Chapter Fifteen

9.1K 293 19
                                    

She was still worried for her twin's safety. Imbes na mapanatag ang loob niya ay mas lalo lamang siyang kinabahan dahil sa nalaman.

Tinawagan niya si Einstein para pakiusapan na palitan ang agent na ipinadala kay Ivy. Pero halos lahat ng ka-team niya ay may mga mission na hawak. Si Krae sana ang naisip niya pero hiningi niya ang tulong nito at ito ang nagbabantay sa pamilya ni Warner.

There is nothing she can do but to accept that Ryder was the only one available to accept this task.

Sakto naman kasi na kakatapos lang din ng huling misyon nito kaya dito na ipinasa ni Chief ang trabaho.

Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit iyon tinanggap ng lalaki? Anong plano nito?

Si Ellis aka Ryder, ay ang lalaking nakaaway ng kapatid niya noong highschool sila. Tandang tanda pa niya kung gaano kagalit ang lalaki sa kakambal niya at hanggang ngayon naman ay hindi pa rin nito gusto si Ivy.

They met again when she was hired by S.I.A.T.T.. Nauna lang ito ng ilang taon sa kanya. Alam niyang may gusto ito sa kanya noon at sinubukan nitong ligawan siya pero binara lang niya ito. Inamin niya na wala siyang panahon para sa isang seryosong relasyon dahil may mas importanteng bagay siyang kailangang pagtuunan ng pansin.

Naintindihan naman ito ni Ellis at hindi na siya muli pang kinulit. They became friends after and they even became close to each other because they were always paired up during some mission.

Madalas ay ito ang kapartner niya kaya mas naging magkasundo sila. Hindi rin nito itinago sa kanya ang pagdisgusto nito sa kakambal. Lalo na ang pagiging modelo nito. Hindi raw maganda na ipakita sa lahat ang katawan na halos nakahubad na. Well Ivy started as lingerie model at doon ito sumikat.

He would always compare Ivy to her and she doesn't like it. Magkaiba sila ng kakambal niya at walang problema roon.

So why on earth did he accept this assignment? What were you thinking, Ellis?

Inis niyang binaba ang cellphone nang hindi sinasagot ng binata ang telepono nito. Halos hindi siya nakatulog magdamag sa kakaisip sa sitwasyon ng kapatid.

"Ang aga aga nakasimangot ka dyan?" Bungad sa kanya ni Warner na nasa gitna na ng hagdan. Kagigising lang nito.

Hindi siya sumagot at naglakad na lang papunta sa may kusina para ihain na ang mga niluto niyang almusal.

"Ako na ang maghahain at umupo ka na lang doon." Sabi nito at inilapat pa ang daliri sa noo niya. "Stop frowning, you look old."

Tumawa ito at saka siya itinulak paalis ng kusina. Sumunod naman siya at umupo na nga sa hapagkainan.

Isa-isa na nitong inilapag roon ang mga niluto niya.

Bigla namang tumunog ang cellphone dahil sa isang text.

Mukhang hindi ako mamamatay dahil sa may nagtatangka sa akin kundi sa atake sa puso dahil sa kunsomisyon sa bodyguard ko! Seriously, Avi? Is there no other fucking way to replace him? I can't stand him anymore! This Ellis Crawford will be the death of me.

Iyon ang text ng kakambal niya. Napahawak na lang siya sa ulo dahil wala rin siyang magawa.

"Damn it!" Mahinang anas niya.

"Hey! Ano bang problema? Si Ivory ba?" Nag-aalalang tanong ng binata.

Tumango naman siya.

"She doesn't like her bodyguard, she wants to replace him. But unfortunately, all agents are in the field. Ryder is the only one available."

S.I.A.T.T. Series Book 1: The Armed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon