Chapter 16 - Electrifying accident!

5.6K 174 5
                                    

- CASSANDRA -

30 minutes kong pinag isipan kung susundan ko ba si donthy. Nakakailang tawag na kasi ako pero hindi niya sinasagot pati mga texts ko wala rin. Nababahala na ako, hindi naman ganito si donthy eh. Wala na akong choice kung hindi ang puntahan ito sa kanyang dorm wala naman kasi yun ibang pinupuntahan after class kapag may mood swing ito kung hindi sa beach pero medyo makulimlim ang panahon kaya for sure wala yun dun at nasa dorm lang.

Hindi na ako sumama kina jacob mag ce-celebrate daw sa pagsagot ko sa kanya but I told him na kailangan kong puntahan muna si donthy. Hindi naman din kasi ako makakapag enjoy kung alam ko na may dinaramdam ang bestfriend ko. Pumayag naman si jacob pero kahit hindi siya pumayag wala pa rin siyang magagawa, aalis pa rin ako at pupuntahan si donthy.

I drove my car fast at inakyat ang kwarto niya. Kahit may susi ako ay hindi ko ito ginamit. I knocked softly at the door. Naka 6 na ata akong katok pero di nya binubuksan. So I called her.

'' donthy kapag hindi mo ito binuksan gigibain ko ang pintuang ito! '' pananakot ko, as if kaya ko naman.

Wala pa rin

'' donthy!!! '' sigaw ko at isa pa this time mas malakas yung nakakabulahaw na ng kapitbahay.

'' DONTHY!!!!!! '' and finally she opened the door.

- DONTHY -

Sobra na naman akong nasaktan when I saw them kissing. Hindi na ako nasanay at natuto, kahit dati pa naman nakikita ko ng nakikipag halikan si cassey sa mga naging boyfriend niya. Pero bakit ngayon mas sobrang masakit? dahil ba umasa na naman ako??? ako na talaga ang pinaka tanga at pinaka martyr na taong alam ko maging ng mga kaibigan ko. Feeling ko nga sa pagkawasak at pagkadurog ng puso ko kanina parang it can't be fix na, at sino naman ang mag aayos nito??? tsk! how pathetic ka talaga donthy.

Kinuha ko ang beer sa reef at uminom. Pagkatungga ko ibinuga ko rin ito sa lababo, sama ng lasa ano bang nagustuhan dito ng mga tao, ump! tinapon ko na ito sa basurahan, at ang kinuha ko na lang ay ang cranberry juice na maganda sa U.T.I ( Umasa na naman ang Tatanga- tangang puso kong Ito )

Tutulo na sana ang isa kong luha ng may marinig akong kumakatok sa pintuan, hindi ko ito pinansin baka may tao lang na nagkamali  ng door na puntahan kasi wala naman bumibisita sa akin. Hanggang sa nagsalita na ito.

'' donthy kapag hindi mo ito binuksan gigibain ko ang pintuang ito! ''  - si cassey, malamang hindi ako nito lulubayan. Pero I still deadpanned her. Wala ako sa mood, masyado ng masakit eh.. gusto ko na nga ng sandamukal na anesthesia para I feel numb na.

Pero hindi ito nagpatinag at mas nilakasan pa ang pagtawag..Kahit kailan talaga napakaingay nito ni cassandra.

Wala na akong nagawa kung hindi ang buksan ang pintuan.

'' bakit ba kumakatok ka pa may susi ka naman '' walang gana kong saad at tumalikod na sa kanya pagkatapos.

'' dahil gusto kong kumatok ''

Hay naku napairap lang ako sa sagot niya. Napaka hay........don't know what to say.

'' donthy ano bang problema mo??? '' hinawakan niya kamay ko. Tinanggal ko ito. I don't want any physical contact with her, nakakabulag lalo eh. Tanga na nga ako tapos bulag pa! tsk.

'' donthy ano ba? kanina ka pa ha tapos ngayon ayaw mo magpahawak, alam mo bang hindi ako sumama sa boyfriend ko para lang puntahan ka! ''

Tumigil ako at nilingon siya.

'' bakit sinabi ko ba na puntahan mo ako? at iwanan mo ang BOYFRIEND MO?? ''  inis kong tugon, but I tried so hard to stay calm. Ayaw ko kasi magalit kay cassey.

'' Donthy that's not what I meant, tsk.. look nag aalala ako sayo kaya ganun ''

'' hmmmm you don't have to '' tumalikod na ako at umupo sa sofa.

Pero cassey is cassey, nagmakulit na naman ito at umupo sa katabi ko sabay yakap.

'' donthy nagtatampo ka ba at sinagot ko na si jacob without knowing it beforehand?? ''

'' NO! '' madiin kong sagot pero naiiyak na talaga ako.

She pulled herself up and looked at me earnestly.

'' so bakit ka nagkakaganito??? ''

Lalo lang akong nainis, napaka manhid kasi talaga niya kaya tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya.

'' Donthy ano ba naiinis na ako ha '' mataray nitong saad. Nakatayo na rin siya.

'' well kung ayaw mong mainis just go '' I fired back without glancing at her.

Maglalakad na sana ako papasok ng kwarto ng bigla ako nito hinawakan sa braso. Pero dahil ayaw ko nga ng kahit anong physical contact, ubod lakas ko itong tinanggal sa grasp niya resulting her to outbalanced.

Napalingon ako at nakita ko na matutumba na si cassey sa floor, sa takot ko na baka mapatama ang ulo niya ay dali dali ko itong hinabol. I covered the back of her head with my hand. Pero sa kasamaang palad pareho na kaming matutumba, at parang nag slow mo. ang lahat, nakapikit si cassey hanggang sa lumapat ang likod niya sa malamig at matigas na floor, pasalamat na lang at naagapan ko ang pag tama ng ulo nito.

Pero ang aksidente nga naman ay basta basta na lang dahil when I landed on top of her body. My lips connects on hers na nagpamulat sa mga mata nitong nakapikit. Feeling ko nagkaroon kami ng contest na palakihan ng mga mata dahil pareho kami ng naging reaksyon. Mabilis lang ang paglapat ng mga labi namin siguro mga 2 seconds lang pero yung kuryenteng dumaloy??? parang 10000 volts na pwede nang makapatay ng tao. Namula ako bigla maging siya kaya dali dali akong napaupo sa sahig.

- CASSANDRA -

I readied myself sa sakit na mararamdaman ko sa pagtumba ko pero ang di ko inaasahan ay ang pagtama ng mga labi namin ng bestfriend ko, mabilis lang yun as in parang kisap mata lang but the jolt of electricity was like a flash, ang bilis niyang kumalat sa buong katawan ko including my heart. First time na kumabog ng ganito ang puso ko, kaya nagulat talaga ako.

Napaupo si donthy sa sahig ganun din ako. Sa pagkataranta ko ay bigla akong nagpaalam kay donthy.

'' I..i'm going home d..donts '' sabi ko na pigil na pigil ang aking paghinga.Pero imbes na sa pintuan ako lumabas ay patungo ako sa banyo, pati ata utak ko ay naapektuhan na ng walang hiyang kuryenteng yun.

'' a..ahmm dito pala yung pinto '' sabi ko ng mapagtanto ko na sa banyo ako papunta. Halos patakbo akong lumabas at hindi na hinintay pa ang response ng nakatulala kong bestfriend.

Mabilis kong tinungo ang aking sasakyan at malakas kong isinara ang pinto. Sa wakas nakahinga na ako, pero ang tanong ko sa sarili ko.

'' what the hell was that???? '' sabay hawak ko sa aking labi na parang nagustuhan ang pagdikit nito sa labi ng aking bestfriend.

----------------------------------------------------------------

A/N

😍😍😍

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon