Chapter Fifty-Five - The Wait is Over!

27.5K 463 67
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********

Akala ko dahil sanay akong nadi-dysmenorrhea, kayang-kaya ko ang sakit ng panganganak. Pero sisiw lang pala yon kung ikokompara sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko mabibiyak ang tiyan ko. Ang sakit-sakit! Parang hihimatayin na ako sa tindi ng sakit pero wala pa rin si Brian. Nanlalambot na ang tuhod ko. Lord, anong gagawin ko? Hindi ko napigilan ang mapaiyak.

Sinubukan kong tumayo at damputin ang cell phone sa mesa. Tatawag na lang ako ng ambulansya. Akmang pipindutin ko na ang numero nang narinig ko ang tunog ng dumating na kotse. Kasunod nga nun ay ang humahangos kong asawa.

"Babe!" tawag nito agad sa akin at niyakap ako. Dinampot nito ang bag na nasa tabi ng couch namin at pinangko na ako palabas ng bahay.

Sa likuran ako ng kotse pinaupo para mas komportable. Sigaw ako ng sigaw habang umiiyak dahil sa sakit. Panay naman ang lingon sa akin ni Brian. Panay din ang sorry nito. Pasensya na raw at sinosolo ko ang sakit. Nakita kong pinagpapawisan na siya sa nerbyos. Pero hindi ko kayang kontrolin ang sarili. Alam kong lalo siyang kinakabahan sa bawat sigaw ko pero wala akong magawa. Yon lang ang paraan ko para maibsan ang nararamdaman.

"We will be there in a few minutes, babe. Just hang on," sabi niya sa akin habang nagmamaneho. Tumutulo na ang butil-butil niyang pawis sa noo at sentido. Nakikita ko yon sa salamin na nasa harap niya.

"It's so painful! I can't take it anymore!" sigaw ko ulit.

Parang it took us forever para makarating sa ospital. Nawawalan na ako ng lakas. Halos namamaos na ako sa kasisigaw nang ilagay nila ako sa stretcher at dali-daling dinala sa delivery room. Puro staff ng ospital ang nakikita kong tumutulak sa stretcher. Hindi ko nakikita si Brian. Nasaan na ang lalaking yon? Sumigaw ako uli, tinatawag ko siya. Nakabuntot lang pala siya sa amin, bitbit ang bag na puno ng mga gamit na kakailanganing naming mag-iina.

"I'm here, babe," sagot naman agad niya. Lumapit siya sa tabi ko. Larawan siya ng labis na pag-aalala. Nakonsensya naman ako. Pero wala akong magawa. Hindi ko mapigilan ang sariling sumigaw nang sumigaw. Sobrang sakit talaga.

"Don't leave me. Stay with me," pagmamakaawa ko habang umiiyak.

"Of course, I will," sabi nito at hinawakan ang kamay ko. Pinisil ko din ang kamay niya. Kahit papano, nakaramdam ako na safe kami ng mga anak ko.

Naging blurry na lahat para sa akin. Naramdaman ko na lang na nilipat ako sa hospital bed at pinaligiran na ako ng mga nakaputi. May sinasabi sila sa akin na hindi ko maintindihan. Si Brian ang bumulong sa akin ng ibig sabihin nun. Huwag daw akong matulog hangga't maaari. Sinabihan akong umire nang buong lakas. Sinunod ko naman. Pero ayaw talagang lumabas nila baby. Naghahalo na ang mga luha ko't sipon. Worried na rin ako. Namatay kasi ang mama ko sa panganganak sa nakababata kong kapatid kaya labis akong nag-aalala. Ang sabi daw kasi nila, namamana ang ganung kondisyon. Kahit nasa loob na ako ng ospital hindi ko maiwasang huwag kabahan. Sobra kasing sakit talaga. Parang mamamatay na ako. Ang mga doktor naman parang walang balak na bigyan ako ng pampaalis ng sakit. Nakakainis! Totoo nga pala ang sinasabi nila na mahirap manganak sa Japan dahil hangga't maaari, gusto nila ng walang pain reliever. Gaman suru (magtiis) lang daw. Temporary lang naman daw kasi ang sakit. Gusto ko silang tadyakan. Nasasabi lang nila yon dahil hindi sila ang nasa kondisyon ko. Hindi na ako nakatiis. Nagmakaawa akong bigyan nila ako ng pain reliever. Dahil hindi sila nakakaintindi ng English, hinawakan ko sa kamay si Brian at sinabi dito ang gusto ko.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now