"Tests? No! I can't let that happen. Gagawin niyong subject ang anak namin sa isang mga walang kuwentang experiment? That's bullshit!" 

Napapikit nang mariin si Dr. Aguillard saka napahilot sa sentido niya. Mukhang mahihirapan siyang pakiusapan at kumbinsihin ang mag-asawa na ganito ang kanilang nararamdaman.

"Mr. and Mrs. Hutton, kung gusto niyo babalik na lang ako mamaya o kaya bukas kapag okay na kayo. Ayos lang ba iyon?" Dahan-dahan na sabi ni Dr. Aguillard dahil baka mag-burst out na naman ang mag-asawa. "I'll give you time to think about it."

Napapansin niya kasing nagiging OA na ang mag-asawa. Well, sino ba naman ang hindi lalo na sa ganitong sitwasyon? Kapag ANAK na ang pinag-uusapan, ibang kaso na iyon. Napakahirap nito para sa magulang na walang ibang ginawa kundi ang mapabuti ang kanilang anak.

"No!"

Napatingin si Dr. Aguillard kay Mrs. Hutton nang bigla itong magsalita. Tumayo ito saka humarap sa kanya.

"Doc, tell us more about that kind of allergy. I want to know everything," mahina ngunit may diin na saad ni Mrs. Hutton. Linapitan naman agad siya ng kanyang asawa at sinubukan siya nitong awatin.

"Nahihibang ka na ba? Don't tell me na papayag ka sa gustong mangyari ng doktor na ito?!" bulong ng asawa niya sa kanya pero rinig na rinig naman ito sa buong kuwartong kinaroroonan nila ngayon.

"Saw, please. Calm yourself down. Wala iyang maitutulong sa anak natin. Let's hear out what he's going to say to us. Please. If you don't want to hear it, you can go out and wait there instead. You're just being a hindrance here."

Walang mararating ang away at galit na nararamdaman nila kung magiging ganito na lang sila hanggang sa bumalik sa dati si Eve. Kung ang isa ay wala pa sa tamang pag-iisip para tanggapin ang sitwasyon ng anak nila, ang isa ay kailangang magpakatatag at paunti-unting tanggapin ang sitwasyon kahit na ang isa sa kanila ay masaktan.

Hindi nagsalita si Mr. Hutton. Narinig na lang nila ang pagbukas at pagsara ng pinto hudyat na lumabas nga ito sa kuwartong kinaroroonan nila. Senyales lamang iyon na ayaw niyang makinig sa lahat nang sasabihin ng doktor.

"Now, tell me everything, Doc. Everything that I need to know about her allergy." She looked at her daughter once again. Bago pa man bumuhos ulit ang mga luha niya ay binalik niya na lang ulit ang tingin kay Dr. Aguillard na kaharap niya.

Ilang minutong nag-usap ang sina Dr. Aguillard at Mrs. Hutton. Nagawa ring ipaliwanag ni Dr. Aguillard ang lahat pero hindi pa rin iyon sapat. He needs the approval of the parents to do the tests immediately.

Nagpaalam na si Dr. Aguillard at naiwan sa loob si Mrs. Hutton.

"Mr. Hutton..." Dr. Aguillard said trying to talk to Mr. Hutton but Mr. Hutton just ignored him.

Napailing-iling na lang siya saka na tumuloy sa paglalakad. Mahirap kausapin ang taong ayaw tumanggap sa reyalidad... ang taong ayaw naman makipag-usap sa 'yo... ang taong sarado ang isip.

Kinabukasan ay agad nagtungo ang mag-asawa sa opisina ni Dr. Aguillard para sabihin sa kanya ang naging desisyon nila.

"Pumapayag na kami, Doc. Just please... take care of our daughter. Save her."

Dumiretso agad si Dr. Aguillard sa kuwarto ni Eve. Tinurukan muna nila ng pampatulog si Eve at inalis muna nila ang mga makinang nakakabit sa kanya bago siya ipasok sa therapy room.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें