Chapter 32

3.8K 127 1
                                    

Mabilis na dumaan ang panahon at kaikangan na nyang magreview para sa final exam. Kahit na exempted sya sa isang subject nya, may ilan pang natira na kailangan nyang reviewhan.

"Xin nakita mo yung notebook ko na gray ang cover?" Kanina pa nya hinahanap iyon. Kung saan saan kase sya nagrereview kaya kung saan saan din umaabot ang notebook nya.

Tumayo ito saka kinuha ang notebook nya sa bookshelve nya sa sala.

"Wag kaseng iniiwan kung saan saan" wika nito.

Kinuha nya iyon saka nagpatuloy sa pagrereview hanggang sa nagsawa sya. Tinatamad nyang inilapag ang notebook sa table. Sakto namang dumating si Xin na may hawak na isang slice ng cake at juice. Tinitigan nya lang iyon at hindi nya ginalaw. Xin sigh and sat beside her. Alam nitong tinatamad sya kaya kinuha nito ang tinidor saka sya sinubuan. She smiled at what he did but he just shake his head. Malala na kase ang level ng katamadan nya. 

"Anong oras ng exam mo?"tanong nito.

"One pm. Tatlo exam ko ngayon..... Nakakatamad" She mumbled.

Xin scoff "Hindi na ako nagtaka. Magpasalamat ka sa magulang mo dahil kahit papaano matalino ka. Pano nalang kung tamad ka na nga bokols ka pa"

She glared at him "Heh! Nasa tao lang yun"

Tumayo ito saka may kinuha sa ref. She gasped when she saw him holding a bar of chocolate. Ilang buwan din syang hindi pinayagan ni Xin na kumain ng Chocolate.

"Here, para naman ganahan kang mag exam"

She grin "Yey! Chocolate"


Mabilis pa sa alas kwatro na binuksan nya iyon at kinagatan. She hugged Xin after he first bite.

"Thank you!"

He smiled and brush her hair.

Sa tapat mismo ng gate ng school sya hinatid ni Xin. Pinipigilan nya ito kaso sabi nito wala na ring silbi kase nakita na ito ng buong school. Napanganga ang guard nang makitang may naghatid sa kanya marahil sanay na itong lagi syang nagcocommute.

Pinagtitinginan sya ng mga estudyante. Some are even looking at their phones then look at her. Wait! May kumuha ba ng picture nila ni Xin? Nakakahiya!

Pagkapasok nya sa room biglang tumahimik. Agad syang dinumog ng mga kaklase nyang babae.

"Xena sino yung kasama mo kahapon?" Tanong ng mga to.

Napasimangot sya. Ano bang sabihin nya? Friend? Pwede rin pero baka malaman ng parents nya. Jowa? Arhh! More lies? Hmm... Housemate? Errr..

"Boyfriend nya"sabat ni Mio.

The girls gasped

"C'mon girls. Tantanan nyo na si Xena" wika ni Rad sa mga ito.

"Sabi na nga ba eh. Ang tigas kase ng ulo ng lalakeng yon" napa iling iling sya.

"Ok guys, itago nyo na ang kailangang itago, ballpen lang dapat ang nasa table nyo" wika ng instructor pagkarating nito.

When she scan the questions napatango nalang sya. Parang compilation lang iyon ng mga quizzes nila. Tulad ng nakasanayan nya, lagi syang nagsisimula sa pinakalast question. It was easy for her, nagpakahirap pamandin syang magreview ito lang pala ang lalabas. Hindi na sya nagsayang pa ng oras at tinapos agad ang exam. Before submitting muli nyang inaral ang mga sagot at nang makitang walang problema ay ipinasa nya iyon.

Napatingin sa kanya ang ilan sa kaklase nya nang tumayo sya

"Xena..." Mahinang tawag ni Rad. He asked for an answer but she just stuck her tongue at him saka dumeretso sa instructor nilang bakla. What's funny in their department is that maraming baklang instructor.

Her Handsome MonsterWhere stories live. Discover now