Chapter 36

3.3K 116 1
                                    

Tumulo ang luha nya nang makita ang  napakaraming dugong lumabas sa pulsuhan nya. Nagsimula na syang manghina ay mahilo. Hindi nagtagal ay tuluyan na syang bumagsak.

Nasan na sya? Nagiging malabo na ang paningin nya at tila naging manhid ang buong katawan nya. Pero nasan na ang taong inaasam nyang makita? Is he not coming? Wala na ba itong pake alam sa kanya? She is losing consciousness yet no one is coming. Her heart is being broken again. Maybe he no longer care. Maybe he doesn't want to see her anymore. Maybe he already has his own life. Maybe he already moved on.


"Xin......" She weakly said.


Before everything went dark, she saw someone came rushing to her side. She bitterly smiled before getting consumed by darkness.






Nix's Pov

Ilang linggo na. Ilang linggo na ang lumipas pero wala paring pagbabago kay Xena. Naiintindihan nya. It's her first love kaya napakasakit. Pero sa tuwing pinupuntahan nya ito ay parang nawawalan na ito ng ganang mabuhay. Lagi itong tulala saka maya maya ay luluha. Makakatulog lang ito pag napagod na sa kakaiyak. Awang awa na sya sa kapatid. Nahihirapan na rin sya pero hindi nya masabi sa mga magulang nila. Baka lalong masaktan si Xena.



He tried his best para i-entertain ito pero minsan pinapalala lang nya ang sitwasyon dahil napapa iyak nya ito. Ang ikinakatakot nya ngayon ay baka hindi na ito kumakain at tuluyan ng nagpabaya sa sarili.


Kaya sinubukan nyang gumawa ng paraan para mahanap si Xin. Maybe kahit minsan lang pag makita ito ni Xena sakaling mapagaan nito ng kahit konti ang loob ng nakababatang kapatid. He hired a professional to find Xin pero hanggang ngayon ay hindi parin daw nila makita ang binata.



Lalo syang naiinis dahil ang dami nyang trabaho at hindi nya nabisita si Xena ng halos isang linggo kaya lalo syang nag aalala pero pag tinatawagan nya ito ay parang maayos naman kahit papaano ang lagay. Iniisip nya kung papaano nya madidistract si Xena. May kaibigan kaya ito? Wait, may ipinasok pala itong kaklase sa resto. Naaalala nya si Rad. Baka sakaling magkaibigan sila. Dali dali syang nagpunta sa kusina. Napakabusy ng mga chef nila pero wala syang pake. Kailangan nya ng makakatulong ngayon.


"Sir Nix, napabisita ka?" Agad na wika ni Damon sa kanya.

"Si Rad?" Tanong nya.

Napatingin ito sa isang banda at naroon si Rad na busy sa pag gawa ng sauce.


"Rad, 'lika  muna dito"tawag ni Damon dito.

"Ikaw na muna bahala sa ginagawa nya. Hihiramin ko si Rad ngayon." Wika nya.

Naguguluhan ito pero agad nyang hinila ang braso ni Rad nang makalapit ito..


"Okay, kaibigan ka ba ni Xena?" Agad na tanong nya.

"Ako sir? Syempre naman" sagot nito.

"May.....iba pa ba syang kaibigan? Hindi kase maganda ang sitwasyon nya ngayon" wika nya.

Agad na nag alala ito "Sila Mio sir tapos pwede rin siguro nating isama si Jacob"


"Call them, go change and meet me outside. Pupuntahan natin sya"

Alam nyang nagtataka ito pero sumunod parin sa kanya ng hindi nagtatanong. Mabilis lang ito at nakasakay na rin sila sa sasakyan nya.

"Binigay ko na yung address ni Xena sir. Dederetso nalang daw sila."

Tumango lang sya bilang sagot. On the way tinawagan nya si Xena pero hindi nito inaangat ang phone.


Baka may ginagawa lang....

Her Handsome MonsterWhere stories live. Discover now