Chapter Fifteen

13K 414 46
                                    

                  [Francis's POV]

It's been 2 weeks ng nagsimulang mangligaw si Tim
At sa 2 weeks na yun ay mas lalo akong naiinlove sakanya
Palagi kaming nagdidate pagkatapos ng klase
Mas naging sweet din siya saakin
At ngayon maaga akong gumising para tignan kung nagtext na ba siya

Pero laking dismaya ko ng makitang wala siyang text kahit isa

"Haays baka tulog pa ang mokong yun."
Nasabi ko na lang

Napabaling naman ako sa human sized panda ko

"kahit kailan tulog mantika ang daddy mo, baby Timis"
Nakangiti kong kinausap

"Pahug nga."
Yinakap ko ito ng mahigpit

Oo, baby timis ang ipinangalan namin ni Tim sa Panda ko
Kinilig nga ako nung sinabi niyang anak namin si Baby Timis eh

"Ligo muna si Mommy ah. "-
Yinakap ko muna ito ng mahigpit at naligo na

Paglabas ko ay sakto namang may nagtext
*bzzzzzzzzzzz*
*one message received*

From: tim-tim
Francis ko, sorry di kita maiihatid ngayon
Pero susunduin ka naman ni Mang berto
Ingat ka Francis ko
Sasagutin mo pa ako eh :-*

medyo nalungkot ako sa sinabi niya pero ipinagsawalang kibo ko na lang yun
Di na din ako nagreply
Bumaba na ako para mag-almusal maya'maya pa'y
May narinig akong busina
Baka si Mang berto na yun

"Oh nak, andyan na sundo mo."

"Sige nay, alis na po ako."
Hinalikan ko naman ito sa pisnge bago lumabas

"Magandang umaga po. Mang berto."
Masaya kong sabi ng makita ito

"Magandang umaga din sayo Francis. Pasok ka na,at ng maihatid na kita."
Nakangiti naman akong tumango dito tsaka

"Ahm Mang Berto , nasan po pala si Tim.?"

"Ewan ko ba sa batang yun. Maagang umalis kaninang umaga mukhang busy ang isang yun."

"Ganun po ba?"
Nalungkot man ako pero agad ko din namang ipinagsawalang bahala yun.

Pagdating sa harap ng gate ng school ay agad din naman akong naglakad papunta pagkatapos mag-paalam kay Mang berto

"Siya ba yun?"
"Oo girl, siya yun."
"swerte naman niya."
"naku, sinabi mo pa."

Nagtaka naman ako kung bakit kada dinadaanan ko ay napapatingin saakin,tsaka magbubulong bulongan..

Pagkarating ko sa skul ay ganun din ang ganap ng mga kaklase ko..
"BEESSS."
agad akong napalingon sa taong nakangiting tumatakbo papunta sakin.

"Bakit?"-nagtataka kong sabi

"WALA LANG."
sigaw na sagot nito pero nakangiti parin

"Bat ka sumisigaw?"-ako

"Ay hehe. Sigaw na pala yun. Eksayted lang ang bessy mo."

Natatawang napapiling na lang ako kay JC.

"Wala daw. Ano nga?"- ako

"wala nga talaga bes."

Pinaliitan ko naman siya ng mata
Pero nginitian lang ako nito

"Good morning Francis."-bati naman sakin ni Raven pagkaupong pag-kaupo ko

"Good morning din Raven."
Nginitian ko ito pero nginitian lang niya ako ng tipid
Anyare dito?
Nung last week ay pumasok na din si Raven

My Possessive Bestfriend (bxb)Where stories live. Discover now