Chapter 43: Riding Horses

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tell us." Singit ni Kaycee. Napansin din pala niya.

Hindi naman agad nakapagsalita si Aramina at umiwas siya ng tingin sa akin. Tumungo siya at bigla siyang..

Umiyak?!

"Ara.." Hinimas-himas ko ang kanyang likod ngunit lalo lang itong umiyak. Nag-aalala ako para sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang lungkot na dinadala niya.

"Aramina tahan na. Masakit para sa amin ang makita kang ganyan. Lalo na't wala pa kaming magawa para pangitiin ka. So please tell us what really happened. Huwag mong sarilihin dahil nandito pa kami ni Kaycee. Tutulungan ka namin dahil iyon ang gawain namin bilang mga kaibigan mo."

"Ilabas mo Ara. 'Wag mong pahirapan ang sarili mo. We're here to listen." Ani Kaycee.

Matagal tagal bago nakapagsalita si Ara. Huminga siya ng malalim atsaka nagsimulang mag kwento.

"It's about Jimin.." Panimula niya. "Meron kasi siyang kasamang babae at sabi niya kaklase raw niya ito. Eh syempre ako naman 'tong si patay na patay sa kanya kaya ko naman siya sinundan at--"

"Wait! Kaya ka ba nandito ngayon? Kaya nakasama ka sa fieldtrip? Dahil kay Jimin?" I asked.

"Y-yes.."

"Ahhhh.."

"How did you know?"

"Narinig ko lang sa usapan kanina nila Namjoon at Jungkook." Sagot ko. "Continue."

"So ayun nga. Syempre gusto ko si Jimin kaya lahat ng makita kong babae na kasama niya napagseselosan ko. Iyong kaklase niya napagselosan ko kaya sinugod ko yun. Then hanggang sa dumami na ang nanonood sa amin at hinila ako ni Jimin sa field sa Baguio. Doon na nangyari ang h-hindi ko inaasahan. H-hindi ko akalain na sasabihin niya 'yong m-masakit na--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil bigla na lang siyang naiyak ulit at napahagulgol.

Niyakap namin siya ni Kaycee atsaka hinimas-himas ang kanyang likod. Mugto na ang mga mata niya at bakas sa itsura niya ang pagka tamlay. Nag-aalala na talaga ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Kumalas sa yakap si bessy atsaka pinunasan ang mga luha niya. Humihikbi-hikbi pa din siya. "S-sabi niya.. Hindi naman daw k-kami kaya hindi ko daw kailangang magselos.. B-but I can't help it. Mahal ko eh.."

"Then, what happened next?"

"I set him free.." Umiyak na naman siya kaso wala ng masyadong luha na lumalabas sa kanyang mga mata. Naubos na niya siguro. 

Ramdam ko pa din yung sakit na nararamdaman niya. Bilib din ako dahil nagawa niyang i-sacrifice ang pagmamahal niya alang-ala lang sa kasiyahan ni Jimin.

Alam ko naman kasi na palaging sinusundan ni Aramina si Chimchim. Siguro nakulitan na? Pero mahal lang naman kasi siya ni bessy kaya walang kasalanan ang best friend ko.

Ganyan din naman ako dati. Nagmahal lang naman ako.. Sa maling tao..

Pero mas doble ang sakit na nararamdaman ni Ara ngayon dahil mahirap din magparaya. Lalo na't mahal mo pa siya.

"Don't worry bessy. Kakausapin ko si Jimin." Sabi ko nang tumigil na siya sa pag-iyak.

Napaharap naman kaagad siya sa akin. "Huwag Juliana. Please, huwag na."

"Why not?"

"Ayoko ng madagdagan pa."

"Pero--"

"Wag na Juliana."

"Bakit naman? Wala namang masama kung kakausapin ko lang siya." Baling ko kay Kaycee.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon