Chapter Two - Cold Treatment

69.3K 1K 46
                                    

A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Retail price nito ay Php360 pero from time to time ay mayroon namang discounts especially kapag mayroong sale sa Lazada o Shopee. Just check Gretisbored store.

For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.

*****************************         

Halos napasirko ang puso ko nang makita kung sino ang sumalubong sa akin sa istasyon ng JR Muromachi. Si Brian! Kung sinusuwerte ka nga naman, oo! Nag-init ang aking mukha at bahagya akong pinawisan sa naramdamang excitement. 

May dala itong plastic basket na may nakalagay na sari-saring goods. Shampoo, sabon, noodle packs, chocolates, chopping board, maliit na kutsilyo at frying pan. Galing daw yon sa Board of Education o BOE ng Muromachi. Pang-welcome daw sa akin. How sweet! 

"Thanks for volunteering to pick me up. I really appreciate it," sabi ko nang makapasok na kami pareho sa kotse nito. 

"I didn't volunteer," malamig nitong sagot sa akin. Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng pansin. Ini-start na nito ang kotse. Mukhang mainit na agad ang ulo. Siguro dahil sa sangkatutak kong bagahe. Napuno nito ang baggage compartment sa likuran at may nilagay pa kami sa backseat. 

Namula ako sa sinabi niya. Nairita na rin pero di lang nagpahalata. Loko-loko yata ito, a. 

"I was asked to pick you up and show you your new apartment. Mark is still busy interviewing people so he can't do it himself. Usually he's the one doing this," paliwanag pa niya sa seryosong tono. Medyo iritado pa ang boses. 

"Well, just the same, thank you." 

Di na siya umimik pa. Naaasiwa na ako sa mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang mabuting pag-usapan? 

"How long have you been in Japan?" tanong ko para maibsan man lang ang awkwardness na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. 

Hindi niya ako sinagot. Aba, isnabero! Bingi kaya? O baka masyadong mahina ang boses ko? Inulit ko ang tanong. Nilakasan pa ng kaunti ang tinig ko. 

"I don't like to talk when I'm driving. I don't want to get distracted." 

Antipatiko! Napasimangot ako. Noon lang may nagsupalpal sa akin nang ganun. Hindi ako nakatiis. Sinagot ko siya. 

"Why are you so mad? What did I do?" mahinang tanong ko. Hindi ko na ikinaila ang pagdaramdam. 

Noon lang ako binalingan. Ang lamig ng titig niya sa akin. Natakot tuloy ako. Paano na lang kung psycho pala to? Kung bakit kasi sa dinami-dami ng puwedeng utusan itong suplado pa ang napili ni Mark. Guwapo nga pero ang gaspang naman ng ugali. Binabawi ko na ang atraksyon ko sa kanya. Di ko na siya gusto! 

"I'm not mad at anyone. I'm just extra careful when I drive," paliwanag nito. Nasa daan ang atensyon. 

"Yeah, and extra boring, too," bulong ko at napasimangot. 

"I'm not here to entertain you," sagot niya na kinabigla ko. Napaupo ako tuloy nang matuwid. Di ko sukat akalain na matalas pala ang pandinig ng mokong. 

"Hey, I didn't mean it," paghingi ko ng despensa. 

"No need to make excuses. I don't care." 

"No, what I really mean is..." Di ako magkandatuto sa pag-iisip ng maikakatwiran. Pero walang lumabas sa aking bibig. 

"I know exactly what you mean. And I don't care. Now, will you let me drive in peace? We're almost there." Tila nayayamot na rin sa aking kakulitan ang mokong. 

THE JILTED BRIDE (ALEX AND BRIAN'S STORY)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin