CHAPTER TWENTY-EIGHT

3.8K 67 30
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT

KATRINA's POV

It's been two weeks after our Monthsary and masasabi kong mas nakakakilig si Dylan ngayon. Hihi! Medyo vocal na sya sa nararamdaman nya and well mas naging clingy and possessive. Nung umpisa medyo nakakakilig kaso nung dumalas na? Mygash! Nakakairita. Swear!

"Kath! Aren't you done yet?" Dylan shouted downstairs.

"Malapit na!" I shouted back

Sa'n kami pupunta? Sa Mall lang naman. We are going to watch movie. Yung bagong labas na movie ng KathNiel. Yung "Can't Help Falling in Love." Ang ganda kasi ng trailer eh. Kaya ayun, we decided ti watch it.

Matapos mag-ayos at magbihis, lumabas na ako ng kwarto at bumaba na. Pagdating ko sa living room, I saw Dylan sitting impatiently on the sofa.

"Tagal mo naman magbihis" inis na sabi nya. Tsaka pinasadahan ng tingin ang suot ko.

"What are you wearing?" He asked
Tiningnan ko naman ang suot ko. Wala namang mali ah? Nakacropped top at high waist shorts tsaka sneakers lang naman ako.

"What?"
"Change your outfit, We will go to Mall. Maraming tao, maraming titingin sayo."

I rolled ny eyes at him

"Seriously? Ang init-init eh. Don't make me change Dylan. Kung ayaw mo ng suot ko, pupunta ako sa Mall mag-isa" inis kong sabi saka ako naglakad papuntang pintuan. Bago lumabas, tiningnan ko muna kung anong ginagawa ni Dylan--nakatayo lang sya dun at parang walang balak na samahan ako. Argh! Fine!

Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa sasakyan ko. Pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ng kotse, may kamay na humila sa akin sa pagbukas ng pinto.

"What? I thought ayaw mo sa suot ko?"

"Yeah. Ayaw ko sa suot mo. Pero ayaw ko rin na umalis ka mag-isa. Mahirap na, baka mapagkamalan kang walang asawa. Tss" pagsusuplado nya.

"Selos ka?"

"Oo naman. Pumasok ka na sa loob bago pa kita pagpaplitin ulit ng suot." Ngumiti naman ako pero di muna ako pumasok sa loob. Instead, lumapit ako sa kanya at ginawaran ko sya ng halik sa labi.

"Wag ka na magselos. I love you." Sabi ko tsaka dali-daling pumasok sa loob ng kotse. Nakita ko syang natigilan at hinawakan yung labi nya. Napailing-iling sya tsaka na rin pumasok sa loob.

"I love you, too."usal nya pagpasok na pagpasok nya sa kotse.

Yieeeee. Kilig ako. Hahahahaha

****
Nasa loob na kami ng Mall at nakabili na din ng ticket. Dapat pala nagpa block screening na lang ako. Tapos kami lang ni Dylan yung manonood. Kainis kasi yung mga babae na wagas tumingin kay Dylan. Bwisit lang! Kung makatingin akala mo hinuhubaran na yung asawa ko eh. Isa-isa ko silang inirapan. Tss. Flirty Bitches.

"Fuck those guys. Akala nila di ko napapansin" Dylan mumbled then looked at me. "Kanina pa sila nakatingin sa legs mo. Sabi ko naman kasi sayo, wag ka magsh-shorts eh. Mukhang mapapaaway pa yata ako" He snaked his arms on my waist then kiss me on the cheeks.

I think I blushed. Omg!

"Ang clingy mo" kunwaring inis kong sabi pero kinikilig talaga ako.

"I like being clingy. Tsaka para malaman na din nila na may asawa ka na. Kainis kasi eh. Sarap dukutin ng mga mata ng mga gago. Tss"

"Eh ikaw nga eh. Kahit di nakashorts, pinagtitinginan ka ng mga babae"

"Ang gwapo ko kasi kaya ganun" then he winked at me.

"Tss. Ibig sabihin maganda ako, kasi maraming nakatingin sakin na mga lalaki?"

Madilim ang mukhang tinanggal nya ang kamay sa baywang ko.

"Is it the reason, why you always wear short shorts? Para pagtinginan ng mga lalaki?"

"Anong pinagsasabi mo? Seriously? Tingin mo ba gusto kong bastusin ako ng mga lalaki?"
Bwisit! Kikiligin na sana ako kasj nagseselos sya eh. Pero argh!!!

Nauna na akong maglakad papasok sa sinehan. I heard Dylan calling me pero di ko sya pinapansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad 'til I bumped into someone. Muntik na akong masubsob sa sahig pero kagaya sa mga cliché na romantic movies na napapanood ko, nasalo ako ng lalaki bago pa ako masubsob.

"Sorry Miss. Are you okay?" Isang baritonong boses ang narinig ko. Inayos ko ang pagkakatayo ko saka tumingin sa kanya. OH.MY.GOD. I know him! Gadh! Si Xian Lim. Yung actor. Crush ko sya, pero di ko ipapahalata. Bago pa man ako makapagsalita, may matigas ng kamay na humila sa akin, Dylan's smell filled my nose, kaya naman alam ko na agad na sya yun. He possessively wrapped his arms on my waist and look intently at the guy in front of us.

"Fuck off dude! May asawa na 'to" Dylan said. Madilim ang aura nya. At kung may sabihin lang 'tong si Xian na hindi kaaya-aya, Dylan will probably punch him. Pero mukhang napansin ni Xian na seryoso si Dylan kaya umatras sya.

"Sorry Miss. Pasensya na P're" then umalis na sya sa harap namin.

"Don't talk to me. Naiinis ako" may diin parin ang boses na sinabi ni Dylan tapos nauna na syang pumasok sa loob. Sinundan ko naman sya. Buti naman at maliwanag pa sa loob dahil hindi pa nag uumipisa ang palabas kaya naman nakita ko agad kung saan nakapwesto si Dylan.

Bakit ba sya ang galit? Diba ako dapat? Bahala sya jan! Hmp!

Sakto naman na pagkaupo ko, mag uumpisa na yung palabas. At least, hindi na kay Dylan yung attention ko.

****
Natapos na yung movie and until now, di pa rin kami nag uusap ni Dy. Galit pa din sya? Bahala sya jan. Tss.

Nakahalukipkip lang ako, habang tinitingnan ang mga taong isa-isa ng naglalabasan. May mga ngiti sa labi nila at parang mga kinikilig. Maganda naman yung palabas, kaso hindi ko na-enjoy dahil naglalakbay yung isip ko kay Dylan. Kainis!

"Wala ka bang balak lumabas?" Dylan asked coldly.

Inirapan ko naman sya bago tumayo at nagmamadaling lumabas ng sinehan.
Habang naglalakad palayo, sumisikip ang dibdib ko. Isa-isang tumulo ang luha ko sa pisngi at para akong tanga na lakad-takbo ang ginagawa habang pinupunasan ang luha.
I was about to ride on the elevator, when someone grabbed me. It was Dylan. Hinarap nya ako sa kanya, then he frowned when he saw me crying.

"What the hell, Kath? Why are you crying?"

"I hate you! Ang cold mo sakin! Kanina ka pa eh. Lagi mo na lang ako inaaway!" Umiiyak na sabi ko habang hinampas ko yung dibdib nya. Wala akong pakealam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao.
Pinigilan nya ako sa pag hampas ko sa kanya, then he hugged me.
"Hush, baby. Stop crying. I'm sorry"
Hinalikan nya ang buhok ko "Sorry baby."

****
Matapos ang iyakan scene namin ni Dy. Kumain kami sa isang restaurant and sinamahan nya ako mag shopping at grocery. Hindi ko alam kung bakit dumadalas yung mood swings ko, at mas nagiging emotional ako. Everytime na ayaw ni Dylan yung gusto ko, naluluha na ako agad. Kaya ayun, walang nagagawa si Dylan at pumapayag sya sa gusto ko.

Kauuwi lang namin sa bahay, and we're both stunned when we saw Faye outside our gate.

What the hell is she doing here?

-----------------------------------------------------
A/N: Tagal ng UD ko kaloka. Hahahahahaha. Enjoy Reading mga bes!

Seducing My Workaholic HusbandWhere stories live. Discover now