Chapter XLIX: OUTRAGED

Start from the beginning
                                    

Binato bato naman ni Kara ng itlog si Elisha. Tumulong din sa pagbabato ng itlog si Sandra. Sabay sabay silang nagtawanan.

Halos mapaupo si Elisha sa sakit ng pagkakabato. "MYGAD! I CAN'T JUST STAND IN HERE!" Sigaw ni Andrea sa tabi ko at saka na sya tumakbo papunta din dun. Sumunod na rin ako.

Hindi ako makasingit sa mga tao kaya nasa baba lang kami ni Andrea.

Aamba na sanang sasampalin ni Marga si Elisha pero agad na naharang ni Ash yung kamay ni Marga.

"Ash.." Sabi ni Elisha habang sobrang nanghihina na.

Agad na natahimik yung mga nanonood nung dumating si Ash.

"Uh oh." Sabay sabay na sabi ng mga nanonood.

"A-a-ash... B-b-bakit ka nandito?" Sabi ni Marga.

"Are you okay???" Tanong ni Ash kay Elisha.

Tinulungan agad ni Ash si Elisha na tumayo. Agad ding sumunod si El at saka nya tinulungan si Elisha na tanggalin yung mga harina at itlog sa damit at buhok ni Elisha.

Agad na hinawakan ni Ash ng mahigpit yung kamay ni Marga.

"A-ash... N-nasasaktan ako." Sabi ni Marga.

"LISTEN, EVERYBODY! LAHAT NG MAGTATANGKANG SAKTAN SI ELISHA FROM NOW ON, AKO YUNG MAKAKALABAN NYO!" Sigaw ni Ash na halatang nanggigigil at saka nya itinulak si Marga dahilan ng pagkakaupo nito. Itinayo sya agad ni Sandra at Kara.

Nagsigawan ulit yung mga nanonood.
"KAHIT BABAE KA TALAGANG SASAKTAN KITA! HIGIT SA LAHAT NA AYOKO YUNG MGA BABAENG MASYADONG NAGMAMAGALING AT WALANG MODO!" Sigaw ni Ash.

"Ash! Hindi ko sinasadya!" Sigaw ni Marga at saka nya hinawakan yung braso ni Ash. Agad namang tinanggal ni Ash yung pagkakakapit ni Marga sa braso nya.

Si Marga. Since fifteen years old pa lang si Ash, gustong gusto at patay na patay na si Marga kay Ash. Sa mga family meeting lang nya nakilala si Ash.

"HINDI MO SINASADYA NA SAKTAN SI ELISHA??!! EH PANO KUNG ILAGLAG KITA SA STAGE NA TO TAPOS SABIHIN KO RIN SAYO NA HIDI KO SINASADYA HA??!" Sigaw ni Ash na halatang gigil na gigil na. Yung mga ugat nya sa muka halos lumabas na.

"EH NAKAKAINIS KASI! HINDI NAMAN NAMIN KASALANAN NA SARADO PALA YUNG RENTAHAN NG TELA NGAYONG UMAGA." Sabi ni Marga.

"KATULAD NG SABI NI ELISHA, KAHAPON NYA PA YAN INIUTOS SA INYO! PURO KASI KAYO PAGANDA! PURO HAROT! PURO LANDI!" Sigaw ni Ash.

"Ano bang pinakain sayo ng Elisha na yan at sya yung pinagtatanggol mo??!" Sigaw ni Marga.

"PINAGTATANGGOL KO SYA KASI SYA YUNG TAMA! SA GINAGAWA MO NA YAN MARGA PINAPATUNAYAN MO LANG NA WALA KANG UTAK AT HINDI KA NAG IISIP!" Sigaw ni Ash.

Agad na nag "booooo" yung mga nanonood kay Marga.

"Ano ba kasing meron yang Elisha na yan na wala ako?! Bat hindi mo ako magustuhan! Magka linya lang yung families natin! Gusto naman ako ng mommy mo para sa'yo!" Sigaw ni Marga.

"WOW! SOBRANG LAYO NYO SA ISAT ISA MARGA! LAHAT NG MERON SI ELISHA, WALA YON LAHAT SAYO!" Sabi ni Ash at saka nag "uh oh" yung mga nanonood.

"Ash...sorry na!" Sabi ni Marga na may halong paglalambing.

Agad na kinuha ni Ash yung isang timbang pintura at saka nya iyon isinaboy kay Marga. "AAAHHHHH!!'" Sigaw ni Marga na diring diring sa pintura.

"Ash-" saway ni El kay Ash pero hindi yun naririnig ni Ash sa sobrang galit nya kay Marga.

"KULANG PA YAN! I WILL TELL YOUR MOM AND OUR DEAN ABOUT THIS! I WILL MAKE SURE NA HINDING HINDI NA KITA MAKIKITA ULIT AT HINDING HINDI KO NA KAYO MAKIKITANG TATLO DITO SA SCHOOL NA TO!" Sabi ni Ash.

"Ash! Si Elisha!" Sigaw ni El.

Nahimatay si Elisha at agad syang binuhat ni Ash.

Halatang natatakot na sila Marga, Sandra at Kara sa pwedeng mangyari sa kanila.

Agad din namang dumating yung securities at mga teachers. Si El na yung kumausap sa kanila at nagpaliwanag.

Pinatawag na rin yung tatlong babae sa Guidance.

Isinugod na rin namin si Elisha sa may clinic at saka sya inihiga ni Ash sa may bed.

"Elisha! Elisha! Elisha gumising ka!" Sigaw ni Ash habang alalang alala.

"Mygad!! Sobrang lamig ni Elisha!!" Sigaw ni Ash habang nanginginig nginig. Agad namang chineck ng mga nurses yung kalagayan ni Elisha.

Inirecommend nila na isugod na si Elisha sa may Ospital. Nagprisinta na si Ash na sa Ospital na lang nila at sya ng bahala sa lahat ng gastusin.

"Nico, magiging ayos din ang lahat." Sabi ko kay Ash.

"Hindi ko matatanggap pag may masamang nangyari kay Elisha! Kasalanan ko to eh!" Sabi ni Ash.

"Ash wala kang kasalanan." Sabi ko.

Dumating na rin agad yung ambulansya. Sumakay na kaming dalawa sa loob pati si Andrea.

//
Author's Note

Ayieeee todo rescue si pareng Ash! Hahahahaha! Medyo nahuli lang ng kaunti hahahaha~

Pabonus ko tong chapter na to dahil may award ulit tayo yehheeeyyyy!!!

CONGRRRRAAATTTSS GUYYYSSSS!!!Rank 2 yung story natin sa #Dating !!!!!! Thank youuu so much guys!!!! :)))))))))))

My next update will be on wednesday or baka mapaaga ulit hahaha!

PS. Abang abang may mangyayari ulit na malaking gulo.

~kim

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now