Chapter 31

3.8K 132 3
                                    

"Hindi nga ako yon" giit nya sabay subo sa kwek kwek.

"Sus, deny ka pa. Huling huli ka na nga" wika ni Mio.

"Yung totoo Xena. " Pilit syang pinapaamin ni Jacob.

"Hmp bahala kayo"

Magsasalita pa sana nya ang mga ito pero tumunog kase ang phone nya. Napasimangot sya nang makitang si Xin iyon pero hindi nya napigilan ang mamula nang maalala ang nangyari kanina.

"Oh?"

"Ano oras kita susunduin?"

Tumingin sya sa kwek kwek na ubos na "Ngayon na. Sa park mo ako sunduin dito sa malapit sa school"

"I'll be there in a minute"

"Hmm"

"Nagpasundo ka na kay Xin?"tanong ni Rad.

Tumango sya "I no longer have a reason stay"

"Psh.... Jowa mo yun no?" Wika ni Rad.

"Heh! Hindi ko nga jowa." Ni wala nga lang sa kanya ang kiss namin argh! "

"Eh sa hindi nga daw kase nya jowa" Jacob bitterly said.

"Ang bitter neto. May gusto ka lang kase kay Xena unfortunately may iba na sya" wika ni Mio.

"Kaya nga wag nyo ng patayin yung pag asang maging kami" depensa nito.

She scoff "Diba sinabi ko na sayo. Wala akong balak magkajowa ng manggagamit? Aaminin ko may gusto ako sayo noon pero sa ginawa mo sakin, hay hindi ako maganda pero kayang kaya kitang tanggihan"

"Xena naman....." Wika ni Jacob pero tumayo sya nang makita ang sasakyan na pumarada sa di kalayuan.

Napangiti sya pero agad nyang itinago iyon. Sinalubong sya ni Xin saka kinuha ang bag nya saka sila sumakay.

"May problema ba? Kanina ka pa  tahimik" wika nito.

"Wala naman"  maikling tugon nya.

"Galit ka ba Xena?" Tanong nito.

"Hindi! Hindi ako galit. Sobrang saya ko nga eh" she bitterly said.

"Galit ka nga. Ano bang ikinakagalit mo? Tell me para alam ko ang gagawin ko" he said.

She rolled her eyes "Wala nga! Nag eemote lang ako"

"Eh bakit ka nga nag eemote?"

"Wala trip ko lang. "

Nang maka uwi sila ay derderetso sya sa sala at kinuha ang throw pillow saka umupo sa sofa habang nakayakap sa maliit na unan.

Napakunot noo sya nang umupo sa harap nya si Xin "Ano nanaman ba?"

He sigh "is this all about the kiss?"

Nanlaki ang mga mata nya saka namula. Agad syang nag iwas ng tingin "Hindi ah!"

"Then bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala nga lang. Trip ko nga lang diba"

He sigh again "Im sorry"

Natigilan sya "Ha?"

"If this is all about the kiss then I'm sorry. I was so engrossed with my feelings that hindi ko namalayang lumagpas na pala ako. Hindi ko na binaggit ang bagay na yon at umaktong wala lang kase baka mailang ka sakin" he explained.

Her Handsome MonsterOnde histórias criam vida. Descubra agora