Chapter 21

4.1K 128 2
                                    


Her fingers keeps on scrolling on the phone. Naghahanap kase sya ng maganda lutuhin for dinner, yung medyo madali lang dahil tuturuan nya ang gwapong housemate nya. Adobo kaya? Or sweet and sour pork?

Umupo sa tabi nya si Jacob"Xena.."

"Oh?" Walang interes na sagot nya. Lalo na at and dinner lang ang iniisip nya.

"I talked to Rad, sabi nya payag syang makipagpalit ng partner sa lab kung papayag ka. Tayo nalang ang magpartner doon" wika nito.

Hey eyes are still on the phone "Ayoko"

She heard him sigh "Xena......"

Napatingin sya sa kamay nitong humawak sa kanya. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na lubayan mo ako. Allergic ako sa mga taong plastic at manggagamit"

"Im sorry, pinagsisisihan ko talaga yung ginawa ko noon pero....... Promise na hindi na mauulit. Kaya nga gusto kong mapalapit sayo ulit. Please give me a chance"

Kinalas nya ang pagkakahawak ng kamay ni Xin sa kanya. Napatingin sya sa paligid. Wala ang barkada nitong si Kael at ang mga extra nito.

She scoff "At bakit kita bibigyan ng chance makipagclose saakin. Aanhin naman kita? Jacob I swear pag di mo ako lulubayan iuutog talaga kita sa pader"

"Xena please, i like you. I really do at narealize ko lang yon noong lumayo ka na" hahawakan sana nito ang kamay nya pero umiwas sya "Xena, i'm realy sorry.  Gusto talaga kita lalo na nang naging mas mapatang ka. You were not like this before. Pero nong nakita kong kaya mo ng mag isa, tapos  wala ka ng takot sa mga tao sa paligid mo natakot na ako. Kase naisip ko na wala na talaga akong mababalikan sayo kase hindi mo na ako kakailanganin"

She laugh "You know what? Matagal na kitang hindi kailangan. Sa araw palang na nalaman ko ang kagaguhan mo hindi na kita kailangan. Ba't ako magpapakatanga? Di ka naman ganon ka-big deal"

"Xena please huwag naman ganyan. May pinagsamahan naman tayo"

Muli nyang ibinalik ang atensyon sa phone "Tinutukoy mo ba yung fake na pinagsamahan natin?"

Saglit itong natahimik "It wasn't fake. I really enjoyed those moments."

Napa iling iling sya  at di na ito pinansin kaya wala itong nagawa at hinayaan nalang sya. Kung siguro noon ay baka nagtatampisaw pa sya sa tuwa pero hirap na syang magtiwala dito. Jacob was actually the second person who hurt her.  Kaya nang masaktan sya sa parehong dahilan sa pangalawang pagkakataon ay nahirapan na syang magtiwala. Ngayon wala na syang nararamdaman dito. Wala as in nada! Nag eenjoy na sya sa buhay nya kasama ang housemate nya. Atleast kahit magpakachildish at matoyo sya sasakyan lang sya nito. She smiled and shrug at her thoughts.

"Siguro pasta nalang muna. Spagetti sound good" she bit her lip.

"Alam mo, naaawa ako kay Jacob"

Napalingon sya at naroon si Rad na naka upo sa katapat ng upuan nya sa likod "Bakit naman?"

"Narinig ko yung mga sinabi nya kanina tapos wala kang pake alam at heto ka, kilig na kilig. Hay, iba talaga ang totoong inlove" sagot nito.

Napakunt noo sya "Inlove? Sino? Ako?"

"Sino pa nga ba? Alangan naman ako"  sumbat nito.

"Tss" napa iling sa "Hindi ako inlove"

He frown "Hindi daw eh kasama mo naman sa iisang bubong yung boyfriend mo"

"Hala!" Napakurap sya "Hindi ko boyfriend yun! Housemate lang"

Napatingin sya sa phone na biglang nagbeep. Napangiti sya nang makitang si Xin ang nagtx.

Her Handsome MonsterWhere stories live. Discover now