Chapter Thirty-Three - Chicken Adobo

39K 610 20
                                    

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

THERE'S A PRINTED COPY AVAILABLE. JUST ASK/PM GRET SAN DIEGO ON FB.

**************************

Naisip ko ang mga sinabi ni Liam tungkol sa pagseselos ni Brian sa kanya at ako'y napangiti. Napansin ko rin yon noon pero ayaw ko lang masyadong mag-assume. Naisip ko rin si Maiko. Kahit papano nakaramdam ako ng awa sa kanya. Alam ko ang hirap na pinagdaanan niya dahil halos magkapareho ang naging kapalaran namin. At least sa kanya, naisalba niya ang pride sa pamamagitan ni Gary. Pinagdadasal ko lang na sana hindi niya ginamit ang huli para gawing rebound lover lang.

Sa mga nangyari kamakailan, ngayon ko lang naintindihan ang naging damdamin ni Laurie. For the first time, lumambot ang puso ko sa dati kong best friend. Sadyang mahirap nga palang magdesisyon kung sangkot ang kaibigan kaya siguro umabot pa sa araw ng kasal ko. At sa bandang huli, nanaig din ang dikta ng puso. Ganun siguro talaga. Sabi nga ni Emily Dickinson, "The heart wants what the heart wants..."

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cell phone ko. Tumatawag si Brian. 

"I'm sorry, babe. I cannot go there for lunch. I am now heading to Kansai Airport. Got to pick up my Dad. He decided to come to Japan afterall," sabi niya agad nang marinig akong mag-hello.

"Oh," tanging naisagot ko. Hindi ko naitago ang sobrang disappointment. Nagresearch pa naman ako kagabi kung papano lutuin ang chicken adobo tapos ako lang pala ang kakain nito.

"So sorry, baby. I will make it up to you. We'll have it for dinner tonight. Dad and I will drop by your house later, okay?"

Kasama niya Dad niya? Pupunta sila dito sa apartment ko? Gosh! Ang dumi ng bahay.

"O-Okay," sagot ko na lang. Medyo nag-aalangan. Pagkasabi ko nun, nagpaalam na si Brian. Nandiyan na raw ang train.

Natuloy din pala ang pagbisita ng Dad niya sa Japan. Akala ko kinansela na nito dahil hindi natuloy ang kasal. Medyo kinakabahan ako kasi baka iniisip niya na inagaw ko si Brian kay Maiko. Sana kasing lawak ni Liam ang pag-iisip niya.

Tinapos ko ang pagluluto at kaagad na sinimulan ang paglilinis ng bahay. Kailangang presentable naman ang apartment ko. Dali-dali akong nag-mop ng kitchen at nagvacuum sa dalawang silid. Pagkatapos kung maglinis, pinalitan ko ang mga kurtina, bedsheet, cover ng mga throw pillows, pati na unan at kumot. Sakaling magawi sila sa kuwarto ko at least di naman kahiya-hiya.

Mag-aalas tres na na nang natapos ako sa paglilinis at pag-aayos ng bahay. Mga bandang alas kuwatro, tumawag uli si Brian.

"Hey babe. We just got home. I'm excited to try your chicken adobo. Dad said he's also very eager to try it. He had not eaten any for a long time now so be prepared. We will devour it," sabi nito at tumawa pa sa dulo.

"Gosh, I'm pressured. I'm sure the last chicken adobo your dad had eaten was that of Tita Alicia's. Mine is nothing compared to your mom's cooking," nag-aalala kong sagot.

"Don't worry. I'm sure it's delicious. See you later."

Naisipan kong sumaglit sa supermarket para bumili ng ready to grill na meat at chicken just in case di nila magustuhan ang chicken adobo. Mabuti na yong may choice sila.

Mga bandang alas sais na nang dumating ang mag-ama. Ang weird ng feeling ko. Naikompara ko kasi sila ni Tito Mando. Kung gaano ako ka at ease agad sa stepfather ni Brian, ganun naman ako ka kabado dito sa tunay niyang ama. Hindi kasi palangiti.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now