"Holy Mary, mother of God, pray for us, sinners, now and at the hour of our death. Amen... Hail Mary, full of Grace..."

I opened the door wide. Malalaki ang hakbang ko at mabilis na pinaharap sa 'kin ang madre.

"It's you—"

"My goodness! Levi Achilles, ano'ng ginagawa mo?"

Nanlisik ang mga mata ni mommy. Napakamot ako ng batok lalo na nang ngumiti sa akin ang matandang madre. Akala ko makikita ko na siya sa wakas. Paano kasi pareho sila ng kulay ng suot.

"Yes, iho? Gusto mo bang sumali sa amin ng mommy mo? Oh, ito..."

Kinuha ng matandang madre ang aking kamay at may inilagay na rosary sa palad ko. Pinandidilatan pa rin ako ni mommy nang palihim. Ayaw na ayaw pa naman niya na naiistorbo siya kapag quiet time niya.

"A—ah..."

"Sige na, maupo ka na."

Hinila ako ng madre paupo.

"Ipagdasal mo 'yung mga bagay na hinahangad mo. Tutulungan ka ni Mama Mary na ipagdasal hanggang sa matupad iyon. Ipikit mo ang iyong mga mata. Walang hindi matutupad na nanaisin mo hangga't nagtitiwala ka sa Diyos."

Aish! I can't believe I'm doing this. Pinagitnaan nila ako ni mommy. Wala akong nagawa kundi ang ang ipikit ang mga mata ko.

"Hail Mary, full of grace..."

"Bro, kung naririnig mo ako, will You hear my plea? I just want to find that woman, I'm begging You—aww!"

Kinurot ako ni mommy sa tagiliran.

"Hanggang sa pagdadasal babae pa rin ang iniisip mo, Levi Achilles? Umayos ka kung ayaw mong busalan ko 'yang bunganga mo. Isusumbong kita sa daddy mo."

"Mommy naman!"

Asar. Akala ko ba lahat ng nanaisin ko ay ipagdasal ko lang? Masama bang ipagdasal na makita ko ang babaeng 'yon?

"Iho, wala namang masama kung ipagdasal mo ang babaeng gusto mong makita. Mahal na mahal mo siguro siya, ano? Alam mo, bihira lang sa mga lalaki na ipagdasal ang isang babae. Ibig sabihin wagas ang pagmamahal mo sa kanya."

Napangiwi ako. Kung may ideya lang siya tungkol sa babaeng gusto kong makita, tiyak na kukurutin din niya ako tulad ni mommy. Pero biglang nag-sink in sa utak ko ang kanyang sinabi. Mahal? Mahal ko ang babaeng 'yon?

Oh, shit! This isn't happening!

...

"O? BUHAY ka pa pala."

Napatingin ako kay Sid nang sabay kaming lumabas ng kani-kaniyang kotse. Magkatabi rin naming nai-park sa malawak na parking lot ng bahay ni Theo.

"Ikaw, humihinga ka pa pala." We bumped our fists. Sabay kaming pumasok sa loob. As usual parang kaharian ng sinaunang mga ninuno ang mansyon ni Theo, masyadong tahimik.

"Dude."

Naabutan ko sina Elliot at Theo na nag-iinuman. I decided to pay Theo a visit. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya. Theo is an Intelligence Analyst of NBI. Maliban diyan ay marami siyang alam sa information technology. Palibhasa kasi engineer siya.

"Ano na namang masamang hangin ang nagdala sa 'yo rito, Micaller? Akala ko ba sabi mo busy ka?" sita sa 'kin ni Elliot. Tiningnan ko lang siya nang masama. He's been pestering me lately at nagyayaya na mag-bar pero hindi ko siya pinapansin. Abala ako sa kakahalughog ng mga chapel dito sa Maynila.

"Aish! Ako na lang talaga ang matino sa ating apat. Nilamon na kayo ng pag-ibig. Eww," nandidiring sabi niya saka tumungga ng alak.

"Shut up, fcktard. I will throw you out of your own plane if you ever find the woman that will tame you," Sid blurted out. Tumawa lang ang ulupong na si Elliot.

Achilles' HeelWhere stories live. Discover now