CHAPTER THIRTY-THREE

2.8K 42 0
                                    

Chapter 33

Puting kwarto at mga taong nagbubulungan ang nadatnan ng mga mata ko, matapos ko itong idilat.

I remember, hinimatay ako after my confrontation with Jennie. And I know, that I'm in the hospital.

"She's awake" I heard Eina's voice.

"T-tubig" mahinang usal ko. Nanunuyo na kasi ang lalamunan ko. I wonder ilang oras kaya akong unconscious? Narinig kong may inutusan si Eina para kumuha ng tubig at 'di rin nagtagal ay bumalik din ito.

I sat down only to see Dylan looking worried. What is he doing here? Shit! Malalaman niyang buntis ako.

"What happened?" tanong ko matapos kong uminom ng tubig.

"You fainted pagkalabas natin kanila Jennie" Eina answered. Naramdaman ko naman ang talas ng tingin ni Dylan sa akin.

"I am fine, now. Maybe I am already allowed to go home"

"You're not going anywhere. The doctor is going to check on you later. We still need doctor's approval bago ka lumabas" Dylan answered in a cold tone.
Naramdaman siguro ni Eina 'yung bad vibes sa'min ni Dylan kaya nagpaalam s'ya na lalabas. When Eina was already outside, tahimik kaming dalawa ni Dylan.

"About our annulment" putol n'ya sa katahimikan.

"What about it?"

"I will not sign it. I remember now what really happened. I was drunk, and I thought it's you who came to fetch me. The reason why you saw me kissing her. But nothing happened between us, really" paliwanag n'ya. Alam ko naman na walang nangyari sa kanila, 'coz Jennie already told me. Pero 'di ko alam ba't kahit alam ko ng walang nangyari sa kanila I felt so relieved.

"And about you kissing that motherfucker" he gritted his teeth "I have forgiven you. And I am hoping na mapatawad mo ako sa nagawa ko. Please give us another chance." hinawakan n'ya 'yung mga kamay ko 'tsaka ito hinalikan.

"Nagseselos ako kapag nakikita kitang masaya kapag kasama mo 'yung lalaking iyon. And when I saw you two kissing, gustong-gusto kong basagin 'yung mukha ng lalaking iyon, how dare him kiss you? Ako lang dapat 'yung hahalik sa'yo. Ako lang 'yung may karapatan. Nagpunta akong bar para makapag-isip-isip. And I was asking for an advice from Leroy, kaya magkasama kami. He told me to forgive you, and let you explain your side. Plano ko na kausapin ka kinabukasan, pero wala ka na paggising ko. Takot na takot ako 'nung nalaman ko na wala ka, and mas lalong lumala 'yung takot ko na 'yun 'nung 'di ka pa umuwi. And after a week, babalik kang bahay dala 'yung annulment papers. I thought you only need space kaya kahit alam ko kung nasaan ka, 'di kita ginulo. Pero shit, gusto mo na agad kumawala sa relasyon natin. When Eina calls me a while ago, telling me you passed out, halos paliparin ko na 'yung sasakyan para makarating agad dito. You always bring out the worst in me. Palagi mo akong tinatakot, please, don't do it again. I don't know what will happen to me kapag may nangyaring masama sa'yo"

'Di ko alam, pero naiiyak ako sa sinabi n'ya. Lagi kong iniintindi 'yung nararamdaman ko, pero 'yung mararamdaman n'ya 'di ko naiisip. I am so selfish, I am so blessed that Dylan is very understanding.

"I'm sorry" mahinang usal ko. Pinunasan n'ya 'yung luha na tumulo sa pisngi ko.

"Shh, it's okay. Just don't do it again please" tumango naman ako sa sinabi n'ya.

"Sorry, Dy. I didn't think about you. Masyado akong impulsive kumilos. Hindi ko inisip na masasaktan ka sa bawat desisyon na ginagawa ko"

"It's okay. You don't have to say sorry. No more annulment  please. 'Di tayo maghihiwalay ano man 'yung problemang dumating. We will talk about it and resolve it. And annulment will never be a way to solve our problems. Promise me okay?"

Seducing My Workaholic HusbandWhere stories live. Discover now