would. I will give my anything just to be with my everything. 

Napatingin ako sa pinto ng simbahan ng bumukas ito. There I saw, the most beautiful woman I've ever laid my eyes on wearing her bridal gown, smiling and she really looks happy. I can't help but smile kahit na sobrang sakit na makitang nakangiti siya sa ibang lalake. Na ikakasal siya sa ibang lalake. Na nagmamahal na siya ng ibang lalake. She is now in tears as well as him. Sino ba namang hindi mapapaluha kung tulad niya ang papakasalan mo? You'll be the luckiest guy in Earth.

I finished their wedding and went home still crying. Sana maging masaya ka na, hindi tulad ko na mukhang hindi makaka-move on sa'yo at sa katangahan na ginawa ko. Sana alagan ka niya hindi tulad ng ginawa ko, sana mahalin ka niya hindi tulad ng pag-iwan ko sa'yo, sana pahalagahan ka niya hindi tulad ng pagbaliwala ko sa'yo nung akin ka pa. Habang buhay ko siguro pagsisihan 'to pero okay lang dahil mukhang masaya ka nanaman. Kahit mamatay ako araw-araw sa sakit maging masaya ka lang kakayanin ko, makabawi lang ako sa sakit na pinaranas ko sa'yo noon.



"I guess I'll just cry myself to sleep kissing your picture again. This will be for a long time."


__________________________________________________________________


Credit to the rightful owner of the gif. Vote and comment will be HIGHLY appreciated. Thank you for reading this.


Just the start (One-shot compilations)Where stories live. Discover now