CHAPTER THIRTY-ONE

2.4K 36 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

KATRINA's POV

"Oh, nandito ka na pala? Kumusta 'yung date n'yo? Nag enjoy ka ba sa halik n'ya?" he asked sarcastically

Shit. Nakita n'ya kami?

"Dy, it's not what you think" gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi ko naman ginusto 'yung halik pero mukhang mas lalo s'yang nagalit sa sinabi ko.

"What? Don't tell me mali ang nakita ko? I saw you two, kissing. And ano 'yun? Friendly kiss? Fuck!" inis na sinuntok n'ya yung gate namin, dahilan para mag cause ito ng ingay.

"And you just told me na wala akong dahilan para magselos. Fvck? Really? Walang dahilan? Tangina!" madilim na madilim na ang mga mata n'ya. Na isang sabi ko lang ng salita na di nya gusto ay baka saktan nya ako.

"Dy! No, calm down okay. 'Yung nakita mo—" sinubukan ko ulit magpaliwanag pero hindi na naman n'ya ako pinakinggan.

"Siguro matagal n'yo ng ginagawa 'yun sa likod ko? Ano? 'Di ba ako magaling kaya gusto mo pa humanap ng iba? Mas maraming matatamis na salita ba s'yang sinasabi? Ano? Or baka kasi di ka lang talaga makuntento sakin kasi—" bago pa n'ya matapos ang sinasabi n'ya ay sinampal ko na s'ya. I can't believe na ganun kababa ang tingin n'ya sa akin.

"Really? Ganun ba ang tingin mo sa'kin? Sige, 'yan ang paniwalaan mo. Wala akong pakealam. Ganyan naman tingin mo sa akin 'diba? Ni hindi mo nga mahayaan na magpaliwanag." inis na sabi ko at nauna ng pumasok sa loob.

Nakakairita! Ganun ba ang akala nya sakin? I am so disappointed with him.

Tinagalan ko talaga ang pag shower para 'di kami magpang-abot na dalawa. I don't want to talk him right now. Medyo masakit pa rin para sa akin 'yung mga salitang binitawan n'ya.

It takes me maybe 2 hrs bago lumabas sa shower, pero wala akong Dylan na nakita. I am thankful na wala s'ya, atleast 'di ako maiirita sa kan'ya. Maybe, sa ibang room s'ya matutulog, and I think it's a better idea.

Isang tawag ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing kong tulog. I checked what time is it, and saw that it is almost 2 AM already. Who the hell will call me at this hour? Labag man sa loob ko, i picked up my phone and saw that the caller was Leroy.

"Hello" I answered lazily

"Hi Katrina, did I wake you up?"

"Not really, naistorbo mo lang 'yung tulog ko" I sarcastically answered.

I heard him laugh on the other line.

"Sorry about that. And since naistorbo na rin naman kita sa pagtulog mo, can you do me a favor?"

"What is it?"

"Well, kanina nagyaya si Dylan na makipag inuman, pumayag kami since minsan lang naman magyaya yung kupal na 'yun. We heard that you two had a row, kaya s'ya nagyaya ng inuman. Pero, almost 5 hours na kaming nag iinuman, and he is really wasted. Nauna ng umuwi sina Mike and Mikael dahil pinagbabawalan daw sila ng mga girlfriend nila na magtagal. And ako naman, may meeting nang maaga bukas. So I need to go home already. 'Di ko naman maihatid si Dylan since wala naman sa way ko 'yung bahay ninyo" paliwanag n'ya.

"And you're asking me to fetch him there?" putol ko sa mala nobelang k'wento n'ya.

"Yeah. Nakuha mo"

"Dapat sinabi mo na lang na pinapasundo mo lang s'ya hindi 'yung nagkwento ka pa ng pagkatagal-tagal" inis na sabi ko.
Tsaka na tumayo para maghanda ng susuotin. Now I know kung bakit wala s'ya dito.

"Kinuwento ko na lang, since alam ko naman na magtatanong ka rin what happened 'pag punta mo dito. So nauna ako magkwento, you know advance ako mag-isip" I imagined him grinning while talking. And I want to murder him because of that. Mabuti na lang at 'di ko makikita ang ganoong mukha n'ya.

"Yeah whatever. Text me the address magbibihis na ako"

"And I forgot, I'm on my way home, kaya 'di mo na ako maabutan dun"

"What?! You left him there?!" inis na utas ko.

"Wala naman manggugulo sa kan'ya dun, unless s'ya ang gumawa ng gulo. Sige bye"

Mumurahin ko pa sana s'ya pero mukhang alam n'ya ang gagawin ko kaya nauna na s'yang magbaba ng telepono. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang magbihis nang mabilis dahil baka anong mangyari kay Dylan dun.

Matapos kong magbihis, sakto naman na nagtext si Leroy. Nagmamadali akong sumakay sa kotse, at pinaandar ito.

Dahil madaling araw na, mabilis akong nakarating sa bar. Mabuti na lang at sinama ni Leroy sa message n'ya kung saan banda nakapwesto si Dylan kaya 'di na ako nahirapan sa paghahanap. Akmang lalapitan ko na sana s'ya, nang may isang babae na lumapit sa kan'ya.
Nung una, 'di ko mamukhaan kung sino 'yung babae, pero kalaunan, nakilala ko s'ya—si Jennie.

What the hell is she doing here? And bakit s'ya lumapit kay Dylan? Dahil medyo malayo ang pwesto ko sa kanila at malakas ang tugtog, hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Nagulat na lang ako nang kumandong si Jennie at biglang hinalikan si Dylan. I was praying na itulak s'ya ni Dy pero hindi n'ya ginawa. To my surprise, he responded aggressively to her kisses.

"What the fuck?" mahinang usal ko. Gusto ko silang sugurin, pero ayaw makisama ng katawan ko. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Lalo na ng makita ko na tumayo silang dalawa. Pasuray-suray na naglakad si Dylan habang inaalalayan s'ya ni Jennie. Papunta sila sa VIP Room sa bar na ito. Ayaw ko ng makita pa 'yung susunod na mangyayari sa kanila. Dali-dali akong nagpunas ng luha, at nagmamadaling umalis. May nabunggo pa ako pero 'di ko lang sila pinapansin. Mabilis akong lumabas ng bar at imbes na dumiretso sa bahay namin ni Dylan. Sa isang hotel ako dumiretso. Doon ko balak magstay hanggang sa ready na akong makipag-usap kay Dylan.

I know Dylan, mababa ang tolerance n'ya sa alak, and nag-iiba ang init ng katawan n'ya 'pag nakainom at imposibleng walang mangyari sa kanila. Hindi ko na kailangan ng paliwanag, nakita ng dalawang mata ko ang nangyari. I turned off my phone and sinubukan ko ulit matulog habang inaalis sa aking isipan ang imahe ng dalawa na naghahalikan.

---
I woke up feeling nauseous, parang hinahalukay ang tiyan ko, kaya naman dali-dali akong pumunta sa CR at sumuka. It feels like I am going to vomit all the foods I have eaten in my whole life. 'Nung umayos na ang pakiramdam ko, naghilamos ako at naligo.

I checked the calendar and I realized na 3 weeks na pala akong delayed. I didn't saw this coming. Just to make sure, I decided to buy pregnancy kit, later.

Kung sakaling buntis ako, dapat ko bang sabihin kay Dylan? It will be unfair to him kung itatago ko sa kanya na may anak kami. Pero hindi ba unfair din na lokohin n'ya ako? Yes, he's drunk. But he shouldn't be on the bar in the first place. If he only knew how to listen, e'di okay kami ngayon.

---
Mabuti na lang at may drugstore na malapit dito sa hotel na pinagstay-an ko. Kaya naman 'di na ako nag dalawang isip pa na bumili ng pregnancy kit. I bought 5 na iba-iba ng brand. When I get back to my room, I decided na mag run na ng test. Ginamit ko muna lahat bago ko tingnan ang result.
2 lines. I'm pregnant!
Hinawakan ko ang tiyan ko at napaluha ako.

"My baby..."

Maghiwalay man kami ng daddy mo, I will love you no matter what. I will give everything you want. Yes, I have a plan na makipaghiwalay kay Dylan. Mahirap na mag stay pa kami sa isang relasyon na walang tiwala sa isa't-isa. Iisipin n'ya na niloloko ko s'ya, 'coz he saw me and Paulo kissing. And s'ya naman, iisipin ko 'yung halikan nilang dalawa ni Jennie and who knows what happened after that.

Relationship should be built by trust, and hindi magiging maayos ang relasyon namin kung wala iyon. Magiging unfair lang kami sa isa't-isa.

Seducing My Workaholic HusbandWhere stories live. Discover now