Chapter 3 - Hampas

7.5K 208 3
                                    

- DONTHY -

'' It's monday ....freaking monday!!! la la la la '' kumakanta na naman ako ng hindi ko alam na kanta, basta gumagawa na lang ako ng sarili kong lyrics wala namang ibang tao dito sa dorm eh, just me and myself so there's no one will hear me singing. At ang swerte naman nila kapag narinig nila ang maganda kong boses diba, mahal kaya ang talent fee ko.tse!

Lumabas na ako sa banyo kakatapos ko lang maligo. I glanced at my desk clock, 5 am pa lang pala. Ang aga ko diba ganun talaga susunduin ko pa kasi si cassey. Nagtext kasi saakin kagabi ayaw niya daw mag drive or magpahatid sa driver niya, gusto niya daw sabay kaming pumasok.

Syempre hindi ako nagreklamo, why would I pabor pa nga sa akin dahil makakasama ko ang...........bestfriend ko, hay.

Bakit nga ba everytime na naaalala ko na magbestfriend (with diin effect sa pagbanggit) lang kami ay may kumukurot pa rin sa dibdib ko? tatlong taon akong inlove sa kanya at tatlong taon na rin akong tagamasid lang at umaasa.

Hay life, pero ang aga naman para mag isip ako ng nakakalungkot na bagay. Diba nga kinausap na kita self na okay ka na just be happy na nakakasama mo siya everyday at nakakausap, so maging thankful ka na dun self ha, don't be greedy!

yep ganito ako madalas talking to none other than myself.

Nagbihis na ako at kinuha ko ang cellphone ko. Nagtext na pala ang sabi yung kotse daw ang dalhin ko at huwag si baby boo at ayaw niya daw magulo ang perfectly done hair niya. I replied her just okay at ang reply? 😬. Natawa ako pinaka aayaw niya kasi ay ang word na okay lang or thumbs up sa reply, nakakabwisit daw.

Ginawa ko lang naman yun para asarin siya ang cute kasi ni cassey kapag naiinis lumalabas yung parang dimple niya sa may noo. I can't explain it nor alam yung tawag basta medyo malalim yung uka kapag kumukunot siya ng noo niya, yun din yung favorite spot ko whenever I kiss her sa forehead.

sana next time sa lips naman.. (eeee para na akong naiihi sa kilig)

Dali dali na akong nagbihis ng tight ripped black jeans ko, hanging white shirt na kita yung navel ko and classic na vans. With my hair? I just hang it down maganda naman buhok ko eh so no need na kung anek anek pang gawin.

If you're asking kung butch ba ako pumorma the answer is NO. Girly pa din ako. I belong to the feminine ones, kaya hindi naman sa akin halata na I'm a les, may mga lalaki pa ngang nanliligaw sa akin pero basted agad, isang sabi ko lang na '' hindi tayo talo pre '' ofcourse in french language nasa france ako remember?  okay back to the scene.

Bumaba na ako ng dorm na naging tahanan ko for 3 years now going 4 ngayong taon. Sumakay na ako sa black kong range rover at pinaharurot ito patungo sa aking.......bestfriend😅

'' oh bakit naman ganyan ang itsura mo??? '' tanong ko kaagad pagkababa ko ng sasakyan. Pinagbubuksan ko kasi palagi ng pintuan si cassey, parang mahal na prinsesa ito eh at ako ang dakilang utusan na alalay pa. Pero I'm not complaining pa rin. I'm doing it willingly for her atsaka nasanay na rin kasi akong gawin ang mga bagay na ganito.

Hindi siya sumagot at nakatitig lang na matalim sa akin.

ano na naman kayang nagawa ko???

'' b...bakit b..bes?? '' I stuttered. Bigla ako nitong hinampas sa braso. I winced in pain, napapikit pa ako.

'' Aaarrray!!!! ang aga aga nananakit ka '' hinaplos haplos ko ang braso ko.

'' kasi ikaw nagpaharurot ka na naman ng kotse mo. How many times do I have to tell you ang aksidente ay aksidente. Kahit magaling ka magmaneho pwede pa rin yun mangyari sayo. Ang tigas ng ulo mo!!!! '' sigaw nito sa akin. Natameme ako. So galit siya dahil ang bilis ko magpatakbo??

Papano ba ako makakamove on kapag ganito mag alala sa akin si cassey? Lalo tuloy akong nai inlove.

'' h..ha kasi b..baka malate tayo kapag hindi ko binilisan, diba you don't want to be late? '' utal ko na namang sagot at isang malakas na hampas na naman ng kamay ang lumapat sa ngayon ay masakit ko pa ring braso.

'' AAAARRRAY!! ''

'' I DON'T CARE KUNG MALATE TAYO BASTA  SUNDIN MO ANG SINASABI KO DOROTHEA AT KAPAG IKAW MAPAHAMAK HINDI AKO IIYAK PARA SAYO PAPATAYIN PA KITA TANDAAN MO YAN!!! ''  at nagmartsa na ito papasok ng sasakyan.

Wala na akong nagawa kung hindi ang isarado na ang pintuan at sumakay na rin sa kotse. Sumulyap ako sa bestfriend ko nakatingin lang ito sa direksyon na wala ako. Alam ko na over pa sa pagka overprotective si cassey sa akin. Lagi ako nitong pinapangaralan at ginagalitan, magka edad lang naman kami pero ang rason niya wala daw akong pamilya dito kaya siya ang mag aalaga sa akin as her bestfriend.

Hay naku namumuro na talaga ang word na bestfriend na yan...kainis!!!

I started the drive, binagalan ko na sa sobrang bagal para nang naging karo ng patay ang sasakyan ko. Maya maya ay tumawa na ng malakas si cassey at umirap sa akin.

Baliw talaga itong unggoy na ito.

'' sorry na bes oh ayan ang bagal na natin ha ''

'' oo oa naman sa bagal, mas mauuna pa sa atin ang pagong sa pag drive mo eh '' at tumawa na naman ito.

'' akin na nga yang braso mo donts ''

heto na naman po tayo sa donts, sige na nga hayaan ko na lang total ang ganda naman siya mag pronounce.

Binigay ko ang braso ko na pinagpapalo niya. Hinimas niya ito.

'' sorry donts nasaktan na naman kita, ikaw naman kasi ang kulit mo ''

oh kitam ako pa rin ang may sala kahit ako na yung nasaktan.

'' sige na hindi na mauulit cassey, sorry na kung pinag alala kita '' sumulyap ako sa kanya, nakangiti na ito sa akin.

Hay naku papano na naman nito ang puso ko, durog na ewan palagi.

Althrough out the drive going to school hindi binitawan ni cassey ang braso ko hawak hawak niya lang ito at hinihimas. Ang sweet talaga nito kahit madalas sinasaktan ako.

Pero mahal ko talaga ito, mahal na mahal.

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon