Check-In 01: Someone Who Cares

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko kayang wala ka, kuya."

"Kaya mong gawin lahat ng iyon nang wala ako. Maniwala ka lang sa sarili mo. Maniwala ka."

He cupped my cheeks and kissed my forehead. "Mahal na mahal ka ni kuya."

Naalarma si kuya nang marinig namin ang sirena ng mga pulis sa harapan ng bahay namin. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya. I don't want to let him go.

"Sige na, Vanie. Don't make this hard for us. Pangako, hahanapin kita."

I squeezed his hand and said, "Maghihintay ako sa'yo, kuya."

Tumango siya at ngumiti bago ipinaghiwalay ang aming mga kamay. Tumayo kami at itulak na niya ako palayo.

"Takbo, Vanie. 'Wag na 'wag kang lilingon."

For the last time, I nodded and followed his order. I heard gunshots but I didn't look back...

💀💀💀

"Tsang, please naman, oh. Ayoko rito," pagmamakaawa ko sa tiyahin kong mahigpit na hawak ang kanang braso ko habang hinihila ako papasok sa panibagong bahay ampunan.

Padarag niya akong binitawan at dinuro-duro. "At saan ka pupunta? Sa bahay ko? Talagang balak mo pang dalhin ang kamalasan sa pamilya ko!"

"Hindi ko naman po sinabing sa inyo ako tutuloy, e! Hahanapin ko po si Kuya Vinzi!" I retorted.

Nahatulan ng guilty si kuya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pati iyong paglason kina papa at sa kambal ay sa kanya idiniin.

Niyakap ko nang mahigpit ang teddy bear na ginawa niya noong nasa kulungan siya at ibinigay sa akin noong huling pagkikita namin bago siya nawala ilang buwan na ang nakakaraan. I didn't know where they brought him and they won't even tell me but I'm pretty sure that he's still alive. I can feel it within me. Buhay pa si kuya.

I lashed out and nearly use my ability to make them spill his location but I controlled myself. Nangako si kuyang magsasama ulit kami at maghihintay ako sa kanya.

Isang beses na naiinis na nagkamot si Tiya Hilda sa kanyang buhok. Alam kong nauubusan na siya ng pasensya sa akin. Siya ang nag-iisang kapatid ni papa na kumupkop sa akin sa loob ng isang gabi matapos iyong insidenteng nangyari subalit kinabukasan ay kaagad din niya akong dinala sa una kong bahay ampunan.

"Alam mo ikaw demonyita ka, pahirap ka talaga sa buhay ko, e. Pati mga bahay ampunan isinusuka ka at kaninong buhay ang iniistorbo nila? Ang sa akin, Vanie! Pasalamat ka nga't nagmamagandang loob pa ako sa iyo."

Napangiwi ako nang marinig ang sinasabi niya. Lagi siyang tinatawagan ng mga naunang kumupkop sa aking ampunan dahil daw nakakapanakit ako ng ibang bata. Ganoon ang madalas na kwento ng mga nambubully sa akin sa tuwing ipinapatawag kami dahil sa nangyaring gulo na sila mismo ang pasimuno.

Many do not know this but when you're the newest member in the orphanage, you're the most vulnerable to all the bullying and stuffs, and because you are just new, you're the least person to be believed.

Ang totoo rin niya ay sa tuwing binubully nila ako, nagtitimpi pa ako sa una hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataong nakakayanan ko pa sila pero kapag sumagad na ang pasensya ko ay lumalaban na ako. Then, the bullies would use that moment against me. Kaya sa huli, ako pa rin ang talunan.

Hotel Grimm: The Brave and The PowerfulWhere stories live. Discover now