Chapter 32: Diary

Magsimula sa umpisa
                                    

"Waaah! Ang dami niyo! Ako nga pala si Mika!"

"Oo nga eh. Madami pa kami sa bandang doon. Halika, ipapakilala ka namin sa iba pang members."

"Naku, hindi na. Baka hinahanap na kasi ako ng kasama ko eh."

"Gano'n ba? Sayang naman."

Bumalik na ako sa pwesto ko kung nasaan si Nicole. Lalong umingay ang mga tao. Pati na rin 'yung grupo kung saan may babaeng weird ang damit na may nakasulat na 'Crunchh' sa likod. Kabilang doon ang mga taong nakilala ko kanina.

Nagsalita na ang emcee kaya mas lalong nagkagulo ang mga tao. Ipinakilala na niya ang unang grupo na magpe-perform.

Woaaaaah! Nakakatakot naman ang boses ng vocalist ng bandang ito! Maganda ba ang ganun? Kumakanta rin naman si Nathan pero hindi naman ganyan. Minsan ko na siyang narinig na kumanta ng may pagka-screamo pero maganda, hindi katulad ng pangit na 'yan. Grabe! Parang halimaw tapos hindi ko pa maintindihan 'yung lyrics.

Natapos nang mag-perform ang tatlong banda at nagkaroon ng ilang minutong break, then game na uli.

May nakatabi akong lalaki na naka-crossed arms. Tahimik lang siya samantalang ang ingay nung ibang nasa tabi niya.

"Kinakabahan ka ba?" Nagsalita siya habang nakatingin sa harapan. Sino ba ang kinakausap niya? Ako ba?

Tumingin siya sa akin. Ako nga ang kinakausap niya!

"Ako ba ang tinatanong mo?" Itinuro ko ang sarili ko.

"Mika Mendoza, ako nga pala si Ivan. At kailangan mong sumama sa 'kin."

Bigla na lang niya akong hinila. Waaah! Nicole! Bakit hindi mo napapansin na kinikidnap na ako!?

Nasa labas na kami ngayon ng malaking event center.

"Teka, teka! Bakit mo ako kilala?! Huwag mong sabihing?" Tinakpan ko ang dibdib ko. "Kasama ka sa mga masasamang elemento na gustong kumidnap sa 'kin?!"

"Hindi ano. Mabait ako. Halika, umupo ka rin."

"Manunood pa ako sa loob."

"Huwag kang mag-alala, matagal pang magpe-perform ang Three Prince."

Naupo na ako sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan ng loob ko sa kanya kahit ngayon ko pa lang siya nakita.

"Gaano ka nakakasiguro na 'yung taong mahal mo ang siyang makakatuluyan mo sa huli?" bigla na lang niyang natanong habang nakatingin sa mga bituin sa langit. Kaya naman napatingin na rin ako roon.

Ang ganda ng mga stars! Pero may isang pinakamalaki at sobrang nagsa-shine nang bongga kaya naisip ko si Nathan.

Para sa akin, siya 'yung malaki at magandang star na iyon.

"Walang makakaalam noon," sagot ko. "Walang makakaalam kung sino talaga ang nakatadhana para sa atin. Kailangan lang nating magtiwala."

"Sigurado ka?"

"Pero hindi lang tiwala ang kailangan. Kung gusto mo talagang maging forever na kayo ng taong mahal mo, kailangan ng effort. Kailangan dalawa kayong nag-eexert ng effort para mag-work ang relationship niyo. Hindi 'yung isa lang."

Tumingin siya sa akin nang may pagkagulat. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Madaming pwedeng mangyari, mahaba pa ang panahon. Kaya habang kasama natin ang mahal natin, iparamdam natin sa kanila kung gaano natin sila kamahal. At least kung hindi man iyon ang forever, hindi masasabi na nagkulang tayo, 'di ba?" dagdag ko.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko.

"Mika Mendoza, you're an amazing girl."

"Teka! Paano mo nalaman ang pangalan ko? Stalker ka, ano! Wew. Dati amazona girl, ngayon naman amazing girl!"

Book1:Courting my Future Husband (CMFH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon