Chapter 39: Last Night

323 16 0
                                    

Nandito pa din kaming dalawa sa kusina. Pinapanood ko si Jungkook na nililinisan ang manok. Napapangiti na nga lang ako ng wala sa oras dahil ngayon ko lang din naman siyang nakita na magluto ng live.

Pero hindi porket ngumingiti ako, may gusto na ulit ako sa kanya ah! Nakakatuwa lang kasi na marunong din siyang magluto.

"Ayan! Tapos na rin sa wakas. Ang baho ng dugo ah. Ang lansa." Sabi niya habang nag huhugas ng kamay. Napabuntong hininga na lang ako.

"Malansa naman talaga ang dugo ah? Tsaka oo syempre mabaho talaga 'yan. Dugo 'yan eh. May dugo ba na mabango?"

"Oo yung akin mabango."

"Yak. Umayos ka nga! Kadiri ka."

"Arte mo. Pasalamat ka nga kilala kita. Yung ibang ARMYs nga diyan, nangangarap na makita at makausap kami tapos samantalang ikaw parang hindi na idol ang tingin mo sa amin."

"Kasi kaibigan ko na kayo. Kaibigan na ang tingin ko sa inyong pito."

"Kaibigan?"

"Yep."

"Oh ikaw na nga dito! Ikaw na magluto." Lumapit siya sa'kin tapos sinuot niya sa'kin 'yong apron. Hindi na ako nakagalaw ng taliin niya ang tali mula sa likuran ko.

Para siyang nakayakap sa'kin! >///<

Plus, na aamoy ko pa siya. Ang bango niya shit. Sa pabango lang niya ako na a-attract ah. Hindi sa kanya.

"Yan tapos na." Humiwalay siya atsaka naglakad palabas ng kusina. Iniwan talaga akong mag-isa!

"Sige ah. 'Yan pala gusto mo ah. Kapag natapos ko 'tong lutuin, hindi ka kakain." Sabi ko at sinimulan ang pagluto ng adobong manok. Bahala siya. Nang iwan na lang basta basta. Bakit ba nagkaka ganon 'yon? Kanina pa siya.

Maya maya lang, habang nagluluto ako parang may nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung guni guni ko lang 'yon pero imposible namang si Jungkook 'yon dahil wala naman akong narinig na nag bukas ang pintuan.

Hindi kaya..

NO! AYOKO! Takot ako sa mga multo! Isa pa, ako lang mag-isa ditoooo! T__T

"Kung sino ka man, 'wag na 'wag kang lalapit sa'kin." Pag babanta ko. Ang higpit ng pagkakahawak ko sa sandok. Eto ang pamalo ko kasi.

"Pasalamat ka malapit na 'kong matapos dito." Hindi ako lingon ng lingon. Nakaharap lang ako sa niluluto ko. Ayoko ngang tumalikod!

Ng patayin ko na ang apoy dahil tapos na ako magluto.. Bigla akong kinilabutan ng may makita akong anino sa likuran ko.

The F.. Eto na ba?

"Sabing 'wag kang lalapit eh!" Nakapikit akong humarap atsaka hinampas ang hawak hawak kong sandok. Napamulat ako ng may humawak sa kamay ko.

Pagtingin ko..

"Baliw ka na ba talaga?" Irita niyang sabi sabay bitaw sa kamay ko. Muntikan ko na siyang mahampas kanina.

P-paano siya--

"Lumabas akong nakabukas ang pintuan at pumasok din akong nakabukas ang pintuan kaya hindi mo alam na nandito ako kanina pa." He explained, laughing. "Natatawa ako sa reaksyon mo. Takot ka sa multo? Hahaha! May mga pabanta-banta ka pa na 'wag lumapit sa'yo eh. Hahaha!"

"Shut up." atsaka inirapan ko siya. "Akala ko ba ayaw mong nag hihintay? Eb bakit kanina ka pa nandito? Hinihintay mo ba yung pagkain?" Mataray kong sabi sa kanya.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon