Chapter 30: Strange

Start from the beginning
                                    

Napailing nalang ako at natawa. Lamperouge will always be Lamperouge. Leo Rein Lamperouge, the funniest one— happy go lucky. Buti na lang at bumabalik na siya kahit papaano sa dating siya, if he didn't, mawawalan ng buhay ang Secret place. He lighten up the mood after the burial, hanggang sa lumipas ang isang buwan, nagawa niyang ibalik sa dati ang samahan nila ng iba pang lalaki sa grupo namin. Nahihirapan nga lang kay Anderson at Strife na tulad ko siguro, hindi pa rin makamove on. Alam kong lahat kami hindi pa rin makapaniwala, but I'm glad that they are trying to move forward.

I sighed heavily at pumasok sa loob. Napangiti ako nang makita kong naghahabulan si Maxwell at Lamperouge, tinutulak ni Lamperouge ang lahat ng makakasalubong niya at pinanghaharang kay Maxwell. He's so funny.

Third Person's P.O.V

"Baby, come on. Sembreak niyo naman e. You need break and fun for yourself" pag-aaya ng ina kay Bea. She stood up and faced her mother.

"Ayoko mommy. Dito lang ako" walang ganang aniya at tumingin sa salamin. She's still at her painful state. All the time, everyday, she's crying all alone. That made her parents worried at ayaw na nila itong naiiwan mag-isa. Because whenever she's alone, wala siyang ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak while chanting her kuya's name. Begging for him to come back.

"Nak" lumapit ang ina niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Hindi ka sasaya dito. Dapat mag-enjoy ka, join us. Sa korea naman tayo pupunta e. Doon, I'm sure you'll forget—"

"No mommy!" tumaas ang boses niya na kinagulat nang ina niya. "Hindi ako sasaya kahit saan ako magpunta! At walang makakalimutan, I will never forget him and what happened to him. Hinding hindi mabubura ng lugar na 'yon yung sakit. Hindi mabubura ng kahit ano ang nangyari kay kuya" with that, she shed in tears again. "Walang makakapagbura ng ala-ala ni kuya. Kahit ano pang gawin ko mommy, kahit saan pa ako magpunta. All my mind is filled with kuya, kuya, kuya. And I want kuya to come back" aniya at humagulgol. Napaiyak ang ina niya sa nakikita kay Bea, agad nitong niyakap siya at hinaplos ang likod niya.

Bea is suffering from depression, nalaman nila iyon the moment Bea almost took her life. That was 2 weeks ago nang malaman nila iyon. Doble ingat at doble alaga sila dito dahil doon. They are all scared na baka gawin niya ulit iyon. Even Shanella na dapat ay kasama ng ka-grupo niya ngayon ay napilitang manatili sa bahay nila Bea para samahan ang bestfriend.

"I want kuya. Mommy, I want my brother. I want my savior" hagulgol niya habang paulit ulit na sinasabi na ang kuya niya ang gusto niya at kailangan niya. She really loves her brother, no one doubts that.

"Tita si—" natigil sa pagsasalita si Shanella nang makita niya ang posisyon ng mag-ina. They are both crying and Shanella just want to walk away. Hindi niya kinakaya kapag ganito.

"Baby, you are your kuya's princess. But you have to be strong right?" wika ng ina.

"How can I be strong? Wala na siya. Wala na siya" iyak ng iyak si Bea. And Shanella, hearing those were heartbreaking. Napatakip siya sa bibig at pinigilan ang sarili na umiyak.

"A-Ah Tita, Bhestie. Tara na, I'll go with you" kumalas ang mag-ina sa pagkakayakap at tumingin kay Shanella. Bea wiped her tears at sumama ang tingin.

"Anak, tara na—"

"I SAID NO! UMALIS NA KAYO! I WANT HERE! DITO LANG AKO!" sigaw niya. Napaigtad ang ina at kaibigan niya dahil doon.

"A-Anak, kailangan mong magmove—"

"Bakit gan'on na lang kadali sainyo 'yon? You want me to move on? That's bullshit! Hindi mangyayari ang gusto niyo! I only want my kuya and I will stay here!" sigaw niya habang umiiyak pagkatapo ay nilampasan ang ina at kaibigan. Patakbo siyang pumasok sa kwarto ng kuya niya at nilock ang pintuan. And there, she cried a lot.

I'm on A Gangster World [ON-GOING]Where stories live. Discover now