Chapter Forty

7.3K 263 11
                                    

[Third Person's POV]

"Ano ba yan bat ako pa ang nautusan ni Mam! Haggard ma tuloy ang beauty. Hmp."-inis at nakasimangot na sabi ni JC na kagagaling lang sa storage room para ilagay ang mga box na iniutos sa kanya ni Mam Bagadjong

"Hala, si bestie pala. Tapos na kaya yun? Patay ako dun."
Dali-daling tinahak ni Jc ang daan papunta sa cr na pinag-iwanan niya kay francis at ng makarating siya ay akma niya itong bubuksan ng di niya ito mabuksan

"BESTIE. NANDYAN KA PA BA?"-sigaw ni Jc sabay katok

Pero wala siyang natanggap na sagot

"HOY BESTIE. BAKA NAGKALAT KA NA DIYAN AH."-natatawang biro pa ni jc pero no response pa din si Francis

Kinabahan naman siya at napakunot-noo
"Bestie? BESTIE NANDYAN KA PA BA?"-kinakabahan niyang sigaw pero wala paring sagot

Pinagpapalo ni jc ang pinto ng cr pero wa epek pa rin
Nagpapanic na din siya
"Bestie, di na to nakakatuwa ah."-sabi pa ni Jc na sa loob-loob at nagpapanic na

"Ahh."
mas lalo siyang nagpanic ng may narinig siyang mahinang ungol at alam niyang si Francis iyon

"BESTIE. BESTIE. IKAW BA YAN? BESTIE SAGUTIN MO AKO."-di mapakali sa kakasigaw si Jc
Makikita na din dito ang pangingilid ng luha nito

"BESTIE. HIHINGI AKO NG TULONG. SANDALI LANG."

Dali-dali namang kumaripas ng takbo si jc papunta sa basketball court para humingi ng tulong kay timothy

Pero di pa man siya nakarating doon ay nakita na niyang naglalakad sa direksyon niya ang nakakunot-noong si Timothy

"TIMOTHY. TIMOTHY."
-sigaw niya dito at humihingal na huminto sa harap nito

"Tsk. Nasan ang Francis ko? Bat di siya nanood ng practice ko? Sabihin mo."-malungkot na medyo seryosong sabi nito

"Y-un na nga eh. Pakiramdam ko may m-asamang nangyari sa kanya."-naiiyak na sabi pa nito

Sumeryeso naman ang mukha ni Timothy at napakunot-noo

"Anong sabi mo? Anong may masamang nangyari sa francis ko? Hah ANO?"-pasigaw na sabi ni timothy na halata na ang pag-alala sa mukha

"Nagpasama kasi si besh sa CR pero umalis ako tapos pagbalik ko naka-locked na ang cr di ko naman mabuksan. B-aka may nangyaring masama sa kanya."-umiiyak ng sabi nito na pinagkikiskis ang kamay dahil sa kaba

Agad namang tumakbo si Timothy at sumunod naman si jc

Napakuyom ng kamao si Timothy at di niya mapangalanan ang kabang kanyang nararamdaman ngayon

"Dito Timothy."-Jc

"Tabi."

"FRANCIS KO?"-agad na sigaw ni Timothy pero walang sumagot

"Damn it."-inis na sabi nito
At pinagsisipa at pinagsusuntok ang pintuan ng cr

*blaaag* *blaaag* *blaaaaag*
Isa pang malakas na sipa nito ay nasira na  ang pinto
Agad siyang pumasok at ng makita  si Francis na nakahiga sa malamig na semento ay agad siyang tumakbo para lapitan ito

"FRANCIS KO."

"Francis ko. Wake up. Please."
-bakas ang pag-aalala sa boses nito ng sambitin niya ang mga salitang iyan
Agad niyang kinarga  ito at kumaripas ng takbo papuntang parking lot para maidala agad sa Hospital
Umiiyak namang sumunod si Jc

"Bestie."-anito na parang sinisisi pa ang sarili dahil sa nangyari kay Francis

[Timothy's POV]

My Possessive Bestfriend (bxb)Where stories live. Discover now