Chapter 44: With Him

Magsimula sa umpisa
                                    

"Grabe ka Juliana ah. Eh kung halikan kaya kita diyan ng manahimik na 'yang madaldal mong bibig?"

I froze at that moment. Kusa akong natigilan ng biglang maging seryoso si Taehyung. Nakaramdam ako ng kaba. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko. Ewan ko pero parang gagawin niya nga talaga 'yon kapag nagsalita pa ako.

And with that, hindi na nga talaga ako umimik pa. Natatakot akong baka gawin niya nga talaga. >_<

"No more negative thoughts, okay?" Nakangiti na niyang sabi kaya medyo nakahinga na ako nang maluwag. Balik ulit siya sa dati.

"Speechless ka noh? Ayaw mo bang mahalikan ng isang alien? Good kisser pa naman kami tapos choosy ka pa? Hahaha! Magsalita ka na nga ulit. Pabebe pa 'to."

Tinignan ko lang siya ng masama kaso 'di siya natinag. Bwiset na lalaki 'to! Nang aasar pa talaga. Ang abnormal!

Inirapan ko lang siya since hindi ako maka imik. Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanya. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may biglang humatak sa'kin. 

"Juliana please. Sumama ka na sa'kin."

Halos mahulog ang panga ko sa narinig ko. What did he just say?

Saktong pagkaharap na pagkaharap ko sa kanya ay napanganga ako sa sinabi niya. He's just staring at me kaya halos hindi na 'ko makagalaw dahil sa mga titig niya.

Nakakairita pa dahil I can't help but to stare at him too. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa mga mata niya.

Damn it, Taehyung! Why are you like this?

"Juliana.. Please?" Maamong sabi niya na nakapag pakunot naman ng aking noo. "I just.. I just want to be with you.." Dagdag niya pa.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa mga pinagsasabi niya ngayon. Ano bang sinasabi niya? Ano bang ibig niyang sabihin?

Hindi ko siya magets kaya naitulak ko siya ng hindi kalakasan. I looked at him seriously at ganon din naman siya. Nagulat na lang ako ng bigla siyang tumawa at lumapit sa akin.

WTF?

"Bakit ba ang seryoso mo? Bakit ba ayaw mong magsalita? Takot ka ba talagang halikan kita? Hindi ko naman gagawin 'yon. Pang blackmail ko lang 'yon pero kapag napuno mo ako, hindi ako mag dadalawang isip na gawin iyon." He grinned at naramdaman kong biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.

Wow. Just wow.

Ganyan naman talaga iyan. Ganyan siya pumatay ng mga fangirls niya. Pati lip bites, yung dila niya, yung mga nakakatunaw niyang tingin.. Grabe! Ang daming namementally pregnant na mga fangirls sa ginagawa niyang 'yon.

Magsasalita na ba ako? Gustong gusto ko na siyang sigawan sa inis kaso hindi ko magawa dahil pinipigilan ako ng utak ko. Nakatingin lang siya sa akin na parang hinihintay pa akong magsalita.

Tsk, what I am going to do?

Napunta na lang sa kanya ang atensyon ko nang bigla siyang humalakhak. "Tara na nga! Ang tahimik talaga nito." Sabay hila niya sa kamay ko.

"Ayoko ngang sumakay."

"Wow, nagsalita rin siya oh."

"A-ayoko nga kasing sumakay." Pagkasabi ko nun, nagulat ako ng bigla siyang huminto sa paglalakad. Binitiwan niya ang kamay ko atsaka tumingin sa akin na may pagmamakaawang mukha. "T-Taehyung--"

"Please naman Juliana. Kahit ngayon lang. Please please please?"

"Pero--"

"Pleeeeeeeeeease?"

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon