Chapter 47 - Worst Nightmare!

4.4K 115 14
                                    

- DONTHY -

Ayaw ko naman na tikisin si cassey but when I saw her talking with that guy na akala mo ay napakapogi ay talagang nagselos ako.

We were just holding our hands a while ago and she just hugged me for christ sake tapos nakikipag usap at nakikipag ngitian siya sa who the hell that guy was.

Dali dali ko silang pinuntahan at hinawakan ko ang likod nito, inilapit ko rin ang katawan ko sa kanya. Sinabi sa akin ni cassey ang nangyari na may binili daw siya pero secret daw yun. The store didn't accept her card at wala daw siyang cash kaya yung lalaki na feeling gwapo ang nagbayad.

I took out from my pocket the same amount of penny the guy gave for what she had purchased pero ayaw nitong tanggapin. Pinilit ko na kunin niya ito but he told me that it's totally fine daw.

Kairita.

At bago pa ito umalis ay nagpahabol pa ito kay cassey na tatawagan daw siya nito. Ay di wow sila na ang call mate.

Dahil grabe ang nararamdaman kong selos, galit at inis. Ang dami ko talagang nararamdaman, ay hindi ko ito inimikan maging si kiera. Hindi rin ako kumain ng dinner, wala kasi ako sa mood, it was ruined and the entire me wanted to punch the guy on his face.

Later that night kumatok pa ito sa annex door ng kwarto, syempre pinagbuksan ko naman ito. She's asking me kung ano daw pwede niyang gawin para bumalik ang mood ko. I told her to bring cash!!

Kasi naman kung may cash sana siya ay di sana hindi pumuporma yung mukhang pugitang lalaki na yun, o baka ginusto rin naman niya??? hmp!

Pero bakit nga ba ako nagseselos, ano ba ako ni cassey??? bestfriends lang kami.. ano ba yan bestfriends lang nga pala kami. tsk!

'' are you okay? '' kiera asked me.

Pauwi na kami sa bahay, kagagaling lang namin sa airport para ihatid ang dalawa kong kapatid. Uuwi na sila sa kani-kanilang pamilya. I caused them so much trouble na rin kasi, kawawa naman rin yung dalawa, halos wala ng pahinga at every hour, minute or seconds ay palagi silang may kausap sa phone para sa negosyo and ofcourse sa mga minamahal nila.

minamahal.... hayst.

Nag focus akong muli sa pagmamaneho bago sumagot kay kiera.

'' ahm yes I'm fine '' tipid kong sagot.

Kiera nod her head at ibinaling na ang kanyang pansin sa labas ng bintana nang mapansin niyang bigla kong iniliko ang sasakyan.

'' Where are we going??? '' takang tanong nito.

'' somewhere '' sagot ko.

--------------

After an hour of driving ay nakarating kami sa isang playground.

Hindi ko alam kung bakit nandito kami pero parang dati na akong pumunta dito at may kasama akong isa pa.

'' Naalala mo pa rin pala ito '' si kiera, tumayo siya sa katabi ko.

Hindi ko sigurado kung anong tinutukoy niya kaya nagtanong ako.

'' not really pero dinala ako dito ng pakiramdam ko ''

Ngumiti si kiera at hinawakan ang aking kamay.

'' halika '' aya niya.

Dumiretso kami sa bakal na duyan at umupo dun.

'' dito tayo naglalaro noon donthy. '' sabi niya.

Nakatingin lang naman ako ng diretso habang patuloy na nakikinig sa kaibigan ko.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon