Chapter Forty-Eight - Unknown Number

36.7K 505 67
                                    

This book is already published.  For those who want to order a PRINTED copy, please send me a private message here on Wattpad. The book  size is 5X8 inches and has a total of 334 pages. Hindi ho ninyo pagsisisihan dahil maganda ang printing, binding, at book cover.  :)  It costs Php360 plus shipping fee. Mura lang ang shipping fee kapag J&T. Nagde-deliver sila kahit saan pang lupalop ng Pilipinas. Order na!  :)

********************************

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

****************************

Shocked ako na hindi shocked si Papa nang ibalita ko sa kanyang niyaya na akong magpakasal ni Brian. Sinabi lang sa akin na dapat ko daw alagaan ang mapapangasawa ko at huwag ko nang pairalin ang pagiging spoiled ko. Pagsilbihan ko daw ito nang mabuti at sumunod ako sa kanya. Ang weird! Iniisip kong magpoprotesta ito kagaya dati. O kung hindi man, pigilan ako dahil parang madalian ang lahat.

"Hindi po kayo galit?" tanong ko na hindi makapaniwala.

Nakita ko siyang umiling nang bahagya at ngumiti. Sa paputul-putol na salita, sinabi niyang matagal na daw niyang alam. Napakunot ang noo ko. Anong matagal nang alam?

Tumawa pati sina Tita, Tito at Yaya. Nasa background sila habang nagska-skype kami ni Papa. Si Tita na ang nagpaliwanag para hindi masyadong mapagod ang ama ko.

"Actually, nang bumisita siya dito noong nagbakasyon kayo sa Pilipinas, nagpahaging na siya sa Papa mo. At noong Disyembre nga ay pormal na niyang hiningi ang kamay mo sa kanya. Kaya nga inasikaso na ng Tito mo ang mga kakailanganin mo sa kasal - ang birth certificate at certificate of no marriage mo o CENOMAR. Pinadala na namin lahat kay Brian last week," sabi pa ni Tita.

Napaawang ang labi ko. Hindi makapaniwala. Noong Disyembre pa? Hindi ba't mukhang rocky road pa noon ang relationship namin? Panay pa selos ko nun kay Mayu at siya kay Liam.

Bago ako makasagot, narinig kong may bumukas ng pintuan. Dumating na si Brian. May dala-dala itong supot ng pinamili. Nilapag niya lang ito sa sahig ng living room at niyakap ako mula sa likuran sabay bati ng "Hey babe."

Kumaway siya kina Papa. Ngumiti sa kanya ang ama ko. Binati ito sa pagkakatanggap sa trabaho na siyang ikinabigla ko uli. Papano nalaman yon ni Papa? Hindi ko pa nasasabi a.

Nang makita ni Brian ang ekspresyon ko sa mukha, hinalikan niya ako sa pisngi, nakangiti ang kumag.

"I called them up the next day," nakangisi nitong sagot.

Aba, may access na siya sa family ko kahit noong hindi pa kami officially engaged? Ang bilis talaga ng Briton na to!

Nagtawanan naman ang pamilya ko. Nakita ko pang kinilig si Yaya, lalung-lalo pa nang inakbayan ako at hinalikan uli ni Brian sa pisngi.

Nakisingit sa usapan si Uncle at tinanong ang nobyo ko kung natanggap na nito ang pina-EMS na dokumento.

"Yeah, thank you so much," at dinukot pa niya yon sa dalang knapsack at pinakita sa screen.

Napailing-iling ako. Bilib talaga ako sa bilis ng damuhong to. But I have to admit, sobra akong kinilig dun. Kaya pala lagi niyang sinasabi sa akin dati na magtiwala lang ako sa kanya at huwag mag-isip ng sobra. Naku, kung alam ko lang di hindi na sana ako nagtapon ng luha para sa kalandian ni Mayu.

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now