Chapter 4 - Two can play this game

Magsimula sa umpisa
                                    

        "Aish! Daming satsat. Ikaw na nga 'tong iniisip eh."

        "Pakopyahin mo nalang kasi ako."

        "Di ka matututo ng ganyan."  Sabagay.. Mahirap mang aminin, kaso may point sya eh.

        "Ayoko talaga, Xands. Pass muna. Bawi nalang ako sa midterms."

        "Sasabi sabi kang babawi ka sa midterms pero pagdating sa midterms tatamad tamad ka na naman kaya't alam ko na sasabihin mong babawi ka nalang sa pre-fi... Kabisado na ako sa cycle mong yan. Tsch. You leave me no choice. Tuturuan kita."

        "Sabi nang ayok- Ha?" Say what? Di ako makapaniwala sa naririnig ko. Eh sa ang bait talaga ng mokong ngayon! Himala! Isang himala!

        Teka. May sakit ba sya? Kinapa ko ang noo nya upang malaman kung may lagnat sya... Wala naman ata.  "Oi, Risa. Alam kong chansing ka talaga saakin pero ano yang ginagawa mo?" 

        "Nagbibilang ng uban mo, malamang. Uso common sense, Xands." Sarkastiko kong sabi sa kanya. Tsss! Ano ba kasi ang nakain ng lalakeng to at naging santo ngayon?

        "Okay lang kasi ako. Ikaw na nga ang tutulungan ikaw pa tong may ganang pagdudahan ako. Sino ba daw bespren ang pagdududahan ang bespren nila? Ano yun? Shunga lang?" Laptrip sa shunga! Ampotek. Ang cute talaga ni Xander pag gunagamit ng gay lingo eh! :>

        Nakakainlove lalo. Hihihi. Sshh!

        "Geh na. May magagawa pa ba ako? Baka magtampo ka't umiyak jan. Di yun kaya ng konsensya ko." Pang asar ko sa kanya.

        "K."

        "Galit ka na nyan?" Sabi ko sa inyo may topak ang lalakeng 'to eh.

        "Basta mamaya after class ha? Sa apartment ko."

        Dug, dug. Dug, dug.

        Ibig sabihin.... Kami lang dalawa mamaya sa apartment nya. Ihhhhhh! :>

        Nakalimutan ko bang sabihin na nag aapartment lang itong si Xander? Malayo kasi yung mala-mansyon nila na bahay at yung parents nya na man ay palaging out of town. Business world.

        Kaya't mas minabuti nyang tumira malapit sa school... at malapit sa puso ko. Hihi. Ang landi landi ko na! Kainis. Si Xander dapat ang sisihin dito eh.

        Pero... Mamaya... Kami lang... Apartment...

        Dug, dug. Dug, dug.

        Epal na SFX! Epal na puso! Kumalma ka! Magtigil ka, Risa! Maghunos dili ka sa mga pinagiisip mo jan.

        "T-tayo lang dalawa?" Minsan gusto ko ring sapakin 'tong sarili ko sa pagtatanong ng mga walang kakwenta kwentang mga bagay. Tanga ko din eh.

        "Obvious naman, Ris. Isali natin ang husky kong si Nachan kung gusto mo... Makasalita to tungkol sa common sense kanina.."

        Asar. Asar. Asaaaaar!! Di ba nya alam na kinikilig na nga yung tao? Tas nakuha nya pang mambara?

        "Okey. May pagkain ba dun?"

        "Wala eh. Naubos ko na. Daan nalang tayo sa mini-mart mamaya. Trip ko mag pancit canton.. Ikaw ba?"

        Kung may mahal man ako sa mundong ito na higit pa sa pagmamahal ko sa pamilya ko, sa sarili ko, kay God, at syempre kay Xander... Yun yung pagmamahal ko sa pancit canton.

        Mapa original o chilimansi, sweet and spicy o extra hot and spicy... PG talaga ako sa pancit canton. Hindi ako mabubuhay kung walang pancit canton!

        Actually isa rin to sa napakahabang listahan ng pagkakatulad namin ni Xander. Mas PG pa nga yun kung tutuusin. Araw gabi yun ang lafang nun.. Buti nga at di pa na U.T.I. ang mokong! Concerned bespren din naman ako.

        "Yessssssss!" Bulyaw ko habang pasayaw sayaw pa. GV ako eh. "Pancit canton~~ Pancit canton~~~" O.J. na kung O.J. Bawal kasi ang mga ganyang pagkain sa bahay namin. Hirap pag masyadong health conscious pamilya mo. Pati ikaw nadadamay! Tsss. 

        "Babaw ng kaligayahan mo." Asar syang ngumiti.

        "Eh ikaw, hindi?" 

        "Makita kang masaya, masaya na rin ako. Yun ata ang kaligayahan ko ngayon." At napatigil naman ako sa sinabi nya. Ayan na naman sya!! Brace yourselves... DJK is coming.

        "Joke lang?"

        ..........

        "Syempre. Joke lang. Kinilig ka naman." Nag peace pa sya! Tss. Sarap batukan. Wag na nga lang. Mahal ko eh. :>

        "Ano ba yan! Booo! Kinikilig na sana ako eh!!!" At umarte pa akong nahihiya. Akala nya sya lang marunong ha.. Two can play this game.

        "Talaga?" Poker face ulit siya. Grabe. Ang epic talaga ng facial reactions ng lalakeng to! Biruin nyo? Seconds lang yun... Hands down.

        "De, joke lang." Ginaya ko yung tono niya habang sabay na dumila sakanya. Ang saya saya palang nag aasar! Bleh! Buti nga sayong lalake ka!

        "Natututo ka na ha." Sabi nya habang pinapat ang ulo ko. Sweet.... Not.

Lovers in Denial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon