Chapter 11 - strike two!

5.9K 172 5
                                    

- DONTHY -

The Next Day

Naglalakad ako sa hallway papunta sa locker ko when someone called my name. Kaya napalingon ako.

'' donthy!!! '' - si Andrea yung kaibigan ko from nursing department. Half filipino and half american si andrea. Lumaki sa pinas but when she was 10 y.o nagmigrate sila sa canada and then when she turned 16 dito naman sila napadpad sa france. I met her after I met cassandra, kahit mag classmate lang kami sa isang subject dati ay nakasundo ko na ito. Super bait eh parang ako lang.

whooosh hangin!!!!

'' oh andrea what's up? ''

Siniko ako nito sabay tusok sa aking tagiliran.

'' kumusta ang dakilang martyr?? '' bungad agad nito.

I rolled my eyes at nagsimula na ulit maglakad.

'' ofcourse paul '' yun lang nasagot ko.

Inakbayan ako ni andrea ng walang kahirap hirap, magkasing tangkad lang kasi kami kaya ganun.

'' huwag ka ngang bitter kay paul may point naman siya donthy. He's saving you from drowning ''

Napailing ako walang hiya drowning talaga.

'' oo na actually matagal na akong nalunod diba, na revived nyo lang ako '' tumawa ako pero deep inside in my every smile tons of pain was hid behind it.

Saklap!!!

'' wait lang ha tumawa ka na naman donthy, alam ko ang klase ng tawa na yan, don't hide your pain. Kilalang kilala ka na namin. Bakit ba kasi hindi mo na lang siya kalimutan at maghanap ka na lang ng iba?? hmmm gaya ko?? '' biro nito.

Hindi ko naman pinapansin ang mga ganitong sinasabi ni Andrea, mas maloko kasi ito kumpara sa akin, in every 10 words she's saying .5 lang ang totoo at tagilid pa minsan.

'' ayy ewan sayo andrea tumigil ka na '' sabay tapik ko sa braso nitong nakapatong pa rin sa balikat ko.

Tumakbo ako palayo sa kaibigan ko, nagtatawanan pa nga kami when Mr. Giovanni who is our prof. na...na... wait naalala niyo yung first day na nakasagutan ni cassey? siya yun. He caught my attention, kumakaway kasi ito sa akin.

Lumapit ako kaagad sa kanya at nagpaalam na rin kasi si andrea may klase pa raw kasi siya, dumaan lang talaga dito sa building namin para asarin ako. Baliw talaga.

'' sir? ''

'' pasok ms.Maxine ''

'' okay sir ''

Napansin ko sa loob na nakaupo rin si kiera.

ano kayang ginagawa niya dito? at bakit ako tinawag ni sir?

'' upo ka donthy ''

wow maka donthy si sir, close lang?
* tawa

Umupo ako katabi ni kiera at nagsalita na si sir.

'' well maybe you're asking yourself ms. Maxine kung bakit ka nandito with ms.Max right? '' tumango ako.

'' Kinausap ko kasi si ms. max na kung pwede siya yung mag asikaso ng documentation for the last time events. Mga 3 activities kasi yun at medyo marami rami yung papers para ayusin. She told me na okay lang basta may makakatulong siya kahit isa ''

'' so ako po yun? '' tinuro ko sarili ko.

'' yes ''

'' okay lang ba donthy??? '' hinawakan ni kiera ang kamay ko. Nilayo ko naman ito at naalala ko yung sinabi sa akin ni cassey kagabi.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon