Chapter 9 - Battered hand

5.8K 189 5
                                    

- DONTHY -

Lumabas kami ni kiera at pumunta sa may beach, kapag nakakaramdam kasi ako ng lungkot ay ito ang nagiging takbuhan ko para mailabas ang sama ng loob. Madalas ang nakakasama ko dito ay si cassey, pero ngayong siya ang source ng kalungkutan ko ay mali naman ata kung siya pa rin ang isama ko diba? lunurin ko na lang kaya ang sarili ko sa dagat? mas mabuti pa siguro yun.

'' ahmm so anong nangyari? '' tanong ni kiera na nakatingin lang ng diretso sa horizon, medyo palubog na ang araw kaya ang ganda nitong pagmasdan.

'' wala naman '' tipid kong sagot

'' pwede ba yun, hindi mo ba alam na ang putla mo kanina kaya akala ko may sakit ka ''

'' ah ganun ba? '' napakapa tuloy ako sa leeg at noo ko  '' wala naman akong sakit ah '' dagdag ko pa.

'' Wala nga pero mukhang dito ang sakit mo '' tinuro niya ang puso ko.

'' h...hah?? h..hindi naman '' napalunok ako ng laway.

ganun ba talaga ako kahalata???

'' sus lokohin mong lelang mo '' ngumisi ito at humuyom ng bahagya.

Hindi ako umimik kaya nagsalita ito ulit.

'' you like her don't you '' napalingon ako bigla sa kanya.

papano siya nagkaroon ng ideya??? manghuhula ba si kiera???

'' tinatanong mo siguro kung papano ko nalaman noh ''

huh??? at mind reader din sya???

'' at hindi rin  ako mind reader ''

Nanlaki na talaga mga mata ko at napaatras ng bahagya palayo kay kiera. Tumingin ito sa akin na nakakunot ang noo.

'' ha ha ano ba donthy para kang sira umayos ka nga '' saway nito sa akin, at ang mukha ko talagang gulat na gulat.

'' p...pero p..papano mo???? ''

'' si danika, nabanggit niya pahapyaw dati pero once lang yun, iba ka daw makatingin sa bestfriend mo kaya nga nagbiro siya na mawawalan daw ng anak ang daddy niyo kapag nagkataon '' she stop.

'' hmmmm '' yan lang nasagot ko.

'' so totoo??? '' si kiera.

Napabuntong hininga ako at tumango.

'' but she don't like me '' malungkot kong saad.

'' no she likes you donthy ''

'' tsss yes as her bestfriend '' mas lalong lumungkot ang boses ko.

'' haaay you never tell her kasi so papano mo malalaman??? ''

'' para ano? para masaktan lang ulit ako??? durog na durog na ako kiera. Sa loob ng 3 taon wala na akong ginawa kung hindi ang magmasid lang at maging bestfriend niya '' I gulped the lump developing inside my throat, bakit kaya ganito nararamdaman ko I feel at ease na sabihin kay kiera ang about sa feelings ko for cassey at mas magaan din siyang kausap kumpara dun sa tatlo ko pang mga kaibigan.

She shrugged her shoulders.

'' kung wala ka rin lang naman gagawin pareho lang din naman ang kinalalabasan diba? durog at sawi ka pa rin. So san ka lulugar? sa sasabihin mo? o sa maghihintay ka na lang habang tumanda ka? ''

'' I...I don't know, natatakot din kasi ako kiera, hindi ko talaga ang alam gagawin ko ''

'' okay sige ganito na lang, kung kailangan mo ng kausap alam mo yun at nakikita ko napaka torpe mong nilalang '' tumawa siya ng mahina.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon