CHAPTER THREE (DAY ONE OF LIVED-IN)

4.6K 76 1
                                    


DYLAN'S POV

okay lang naman sakin kung magpakasal ako as long as walang commitment at pa'no mangyayari yun? naisip ko yung sinabi sa akin ni Mikael since gustong-gusto ko lagi nasa office--- sabihin na nating WORKAHOLIC ako pero kapag na trip-an ko naman di ako pumapasok sa trabaho at nag ba bar lang kasama ang barkada ko. ang buhay ko ay umiikot lang sa bahay, office at bar. hindi ako mahilig sa babae pero everytime na nakakainom ako ng alak kahit konti lang parang nagwawala lahat ng hormones ko at nakakagawa ako ng kagaguhan. yung tipong bigla bigla na lang akong manghihila ng babae at hahalikan. kapag nagustuhan nung babae pumupunta kami sa kwarto at kwarto at gumagawa ng kababalaghan basta yung alam nyo na yun. Kayo pa!

tangna di ko akalaing ang daldal ko pala. so nandito na nga pala ako sa bahay DAW namin ni Kath (yeah nickname nya yun ako yung nagbigay) ang haba kasi ng Katrina eh. wala pa sya since sabi ni mommy mamayang 10 pa daw sya pupunta dito. di ko nga akalaing sya yung girl na yun eh. the first ever girl na nanakit sa akin at ang malupet sa harap pa ng maraming tao. nachismis tuloy ako pero seriously ang lambot nung lips nya at ang sarap halikan. pasalamat nga sya kasi hindi ako lasing nun eh. naku! kung lasing ako baka may nangyari na

*dingdong* *dingdong*

shems naman oh! kitams nag d-daydream pa si ako. binuksan ko na lang yung main door and I saw Kath with her parents.

"hi hijo"- tito

"hello po, pasok po kayo" magalang kong sabi

pumasok naman sila sa loob

"hinatid lang namin dito si Katrina hindi na rin naman kami magtatagal busy din kasi kami sa work eh" tita

"sige po" ako

"bye, ma, dad" kath then kissed them on their cheeks

di na sila nagtagal at umalis na

pagkakaalis nila

walang nagtangkang magsalita sa amin

spell AWKWARD?

kami yun

"sa'n yung room ko?" basag nya sa katahimikan

"yung room natin? nasa second floor yung first room sa right" sagot ko

"okay nasa se--- wait? room natin? as in magkasama tayo sa isang kawarto?"

"yup. room natin. di mo ba gets? wala ka bang utak?"

"of course I have! di ko lang maintindihan kung bakit magkasama tayo sa isang kwarto"

" kasi iniisip nila na mas magiging malapit tayo sa isa't-isa kung magsasama tayo sa isang kwarto. but dont worry, wala akong gagawin sayo"

"wala akong pake, kung magkasama tayo sa isang kwarto ayoko lang talaga na may katabi. baka pwedeng sa couch nalang"

"ano ka? ayoko nga. hindi porque babae ka magpapakagentle na ako sayo. sorry but fair dapat. alternate tayo so dahil Ladies' First ikaw ang matutulog sa bed ngayon then bukas ako. then so on. deal?"

"do I have a choice?"

"wala, okay na lahat? ayusin mo na yung gamit mo then after prepare ka ng food."

"what?! ako mag p-prepare ng food? wish mo lang na marunong ako"

"don't tell me di ka amarunong magluto?" di makapaniwalang tanong ko

"yup. di ako marunong. bakit ikaw? you know how to cook?"

"of course I know. tss. ako na nga lang magluluto then after nun ikaw na mag prepare ng table papasok pa ako sa office"

"whatever" she said then rolled her eyes

tsk! brat!

so ako ang nagluto then after nun naligo na ako while Kath is preparing the table.

****

tapos na kaming kumain at ako aalis na ng bahay

"kath, gusto ko pagdating ko dito malinis ang bahay at tulog ka na" paalala ko

"bakit? anong oras ka ba uuwI?"

"10 PM. hindi na ako kakatok. im going to use my key. so pa'no aalis na ako ah?" i said tsaka na umalis

****

10:30 PM na ako nakauwi ng bahay, medyo traffic kasi eh. tulog na kaya si kath? sana oo. pagbukas ko ng pinto, ang unang bumungad sa akin ay ang lakas na volume ng TV. so i turned it off. then I saw Kath lying on the couch.

bakit dito sya natulog?

tumingin ako sa paligid ko then I saw the kalat. notebooks pens, paperworks, bag, magazines at balat ng mangga. seriously? may ganitong klase ng babae? sobraaaaang kalat. tsk. kung ano yung ikinalinis nya ganun naman kakalat yung mga gamit nya.

so yun nilinis ko na lang yung mga kalat nya. after linisin iyon pumunta naman ako sa dining area at kumain. pero may nakita akong note sa table and it says:

Sorry kung panget yung lasa, kunin mo na lang yung adobo sa Ref. at iinit mo. medyo di lang talaga halata na adobo sya.

Katrina



kinuha ko naman yung adobo DAW na sinasabi ni Kath then pagkatingin ko dun sa loob nung mangkok

teka? bakit sobrang itim nung sabaw tsaka puro sibuyas at bawang? di kaya mamatay ako nito? pero dahil ayokong nasasayang ang effort kaya ininit ko yun. nung tinikman ko na

halos maduwal ako sa SOBRANG SAMA NUNG LASA.

pano ba naman ang alat sobra tapos pinagsama sama yung lasa ng bawang, sibuyas at paminta.

next time nga tuturuan ko sya magluto nung maayos. after kong kumain binuhat ko na si Kath papuntang kwarto namin at inihiga sya sa kama, ako naman humiga na sa Couch.

Seducing My Workaholic HusbandWhere stories live. Discover now