Chapter Eight - Ikaw

43.2K 721 31
                                    

A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro.  Just check my store named: Gretisbored.

For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.

*****************

Inanunsyo ni Mark Dale na dapat daw kaming maghanda ng isang entertainment number sa programa para sa mayor ng Muromachi. Kaarawan daw nito sa susunod na linggo at lahat halos na guro sa siyudad ay may partisipasyon. Nagdesisyon ang buong IET members na ibigay sa aming mga baguhan ang responsibilidad na yon kagaya nang nakagawian. Hindi naman kami nakatanggi siyempre. Ganun talaga kapag bago. 

"Why don't we just ask Alex to represent us, newcomers?" mungkahi ni Andrew, ang kasabayan ko sa interview. Nakangisi ito. Well-known daw kasi ang mga Filipinos na magaling kumanta o sumayaw kaya dapat ako na lang daw ang lumahok. 

"No way," tanggi ko. "We must do it together." 

Nagprotesta ang lahat. Ang sabi ni Macky at David, wala daw silang katalent-talent pagdating sa sayawan. Parehong kaliwa ang paa. Wala rin daw sila sa tono kumanta. Ganun din halos ang rason ng iba pa. Pinagkaisahan ako. Ano mang protesta ko, wala rin akong nagawa. Pinagtulakan ako ng mga bwisit kong kasama. Sinuportahan naman iyon ni Mark. 

"Why don't you show us a traditional Philippine dance? I think everybody will be interested to see that," suhestyon pa nito. 

Nang umuwi ako kinahapunan, pumunta agad ako kina Ate Beth. Tinanong ko kung okay lang na kunin ko ang dalawa niyang anak para sa presentation ko. Sasayaw na lang ako ng tinikling at magpapatulong na lang ako sa dalawang bata. Hindi naman siya tumanggi. Tuwang-tuwa pa nga. Buti naman at napapayag din namin ang dalawang bagets. 

Noong araw ng kaarawan ng mayor, hindi ako mapakali. Dinaos ang program sa cultural center ng siyudad at halos napuno iyon ng mga tao. At nandoon lahat ang mga foreign teachers na kinabibilangan ko. Medyo na-conscious ako nang makita ko sa unang hanay si Brian. Matikas at guwapo ito sa suot niyang Amerikana. Parang mas mukhang Hollywood actor ito kaysa sa English teacher. Iba ang dating niya sa lahat. 

Nang kami na ng mga bata ang sasayaw, masigabong palakpakan ang narinig ko sa mga kasamahan pati na rin sa mga gurong Hapon. Napabuntong-hininga ako nang tatlong beses. Inisip ko na lang na nagsasayaw ako sa harap ng aking ama at ng mga bisita niya. Palagi ko naman yong ginagawa noong bata pa ako. Taga-aliw ng mga bisita ni Papa. Lokal man o foreigner. 

Para hindi masyadong kabahan, iniwasan kong tingnan si Brian. It has helped me calm myself. 

Masigabong palakpakan uli ang narinig ko pagkatapos. May sumisipol pa. Nakita ko ang mga kaibigan na nag-thumbs up sign sa akin. Natuwa ako sa reaksyon ng crowd.  Nang pumunta na ako sa back stage, narinig ko ang emcee na pinapabalik ako sa entablado. May request daw sa akin ang mayor. Kinabahan tuloy ako. Baka pagsayawin ako ulit. Naku, huwag na. Baka magkamali na ako kapag inulit namin ng mga bata. 

"The mayor is asking if you know how to sing "Ikaw"," tanong ng emcee sa akin. Naka-mikropono ito kaya narinig ng lahat ang sinabi niya. Ang mayor ay nasa unang hanay ng mga manonood. Nasa pinakagitna ito kasama ang kanyang kabiyak. 

Ikaw? Papanong alam ng mayor ang Ikaw? Siguro dahil nakakunot-noo ako na parang nagtataka, nagpaliwanag ang emcee. 

"The mayor's wife is half-Filipina. Ikaw is their theme song," nakangiting paliwanag nito. 

"Ah, okay." 

Kabisadong-kabisado ko ang kanta dahil yon sana ang balak kong kantahin habang nagmamartsa papunta kay Anton sa araw ng aming kasal. 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Where stories live. Discover now