[Francis's POV]*tok* tok* tok*
"FRANCIS GISING NA DYAN."
Agad akong naalimpungatan dahil sa sigaw ni Mama.
"Hmm."-angil kong ungol
"GISING NA DYAN MAY BISITA KA. Naku, ito talagang batang to."
Dinig ko pang sabi ni MamaAgad naman akong napabangon mula sa pagkakahiga ng marinig ang salitang bisita.
Baka si Tim na yan.
Sobrang aga niya naman ata ngayonNagkibit-balikat na lang ako at dali-daling pumunta sa cr para maghilamos.
Pagkahilamos ko ay agad akong nagtungo pababa
Napakunot-noo ako ng makita ang di pamilyar na likod ng isang tao habang masayang nakikipag-usap kay Mama
Nangangalingasaw din ang pamilyar na pabango nito
'San ko nga naamoy yun?'
Tanong ko sa sariliNapansin naman ako ni Mama kaya tinawag ako nito
"Oh anak nandyan kana pala. Kausapin mo muna tong bisita mo at maghahanda lang ako ng almusal natin."-masaya pang ani nito
Bago pa man ako makapagsalita ay iniwan na nito kami
Napalingon naman ako dun sa bisita ko kuno
bigla itong tumayo at lumingon sa akin nang nakangitiHalos manlaki ang mata ko sa nakita
Napaawang din ang bibig ko"DEXTER."
masaya kong sigaw at patakbo itong yinakap
Narinig ko pa ang mahina nitong pagtawa tsaka yinakap din ako pabalik"Namiss kita Dex."-aniko sa gitna ng yakapan namin
Kaya pala pamilyar ang amoy niya hehe
Siya si Dexter Gomez bestfriend pa namin ni Tim.
Pero mas nauna kami naging magbestfriend ni Tim
Nagtampo nga kami dito ng bigla na lang itong nagpunta sa US ehAko na ang unang kumalas sa yakapan namin
Ngumiti naman ako dito habang nakatingin sa mukha niya
"Namiss talaga kita Dex."-nakanguso kong sabi na ikinatawa niya
"Namiss din kita Frans."-nakangiti nitong sabi na ikinalabas ng malalim na dimples nito
Di ko namang mapigilan ang sarili kong kurutin ang pisnge nito hehe ang cute kasi eh
"Namiss ko din tong dimples mo."-nanggigigil kong sabi
"ouch."-anito
Natawa naman ako ng makitang namula ang magkabilang pisnge nito haha
Napalakas ata ang pagkurot ko"You never changed. Sadista ka pa rin."-anito habang hinihimas himas ang namumula parin nitong pisnge
"Kamusta ka na pala?"-masaya kong tanong dito tsaka magkatabi kaming naupo sa mini sofa namin
"I'm doing good. I will stay here for good."-anito
"Talaga? Mabuti naman kung ganun. Eh si Tita.?"-tanong ko
"Nagpaiwan siya sa US pero susunod din siya dito."-aniya
"Ganun ba? Siguradong matutuwa din si Tim pagnalaman niyang nandito kana."-nakangiti ko paring sabi
"Kamusta pala kayo ni Timothy?."-tanong nito
"Naku andaming nangyari nung wala ka, ano nga eh, ahmm kami na nga pala ni Tim."-namumula ko pang sabi
Nakita kong nanlaki ang mata nito kaya natawa ako
"For real? Well, I'm happy for the both of you."-aniya
"Salamat Dex."-aniko
Ginulo-gulo naman nito ang buhok ko
Tinignan ko ng mabuti si Dexter
Kahit may salamin ito ay di ito nakabawas sa kagwapuhan nito bagkus nakadagdag pa ito sa appeal nito
Medyo nagkaroon din siya ng kunting muscles , payat kasi ito noon
Ang di lang sakanya nagbago ay ang maamo niyang mukha
Naalala ko pa na walang nagagalit dito kahit ni isang estudyante o teacher dahil sa taglay nitong kabaitan plus ang maamo niyang mukha na ikaw pa ata ang magkakasala kapag pinagalitan at inaway mo ito
Ganun na ganun siya"Oh bakit ka ganyan makatingin.? Haha Baka matunaw ako."-pagbibiro niya pa
Napangiti naman ako tsaka umiling
"Namiss lang talaga kita."-aniko
Nabigla naman ako, ng hinila ako nito tsaka yinakap ng mahigpit
Ramdam ko pa ang paghalik nito sa noo koYinakap ko na din siya
Namiss ko ang ganito
Palagi niya kasi akong yinayakap noonNagulat na lang ako ng may narinig na biglang nagmura
"Fuck."
-ani ng pamilyar na boses and the next thing I knew ay hawak-hawak na ako sa kamay ni Tim"Tim."
-naiusal ko sa gulatKita ko ang inis sa mukha nito pero ng napalingon kay Dex ay bigla itong natigilan at katulad ko ay napawaang din siya ng bibig
"Dexter?"-ani Tim na may naninigurong tingin
Tumayo naman si Dex at ngumiti
"Bro."-nakangiti nitong sabi at nag-bro hug sila
"Kailan ka pa nakauwi?"-biglang tanong ni Tim
"Ah Kahapon lang. I wanna surprise you guys."-anito
Tumango naman si Tim bilang sagot"Kumpleto na tayo ulit."-masaya kong sabi
Ngumiti naman si Dex.
Tumingin naman ako kay Tim at nginitian ito
Ngumiti din ito tsaka ako inakbayanNagkukwentuhan lang kami at nagtatawanan ng bigla kaming tinawag ni Nanay.
"Oh iistorbuhin ko muna ang pagsasaya niyo. Hali kayo't kumain na."-ani Mama
"Tara."-ako
"Tamang-tama namimiss ko na ang luto ni Tita."-Dex
Magkatabi kami ni Tim habang magkatabi naman si Mama at Dex
"Hmm walang kupas tita. Dabest parin ang pakbet mo."-pambobola naman nito kay Mama
Natawa naman si Mama
"Sus nambola ka pa diyan dexter."-ani MamaMasaya naman kaming nagsalo-salo habang nagkukwentuhan sa maliit naming hapag-kainan
'Ayos kumpleto na ulit kami'____________
A/N: Oh may bagong character 😜😜
Ano kaya ang magiging papel ni Dex sa buhay nina Tim at Francis? Hmmmm
5k na 😍😍😍😍
![](https://img.wattpad.com/cover/146175207-288-k565128.jpg)