Chapter Fourty-Four

7.4K 260 22
                                    

[Francis's POV]

"BES, DOON TAYO DALI."
excited na sigaw ni Jc at hinila ako sa braso papunta sa Dedication Booth

"Teka naman."
pakiramdam ko mababali ang buto ko sa paghila niya sa akin eh

Ngayon ang araw ng intramurals namin at kasalukuyan kaming magkasama ni Jc upang maglibot-libot sa mga booths na ginawa ng mga grade 11 at grade 12 since di pa nga kami allowed na gumawa ng booth kaya nag-i-enjoy kami ngayon haha

Kaya eto ako ngayon, hila-hila ni Jc papuntang dedication booth.
Andami ding tao, may mga outsiders din since open tong school namin para sa lahat

As usual, nakabantay padin sa akin ang mga body guards ni Tim
Ay speaking of tim, nasa boy's locker room sila ngayon dahil may laban sila mamaya, at naghahanda na sila ngayon
Kasama namin kanina si Dex, pero may humuli sakanya kanina na mga estudyanteng naka-suot ng police uniform, ayun nasa jail booth
Hahaha, ang epic nga ng mukha niya kanina eh, nagmamakaawa pa sa amin ni Jc pero iniwan lang namin siya

Si Raven naman ayun suki sa marriage booth
Kaya etong si Jc inis na inis

"Hello, Miss. Paki-dedicate nitong letter ko kay Raven Monteverde. Ngayon na. Pakibilisan ah."
Seryoso si Jc ng sabihan niya iyon kay ateng nagbabantay
Mukhang nagulat pa nga ito

"Pero Sir, may mga nauna po kasi sayo."-sabi naman ni ateng nagbabantay

"No. Ngayon niyo na basahin. Bilis."ani pa nito sa masungit na tono, nakataas pa ang kaliwang kilay haha

"Pero Si--."

"Kanina ka pa Sir ng sir ah. Mam ako. Kaloka."-pinandilatan naman siya ni jc at mukhang natakot si ateng nagbabantay

"Eto na po Si- i mean. Mam."-nagmamadali naman nitong binuksan ang letter na ginawa ni Jc kay ateng nagbabantay

"Good."-ani jc na may ngiting tagumpay

Natawa naman ako
Kahit kailan talaga tong si Jc

"Dear Raven Monteverde (My one and only hubby), alam kong mahal mo ako. Ramdam ko kasi yun sa paraan ng pagngiti at pagtingin mo saakin. Yung ngiti mo na nakaka-wet, at yung tingin mo saakin na may halong pagnanasa pa. Haays, doon kita minahal kaya sa mga lumalandi sa hubby ko. Back off bitches. He is mine. Ano Palag? From your future wife, Johs Cristian Legaspi."

Pagkatapos iyon basahin ni ateng tagabantay with feelings umalis na agad kami doon

"Haha ikaw na talaga jc."tawa-tawa kong sabi

"Ganern talaga."ani pa nito na may ngiting pangbruha

Nagulat kami pareho ni jc ng biglang may nagposas sa amin
Oh shit

"Pasensya na pero may nagpapahuli sainyo."-ani ni kuyang estudyante na naka-police uniform

"Hah? S-ino?"
Nagtataka kong sabi

"Basta sumama na lang kayo."

"Ay gusto ko to. Kyaaaah."-jc

Pero bago pa man kami makahakbang ay hinarangan na kami ng mga body guards ni Tim

"Saan niyo dadalhin si Ms.Francis?"-body guard 1

"Huwag niyo ng balakin na saktan si Ms.Francis, dahil kayo ang masasaktan sa amin."-body guard 2

"Alisin niyo ang posas niya kung ayaw niyong sa inyo ko iyan ilagay."body guard 3

Mukhang natakot naman tong mga humuli sa amin at dali-dali kaming inalisan ng posas

My Possessive Bestfriend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon