Chapter 2 - Cassandra

8.5K 220 7
                                    

I slowly opened my eyes and hold my head, ahh ang sakit ng ulo ko. I wan't massage kaya kinapa ko si donthy sa katabi ko... hmmm wala??? napangiti ako, oo nga pala inutusan ko yun magluto kaya malamang nasa kusina na yun.

Pinagpatuloy ko ang pag hilot ko sa ulo. Kakainis kasi bakit ba ako naglasing? ayy yep dahil nag break pala kami nung pang 7 kong boyfriend. Actually hindi naman ako na hurt talaga sa puso more on my ego! Ewan ko ba kung bakit kahit ako parati ang nakikipag hiwalay, ego ko pa rin ang naaapektuhan kaya uminom ako mag isa.

Ironic!

The time na lasing na ako I called my bestfriend, si donthy. Sa dinami dami ay mali ulit... sa 4 kong kaibigan si donts talaga ang bestfriend ko. She's one of a kind kasi kaya love na love ko yun.

Nauutusan ko at napapasunod ng walang kahirap hirap lol, mapagkakatiwalaan, sobrang bait at isang tawag ko lang dumarating agad. Syempre super hot at ganda ng bestfriend ko like me haha(maarteng tawa). Hindi naman kasi ako pipili ng pangit like duh? eww and yuck!!

Gusto ko palagi ko siyang kasama kahit pa kasama ko ang boyfriend ko '' dati '' o ang ibang friends niya I don't care basta dapat nakikita ko siya palagi. Bukod kasi sa panganay kong kapatid na si KC short for Katharina Cassidy at sa parents ko wala na akong ibang love at nakagaanan ng loob just her - si Donts (bagay talaga sa kanya ang penname kong ito ewan ko ba kung bakit ayaw niya, kainis!)

Bumangon na ako at bumaba sa kusina, wala si mom and dad nag out of the country, si ate naman ay nasa company na. So ako lang dito at yung maids namin at guards kaya pinipilit kong dito muna si donthy mag stay pero ayaw niya. Try ko ulit mamaya magpa cute baka gumana na at pumayag.

I saw her sexy back, naka pajama pa ito at white shirt na pinahiram ko sa kanya kagabi, hindi ko na kasi siya pinauwi kahit gusto niya. Tinakot ko sabi ko paano kapag sumuka ako walang mag aasikaso sa akin tapos nag pacute pa ako effective naman at kahit nakasimangot sa katabi ko siya natulog.

Naglakad ako ng marahan at niyakap ko siya from behind. I feel her body becomes rigid, nagulat na naman at nakiliti. Lakas kasi ng kiliti niya sa waist eh.

'' goodmorning donts '' bati ko sa kanya habang yakap yakap ko pa rin siya.

'' a...ano ...ba! '' hirap na sagot nito as I started to tickle her.

Ibinaba niya pansamantala ang siyanse at tinapik ang kamay ko sa bewang niya.

'' ouch! '' maarte kong saad sabay hipo sa isang kamay ko na mas grabeng tapik ang naranasan.

Ginaya lang naman ako nito '' ouch! '' sabay dugtong ng '' arte! '' umirap pa.

'' aba dorothea ha iniirap irapan mo na lang ako dyan, ang sakit pa nga ng ulo ko tapos ginaganyan mo ako hmp '' nag crossed arms ako sabay tagilid ng ulo ko. Nahilo ako medyo napalakas ata yung pwersa pag tagilid ko ng ulo.

Narinig ko naman na hinila niya yung isang upuan at naramdaman ko na lang na itinulak niya ako para paupuin.

'' huwag ka na ngang mag inarte at kumain ka na, ayan pinag hiwa hiwa ko na ang bacon mo madam '' biro nito sa akin. Pero ang sweet talaga ng bestfriend ko alam na alam niya ang gusto ko.

'' ayaw ko, subuan mo muna ako ''

'' ano ba yan, pinagluto na nga kita tapos susubuan pa?? ano ka bata? tsk! '' tugon nito at pumalatak pa.

Ganito kami madalas parang mga batang nagbabangayan at nagkukulitan.

'' bahala ka kapag hindi mo ako sinubuan hindi ako kakain tapos magugutom ako tapos papayat ako tapos ummmmp!!'' bigla niya akong sinubuan.

'' oh ayan na kumain ka na ang dami mong satsat sa tapos tapos mo na naman na yan ''

Hindi ko pa nga nangunguya ay sinubuan na naman ako nito at isa pa at isa pa. Pilit ko itong nilunok para makapag salita.

'' walang hiya ka balak mo ba akong patayin???? '' asik ko dito. Ngumisi lang ito... nang aasar talaga kainis. Tinaasan ko nga ng kilay.

'' hindi ako nyan tatalban '' ngumiti ulit ito matapos ibaba ang nakataas kong kilay.

'' hmp '' ngumuso ako

'' sige na malditang unggoy aalis na ako '' nagsimula na itong maglakad para umakyat sa kwarto para magbihis. Mga nakaka dalawang hakbang pa lang naman siya.

Nagpanting ang tenga ko, siya lang talaga ang may lakas ng loob ng tawagin akong unggoy, hello sa ganda kong ito? ako unggoy???

Hinila ko nga ang buhok niya.

'' aaray naman, bakit ba cassey '' cute na asik nito, kahit kasi nasasaktan ko na si donthy physically sa 3 taon naming mag bestfriend never pa ako nito nasigawan ng dahil sa galit as in never!

'' anong unggoy? at san ka pupunta? ''

'' uuwi at unggoy ka naman talaga ah! ''

'' isa pang mag unggoy ka at makikita mo at diba sabi ko sayo stay here with me! '' pagtataray ko nanaman, papano ulit ulit na ako pagsabi na dito na muna nga siya.

'' may bahay naman ako bes why do I need to stay here? ''

'' dahil sinabi ko? '' natawa siya

'' hay naku this conversation is over '' boring niyang tugon at tumalikod na sa akin.

'' Dorothea san ka uuwi? sa dorm? ang yaman yaman mo dun ka umuuwi ang liit ng bahay na tinutukoy mo! '' sigaw ko

Tumingin ito sa akin na nakangisi na naman.

'' atleast I can call it mine '' sabay kindat nito at tumakbo na papuntang kwarto.

Hindi na ako sumunod naiinis na naman ako sa kanya eh.

When she got down pumunta muna siya sa akin, hinawakan niya ang gilid ng lips ko at hinila pataas.

'' ngumiti ka na pumapangit ka eh '' itinapat niya pa ang mukha niya sa akin at nag make face, kaya natawa na ako ng tuluyan.

'' crazy! '' napailing na lang ako.

'' didiretso na ako ng work pagkauwi ko ha baka hindi ako mapagtext sayo ''

'' okay, basta sa breaktime mo text me ''

'' yep sige na bye '' at tatakbo na sana ito palabas pero tinawag ko na naman.

'' wait!!! kiss ko???? ''

Ngumiti lang siya atsaka bumalik. She kissed me in my forehead. Nakasanayan na niyang halikan ako sa noo kaya nasanay na rin ako. Hindi ko pinapalampas ang araw na hindi niya ito sa akin ginagawa.

'' hmmmm mwaaah, okay na? '' tanong niya after the kiss.

'' yes okay na, ingat ka sa pagdrive '' I told at pinisil niya ilong ko.

'' I will '' She walked up to the door waved her hand at me and left.

Binalik ko ang atensyon ko sa breakfast ko at inubos na ito and out of nowhere bigla kong naisip na ang swerte ng mamahalin ni donthy, oo alam ko na les siya. We attended pa nga the wedding of her sister dominika at tinulungan pa naming makatakas si danika sa sarili nitong kasal. But despite that fact hindi nagbago ang tingin ko sa kanya, mas lalo pa ngang tumaas ang respeto ko at mas lalo ko rin siyang minahal.....

as my bestfriend.


---------------------------------------------------------------

Just wait for another update later! it's just a teaser for you to say hello to our new love encounter protagonists.

credits to @Dereeesh for giving me the faces of Donthy and Cassandra.😘

THE MAXINE SISTERS SERIES (DONTHY)-GXG / BESTFRIEND ZONE!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon