SPECIAL CHAPTER (EINA X MIKAEL)

3.5K 55 6
                                    

Special Chapter: (Mike X Eina)

EINA's POV

"Ugh Leroy! Wag kang magulo! Ayokong matalo kay Katrina, di kakayanin ng pride ko" inis na saway ni Ellie kay Leroy. Kasalukuyang naglalaro kasi ng Tong-its sila Katrina.
I actually don't know what happened at bigla nilang maisipan na maglaro ng card games. And that card game pa may mga consequence kaya di ako sumali, actually di kami sumali lahat except Kath and Ellie.

"Tong-its" Katrina said then put down her cards.

"Sayang! Ace na lang card ko eh" inis ulit na nilapag ni Ellie yung card nya.

"Corny talaga nung game. Ang KJ nyo kasi eh" Ellie habang nagbabalasa ng cards.

"How about let's play 123 pass?" Katrina suggested

"Anong game yun?" Dylan asked

"Pauso lang ni Kath" pang-aasar naman ni Mikael

"Hindi kaya! Alam na tong laruin nina Ellie at Reina kasi mandalas namin tong laruin kapag nag o-outing. So ipapaliwanag ko kung paano laruin. Diba every number nung cards may 4? Yung spade, hearts, diamond and yung flower? Ibabalasa yung cards saka i-d-distribute. Kapag sinabi na 123 pass kukuha ka ng card sayo tapos ipapasa mo sa katabi mo. Then paulit ulit hanggang sa mabuo yung apat na cards. Tapos kapag may makabuo, ilalapag nyo yung kamay nyo then paunahan. Gets?" Paliwanag ni Kath. Nagtanguan naman yung iba.

"At syempre ang pinakalast na maglapag nung kamay nya, may truth or consequence at isang shot. Okay? Kapag hindi sinagot yung tanong or hindi ginawa ang dare. Iinom ng three consecutive shots at makakatanggap pa ng tig-iisang mura galing samin" dagdag ni Ellie.

Medyo nagdalawang-isip ako sa kung sasali ba ako o hindi dahil sa sinabi ni Ellie.

"Mukhang madali lang. Sige, I'll join"- Mike tsaka umupo sa sahig kung saan nakapwesto sila Kath.

Sumunod naman sa kanya si Chelsea. Tapos syempre si Dylan at Leroy um-oo na. Asawa at Girlfriend ba na naman nila yun eh.

"O kayong dalawa?" Tanong ni Kath samin.

Umiling na lang ako tsaka umupo na. Mikael followed me.

Bale ang pwesto namin pacircle sya: Ako, Katrina, Ellie, Chelsea, Mike, Dylan, Leroy and Mikael.

Nag start na magbalasa si Kath and dinistribute na nya yung cards.

Nung nakita ko yung cards ko, may 2 akong pareho.

"One, Two, Three. Pass" Kath

Ibinaba ko yung di parehong card at tsaka kinuha yung pinasa sakin. Nagpatuloy yung game hanggang sa biglang naglapag ng kamay si Dylan. Syempre ang rule is to put your hands down quickly kaya naman nagsipatungan na kami ng kamay.
Pinakita muna ni Dylan yung cards nya kung buo yung set ng cards and yes. Buo nga.

"Huli ka Kath!" Ellie

"Truth or Dare?"

Tumingin muna si Kath kay Dylan bago sumagot "Dare" she said and then uminom sya ng isang shot.

"Kiss mo ko" utos ni Dylan

"Saan?" Kath

"Sa Lips"

"Eew. PDA." Side comment ni Ellie

Di sya pinansin ni Katrina at lumapit ito kay Dylan para halikan sa lips. It didn't last long naman. Mukhang may hiya parin pala ang mag-asawa na to.

After nung dare, naglaro ulit kami. Nakailang rounds din kami hanggang sa ako ang pinaka nahuling maglapag ng kamay.

Ellie gave me a shot, kaya ininom ko muna yun

Seducing My Workaholic HusbandWhere stories live. Discover now