Chapter 43: Riding Horses

Magsimula sa umpisa
                                    

"Babe mo mukha mo!"

"Joke nga eh!"

"Tse!" At tuluyan na silang umalis.

"Loko loko din talaga yung babaeng 'yon." Natatawa niya pang sabi.

"Oo nga ikaw din. Ni hindi niyo nga ata kami kasama noh? Parang hangin lang kami dito noh?" Sarkastikong sabi ni Suga hyung habang kumakain ng pizza na dala nina Jin hyung. Umiral na naman kasungitan.

Ako nga wala akong pakialam nung pinapanood ko silang dalawa. Parang hangin lang din silang dalawa sa paningin ko.

"Mama mo babe." Natatawa namang sambit ni RM hyung. Umupo si Taehyung hyung sa kabilang couch.

"Nasaan pala sina Jimin, Hobi hyung?"

"Wala, wala! Iniiba mo usapan! Hahahaha!" -Namjoon hyung.

"Tatakasan mo pa yung usapan eh." -Yoongi hyung.

"Biniro mo pa kasi, hahaha!" -Jin hyung.

"Joke nga kasi 'yon! 'Di rin kayo mabiro." Nakangiti niyang sabi ngunit hindi naman siya nakatingin kina hyung. "Asan ba kasi 'yong dalawa? Bakit wala rito?"

"Nasa kwarto si Jimin. Si Hoseok naman na sa kwarto ni Aramina kasama sila Juliana at Kaycee." Sagot ni Yoongi hyung.

"Ahh.."

"Uy mga bro.. May sasabihin pala ako sa in--" naputol ang sasabihin ni Jin hyung ng magsalita kaagad si V hyung. Lahat kami napatingin sa kanya kaso..

Sa akin siya nakatingin!

"Mamaya na. Mag-uusap muna pala kami ni Jungkook." Seryosong sabi niya na nakatingin pa din sa'kin ng diretso.

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin?

"Sige." Sagot ni Jin hyung.

Tumayo si Taehyung-ssi kaya kaagad din akong napatayo at sinundan siya palabas ng unit. Pumunta kami sa rooftop ng hotel.

Kailangan talaga sa walang tao?

Juliana's POV.

Dumiretso na agad kami ni Kaycee sa kwarto ni Aramina. Kapikon si Taehyung eh. Kahit kailan talaga abno yung lalaking 'yon!

Pero hindi naman ako naiinis o nagagalit sa kanya. Napikon lang talaga ako. Ewan ko nga kung bakit ang bilis kong mapikon. Basta na lang akong napipikon kapag binabara na ako.

Tsaka kung maiinis o magagalit man ako sa kanya.. Edi ang babaw ko naman kung ganon. Hindi naman ako ganon atsaka mahaba naman din ang pasensiya ko. Naka depende na nga lang iyon.

"Oh Juliana, Kaycee nandito na pala kayo." Bungad sa amin ni J-Hope ng makapasok kami ni Kaycee sa loob. Umupo kami sa kama kung saan nakaupo din sila J-Hope at bessy. "Okay tapos na ang oras ko dito. Time niyo namang tatlo para mag usap-usap." Natatawa niya pang sabi tsaka sabay tayo.

"Salamat J-Hope." Si Kaycee.

"Thank you sa pagbabantay kay Ara." Sabi ko.

"Thank you, Hoseok." Pilit ang ngiti na sabi ni Aramina kay Hobi. Nginitian na lang siya nito atsaka na lumabas ng kwarto.

Tinitigan ko naman si bessy ng mabuti. Bakit ganon? Parang ang lungkot lungkot ng mukha niya. Ang tamlay. Parang may mali sa kanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong mag tanong. "Ara may problema ba?" Agad siyang napatingin sa akin at nagtama ang paningin namin. Kita ko sa mga mata niya ang matinding lungkot.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon