Chapter 44 - bacon is ❤🍴🌷

4.7K 130 12
                                    

- CASSANDRA -

Lumipas na ang magdamag ay ramdam ko pa rin ang inis para kay donthy. Hindi nga ako nakatulog 'coz I'm expecting her to make a move. Alam mo yun magkusa man lang sana na mag sorry pero wala, bwisit talaga grrr!!!!!!

Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa banyo para maligo. Mabilis lang ang ginawa ko super lamig nga ng tubig na ginamit ko pero it doesn't cool down my still fiery body - gawa sa inis!

Ibinalot ko sa bathrobe ang basang basa kong katawan at lumabas na.

'' what are you doing here? '' bigla kong tanong kay donthy.

Nasa may katabi kasi siya ng kama ko, nakapatong doon ang isang tray ng pagkain na sa tingin ko is for my breakfast. May hawak hawak rin itong isang pulang rosas sa kanyang kamay.

Nakatingin ito sa sahig na sumagot.

'' h..hindi ka kasi k..kumain kagabi kaya i..pinaghanda kita '' putol putol at parang bata nitong sabi sa akin. Pero kahit nakayuko ito ay kitang kita ko how she pout her lips and knit her eyebrows.

Napakagat ako sa pang ibaba kong labi para mapigilan ang pagtili sa kilig.

Sheeeet kinikilig ako... Pwede palang mainlove for the second time around sa iisang tao.

Marahan niyang iniangat ang kanyang ulo at ako'y tiningnan. Kahit hindi ako nakatingin sa dako nito at nakatagilid ang aking ulo (nag iinarte pa ako eh bakit ba?) ay kita ko sa gilid ng aking mata kung papano nagsusumamo ang kanyang mga mata.

I saw her took a step forward but the time I meet her gaze ay napatigil ito at yumuko na naman. Itinago niya rin ang pulang rosas sa likod niya.

This time pati ang mga balahibo ko ay nagsitayuan na, even the finest one.

Ano ba baby papatayin mo ba ako sa kilig??? ang cute cute nya pa naman sa ganitong asal....hmmm.

Pati tuhod ko nanlalambot na sa ka sweetan ng baby ko. Pero kahit ganito ay kailangan ko pa ring mag act na galit. Baka isipin niya kasi easy to get ako eh...

hindeee kayaa cheeeguro! (ipit ng buhok sa tenga)

'' Hindi mo ba ibibigay sa akin yang bulaklak na hawak mo? '' pabalya kong turan sa kanya sabay extend ng hand ko. Nakayuko pa rin si donthy.

'' e....eto ba? '' sagot nito.

Tinanggal niya ito sa likod niya at inilagay sa harapan.

'' Malamang yan, o baka naman hindi talaga yan para sa akin at kay kirara yan!!! '' asik ko pa rin.

'' kirara? '' ulit nito sabay angat ng kanyang ulo, yet still not meeting my gaze.

'' OO KAY KIERA!!! '' sigaw ko.

Mukhang naging totoo na yung pag sigaw ko at nabwisit ako sa pangalan ni linta eh.

Pasulyap sulyap lang na tumitingin si donthy sa akin. And I know I'm not hallucinating sa pamumula nito.

she's blushing!!!

At bigla kong naalala na bathrobe lang nga pala ang suot ko kaya may naisip ako.

aaaahhh!

Lumapit ako ng paunti unti at itinapat ko ang aking mukha sa kanya. At mas nilapit pa na kung ingunguso ko lang ang mga labi ko ay didikit na ito sa labi niya na miss na miss ko na talagang mahalikan.

Kailan ko ba ulit yan matitikman baby😭

Pero dahil ang paglalandi at bawal ma stress si donthy ang top priorities ko ay todo ang pagtitiis ni inday cassandra.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon