Chapter 15

3.9K 124 0
                                    

"What's going on here?" Tanong ng president.

Sinabi lahat ng dean nila nag mga kasinungalingang sinabi ni Kael dito pati na rin ang pagpapatawag nito sa mga magulang nya para magsorry kay Kael. Halatang nag init ang ulo ng president sa sinabi nito.

"Ikaw ba talaga ang dean ng department na ito? This is a college, not a kindergarten. These people are grown ups at alam nila ang mga pinaggagagawa nila. Have you already heard Miss Xena's side? Naging unfair ka sa mga estudyante mo and you even told her to bring her parents tomorrow, are trying to embarass your self? Is this how you handle this kind of matters?" Galit na wika ng president.

Kilala nya ang president, he's just twenty seven years old at ninong nya nag past president or ang tatay nito pero hindi sila close. Alam din nito kung sino talaga sya kaya naman sobra sobra ang galit nito.

Tahimik ang buong office and even Kael didn't dare to look at the fuming mad president.

The president took a deep breath and faced her. "I apologize sa kababawan ng staff ko. Please don't take this personally".

Alam nyang takot ito sa maaaring gawin ng parents nya pag nalaman ng mga ito ang nangyari ngayon. Aside from that, her mother is an investor in their company.

She sigh and left the room without saying a word. Medyo gabi na nang lumabas sya ng gate at lumiko sa sakayan nya. Iniisip nya kung andon pa ba si Xin o sinundo ba sya nito.

She smiled when she saw her car parked at the same spot habang si Xin nakasandag dito at umayos lang ng tayo nang makalapit na sya.

"Akala ko ba five? Six na oh" he frowned.

"Sorry, may nangyari lang kase. Matagal ka bang nag hintay?" Tanong nya.

"Nung hinatid kita hanggang ngayon" sagot nito.

Nanlaki ang mga mata nya "Eh? Seryoso?!"

Tumango lang ito. Sasakay na sana sya nang may tumawag sa pangalan nya.

"Miss Xena wait!"

Napalingon sya at nakita nya tumatakbo palapit sa kanya ang president ng school. Agad na hinarang ni Xin ang sarili sa pag aakalang kaaway nya ito.

"Xin ok lang" aniya.

Xin look at her saka lumipat sa likod nya. Humihingal ito nang makalapit.

"I'm really sorry about earlier. I didn't know na ganyan pala ang staff ko" paumanhin nito.

"What, did something happened?" Tanong ni Xin habang nakatingin sa kanya.

She shook her head saka tumingin sa presidenteng nakatitig kay Xin.

Is he a freaking gay?

Nang maramdaman siguro nitong nakatingin sya dito ay napatikhim ito at tumingin  sa kanya.

"Like what i was saying, pasensya na sa nangyari kanina. Don't worry, i'll fire that stupid dean" ani nito.

Umiling sya "hayaan mo na. Nature na yata ng mga taon yon ang maging one sided. Sige na, di ito aabot kila mama. Alam mo naman kung anong pwedeng mangyari pag nalaman nila. Pakikumusta nalang si ninong pag uwi mo. Sabihin mo sa kanya malapit na birthday ko, gift nalang hihintayin ko"

Ngumiti ito saka tumango "Thank you Xena. By the way, it's nice meeting your hansome boyfriend. He is sure fit to be in your family. Tita and tito must be happy to have such an amazing person on your side. Sige, ingat sa uwi"

Napanganga sya nang umalis ito. Napatingin sya kay Xin "Hala, nagkamali sya." Napatingin sya sa president pero wala na ito, marahil pumasok sa loob ng school. "Xin habulin mo dali, itama mo sya!"

Her Handsome MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon