Best day ever (sarcasm please)

309 6 5
                                    

Story posted: August 6, 2014

The best things in life come at the most unexpected moments.

Her

"Aalis na ako. Dadaanan ko pa 'yung best friend ko." sabi ko sabay kaway at labas ng coffee shop. Nakakainis naman kasi 'yung kotse ko. Kung kailan ko kailangan saka na-flat buti na lang nakita ako ng mga kabigan ko along the road kaya naman napalibre pa ako ng sakay pero ang pagpunta ko sa school ng best friend ko ay ibang usapan because I need to do it on my own. What a life! Not to mention I'm wearing a red dress and a black stiletto. 

I texted my dear friend asking her how can I go to her school without a car and I was really disappointed when she said I'll be riding a public jeep. No taxi nor bus for me but only a jeep. Oh. This day is just full of luck for me.

Pumunta ako sa lugar kung saan sinabi niyang mag-abang ako ng jeep. And there I waited for a jeep to stop pero nung may huminto na sa harapan namin hindi pa ako nakakahakbang napuno na. Seriously? WHAT A DAY!

Kalahating-oras na ata akong nakatayo dito at hanggang ngayon hindi parin ako nakakasakay. My toes and feet are already aching because of my stupid shoes! How can that damn tire be stupid enough to be flat? May huminto na naman na jeep at sa inis ko tinulak ko ang mga mangunguna sakin saka sila tiningnan ng masama. Mga estudyante pa naman sila kaya nakita kong natakot sila saka napaatras ng kaunti para paunahin ako. I know that's very rude of me pero hindi ko na talaga kakayanin na mag-stay doon at tumayo forever!

Nagbayad na ako saka umupo ng maayos. Nakita kong pinagtitinginan ako ng mga taong nakasakay sa jeep. Mas pinili ko na lang na hindi pansinin ang mga tingin nila. 

Huminto ang jeep at bumaba na ang  karamihan ng pasahero. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang isang gate. Dito na siguro ako bababa. 

Pagbaba ko ng jeep ng....

REALLY!!? OH MY GOSH!! Ground, please swallow me up now!!

Him

"Oh pre, saan ka pupunta?" napatingin ako sa kaibigan ko na nakatingin din sakin. 

"May bibilhin lang sa labas, pre." saka ako lumabas ng classroom namin. Tsk! Ako lang ba talaga o talagang nakakapagod mag-aral? Hindi ba kayo napapagod sa araw-araw na pamamasahe niyo? Sa araw-araw na makikita niyo 'yung mga kaklase niyo? Shet! Hindi nagkasawaan!

Lumabas na ako ng building namin saka naglakad palabas ng school. Hindi ako sikat-- famous lang kaya naman nakikita kung paano mabali ang leeg nung mga babae para sundan ako ng tingin. Hindi ako mayabang. Mayabang na ba porke't nagsasabi ng totoo? Tsk!

Nang nakalabas na ako ng gate napatingin ako sa paligid atsaka ko napagtanto bakit nga ba ako lalabas? Anong gagawin ko rito? Ang layo pa naman ng nilakad ko. Tanginis! 

Para lang hindi ako mapahiya kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko saka kunwaring sinagot ang tawag.

"Hello babe. Oo, nandito na ako sa labas. Nasaan ka na ba?" malambing kong sabi. Tangina talaga! Nagsimula na akong maglakad papunta ng babaan ng jeep. Ano na? Pagtapos mo pumunta rito ano na gagawin mo? Ano? Bigla ka na lang magkakaroon ng girlfriend? Bwiset na araw!

Binaba ko na ang cellphone ko saka nag-isip ng ibang paraan dahil ang dami ng nakatingin sakin na babae. Tae! Dapat ata hindi na girlfriend ang sinabi ko! 

Huminto ang isang jeep sa harapan ko at bumaba na ang mga estudyante. Iiwasan ko na sana ang tingin ko ng biglang may bumaba na magandang babae. Nakapulang dress at nakaitim na sapatos. Ang ganda niya kaya nakakuha agad siya ng attensyon pero pagbaba na pagbaba niya ng jeep bigla siya natapilok saka... shit! Parang bigla akong nagka adrenaline rush at napatakbo sa pwesto niya saka sinalo ang ulo niyang babagsak na sana sa lupa.

Napatingin ako sa mukha niya. Ang ganda niya talaga kahit sa malapitan, kahit haggard at walang make-up. Nakapikit lang ang mga mata niya. 

Bubuhatin ko na sana siya ng bigla akong may naisip. 

"Babe, bakit naman kasi namasahe ka pa. Sabi ko naman sa'yo papasundo na lang kita." saka ko siya binuhat na parang bagong kasal. Nkaita kong napanganga 'yung mga babae at lalake na nakakakita sa amin. Oo, alam kong ang desperado ko pero atleast kaming dalawa ang nakinabang, hindi lang ako.

Nagmamadaling pumasok na ako sa school gate para pumunta sa clinic. Kaialngan ko mung madala itong si ate ganda sa clinic para malaman ko kung okay lang siya baka mamaya nabalian na pala siya o kaya naman na heat stroke.

Napatingin ulit ako sa mukha niya ng makita kong nakadilat ng kaunti ang isa niyang mata na parang sumisilip kaya agad akong napahinto sa pagtakbo at agad naman siya pumikit. Naiiling na naglakad na lang ako habang nakangiti.

Nakita kung paano magulat ang mga taong nakakasalubong o makikita namin pero hinayaan ko lang sila na tumingin.

Pumasok ako sa loob ng clinic saka siya binaba sa isang clinic bed. Nakita kong nataranta ang mga nurse pero umiling lang ako saka sila sinenyasan na umalis muna. Noong una ayaw nila pero pinandilatan ko ng mata kaya naman agad silang namutla at umalis na. 

Her

Nakapikit lang ako dahil kahit na alam kong nakahiga na ako sa isang clinic bed. Ramdam ko parin na may nakatignin sakin at amoy ko parin ang pabango niya kaya hindi ko talaga dinidilat ang mata ko. By the way how dare he! He called me babe!! So what? I am a pig now? What the!!

"Tsk! How long will you pretend to be asleep? And how long will I pretend that I don't know?" napasinghap ako sa sinabi niya pero agad ko ring tinikom ang labi ko. Narinig ko siyang mahinang tumawa. The bastard!

Sa inis ko binuksan ko ang mga mata ko saka siya tiningnan ng masama. Ngumiti lang siya sakin saka tumayo at tumalikod na sakin pero bago siya maglakad

"Sa susunod huwag ka ng umarte na mahihimatay dahil alng sa nasira mong sapatos." saka siya umalis. Argh! Ang kapal! Naiinis na umupo ako pero nagulat ako ng hindi ko na suot ang sapatos ko. Napatingin ako sa baba ng clinic bed at nagulat. I found a pair of shoes-- a top sider to be exact with a note saying

This morning is a shitty morning for me,  I don't know to you but thanks to my stupid instinct to go out of our damn building to catch you when you are actually pretending to faint. 

P.S. Huwag ka na ulit umarte ng ganoon kasi mamaya sa paghulog mo iba na ang makasalo sa'yo kasabay ng paghulog ng puso niya sa'yo.

P.P.S. Do you believe in love at first act? I don't but now I do.

_________________________________________

Credits to the owner of the picture at side. Don't forget your vote and comment guyth!!

Just the start (One-shot compilations)Where stories live. Discover now