3 Short Poetry (Tagalog)

370 9 1
                                    

‘Mahal kita. Akin ka nalang, pwede ba?’
Ang mga katagang yan ang nagsimula ng lahat
Ang mga katagang yan ang nagdala ng saya, sapagkat
Ang mga katagang yan din ang nagdulot ng sakit
Sakit na nagpapatanong nalang sa akin kung bakit
Bakit? Bakit kailangan pang punuin mo ang puso ko ng pait
Pait na hindi matatanggal ng oras kahit anong balik

At alam kong lahat kayo ay sabik
Sabik na marinig ang kwento ng pag-ibig
Ngunit pag-ibig nga bang masasabi,
Kung ni minsan ay hindi naman naging kami?

Una ko siyang nakilala sa eskwela
Gaya ng mga kwentong pang-wattpad kumbaga
At gaya ng tipikal na kwentong nababasa nila,
Classmate kami, at ng lumaon ay naging magkaibigan na

Magkaibigan. Magkaibigan lang naman
Sa simula’y tingin ko sa kanya ay kaibigan lang
Kaibigang araw-araw na sa akin ay nagpapasaya
Kaibigang nahihingan ko ng pagkain kapag wala akong pera
Kaibigang kasama ko sa pag-iyak at pagtawa
Kaibigang hinahanap ko palagi kapag wala siya
Kaibigan, ngunit sa huli ay nahulog ako sa kanya

Tinago ko at hindi sinabi
Dahil gaya ng kinkatakutan ng marami,
Ayokong masira ang kung anong meron kami
Hinayaan ko lamang ang sarili kong mahulog
Mahulog na puno ng pag-ibig sa kanyang pusong tulog
Tulog sapagkat ni minsan ay hindi niya napansin
Napansin, kahit isang beses lamang, ang aking pagtingin

Ngunit paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili, ito ay sapat na
At mas lalo lamang kaming napalapit bilang kaibigan ng isa’t-isa
At ang aming mga kaklase’y nanunukso na
Sapagkat mas matamis pa raw kami sa mga magkarelasyong kilala nila
At kung ano nga namang saya kung kami’y magkasintahan nga
Ngunit wala akong magagawa, dahil mukhang hanggang magkaibigan lang talaga

At sa isang araw ng aming pagkakaibigan,
Noong gabi at kami’y puyat na puyat na
Ngunit pinipilit pa rin ang mga mata upang makausap lamang ang isa’t-isa
Sa gabing iyon, ng tayo’y patulog na,
Tinanong mo sa akin ang mga katagang sanabi ko sa simula nito piyesa
‘Mahal kita. Akin ka nalang, pwede ba?’
Hindi ko alam kung saan iyon nagmula,
Hindi ko alam kung saang liblib mo iyon kinuha

Ngunit sigurado ako, ang mga katagang ‘yun ay nagdulot ng sobrang saya
Sobrang saya na para akong mamamatay na
At ang mga kasunond mong sinaabi, ay tuluyang pumatay sa puso kong lumalangoy sa saya
‘Joke lang. Uy, umasa siya. Try ko lang, baka effective sa kanya’
Sabi pa niya, sabay sabi sa pangalan ng babaeng gusto niya

Kamusta? Puso ko kamusta ka?
Luha, ba’t pumapatak ka?
Ang paningin ko, bakit parang lumalabo na?
Ang mga hikbi ko ay gusto ng kumawala
Kung sa simula ay halos mamatay ako sa saya,
Tuluyan nga niya akong pinatay na

Ngunit nagawa ko pa rin na replyan siya
‘Paasa ka bro, alam mo ba? Ha ha ha ha ha ha’
Sabay dagdag ng maraming tawa para parang binibiro ko lang rin siya
‘Bakit naman ako magkakagusto sa’yo? Bro kita, ‘ok ka ba?’ Dagdag pa niya
May dala ring tawa, para kunyari nagkakasayahan lang kaming dalawa
Isang sampal sa mukha,
Dalawang matang lumuluha
At libo-libong tusok sa puso
Ganun ang sakit na dala ng mga binitawan niyan kataga

Nagpaalam na ako, ‘good night na’ sabi ko pa
Gusto kong idagdag na tama na, ang sakit na,
Hindi na nakakatawa yung biro mo
Kasi sa totoo lang mahal kita
Hinintay kong mag-offline siya bago nagpahinga sa kama
Hinayaang tumulo ang mga luhang rumaragasa na
Inilabas ang mga hikbing kanina pa gustong kumawala
At sa mga huling mensahe mo noong gabing iyon,
Napagtanto kong, hanggang magkaibigan lang talaga siguro tayong dalawa

At dumaan ang mga araw na puno ng pait
Lumipas ang mga buwan, ngunit ikaw pa rin at walang kapalit
Sa ilang taon na nagdaan, milyon-milyong luha ang tumulo dulot ng sakit
Ako ang palaging kasama ngunit kaibigan lang ang tingin kahit na ang pagtingin ko sa’yo ay labis na mahigit

Kaibigan lang naman, kaibigan lang talaga
Sa labinlimang taon na tayo’y magkasama, kaibigan lang kita
Hanggang sa oras na ‘to na naghihintay ka sa harap ng altar para sa iba,
Magkaibigan lang, at pa rin tayong dalawa.

Maybe (Compilation of One-Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon