Chapter Fourteen

9K 287 23
                                    

Avery woke up feeling a bit groggy. She knew that her friend Striker had injected her with a serum that can regain her strength in shorter period, but the down side of it was to lose your consciousness for thirty minutes.

"Where are we?" Tanong niya sa kay Warner na siyang nagmamaneho.

"SLEX." Tipid nitong sagot.

Lumingon siya sa likod at nakita niyang tulog rin si Gaile.

"How many minutes I've passed out?"

"Thirty, forty minutes I guess. How are you feeling now? You should rest again."

Umiling naman siya.

"Okay na ako. Nakatulong ang ibinigay sa aking serum."

Hindi na ito sumagot pa. Ilang minuto ang lumipas bago ito muling nagsalita.

"Where are we going now?"

"To your house. Walang nangyari sa atin noong mga nakaraang araw doon, ibig sabihin walang nakakaalam sa lugar na iyon kaya't ligtas pa tayo. Hindi ka na muna maaaring lumabas sa mga pampublikong lugar dahil delikado." Utos niya.

"Okay I understand." Sagot nito na ipinagtaka niya dahil bukod sa sumunod ito ay hindi na nakipag-argumento pa sa kaniya.

Marahil ay tumino na sa isipan nito ang totoong lagay ng buhay nito.

Maya-maya pa ay may muling bumasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan.

"Can you drop me at the airport?" Si Gaile, kaya't napalingon siya rito.

"Why?" Tanong niya.

Bigla naman itong yumuko at nagsimulang umiyak.

"I... I can't do this anymore. I'm scared and I don't want to get involved in this kind of situation. I just want to go home now." Patuloy ito sa paghikbi.

Tumingin naman siya sa kay Warner at ang kaseryosohan ng mukha at pag-igting ng panga lang ang makikita niya.

Wala nang nagsalita pa hanggang sa marating nila ang airport. Una muna siyang bumaba para kilatisin ang paligid kung may umaaligid ba roon o kung nasundan sila.

Nang wala naman siyang nakita ay saka niya hinayaang makababa ang dalawa.

"Are you sure you're gonna be okay here alone?" Tanong ng binata.

Tumango naman ang babae at iniabot ang kamay ng lalaki.

"I'm really sorry, darling. I'm just scared. I'll be waiting for you in Florida, okay? Once this mess is finished, come home quickly." Ani ni Gaile.

Tumango lang ang lalaki at tinanaw na lang nila pareho ang pagpasok ng dalaga sa loob ng airport.

Tinawagan na nito ang manager upang mabilhan ito ng ticket pauwi. Lahat ng gamit nito at ni Warner ay naiwan nila kaya't ipapauwi na lang niya sa mga kasamahan niyang naroon pa sa resort.

Muli na silang bumiyahe pauwi.

When they arrived home, she inspect the place first and reviewed her CCTVs to check if there was something strange during the days they were gone.  So far, it was still a safe place and they can still stay here for couple or more days before they can transfer to a new location.

"I'm sorry that she has to leave like that." Anas niya bago pa makapasok ang lalaki sa silid nito. "Alam kong mas kailangan mo siya sa ganitong pagkakataon at nalulungkot ako dahil mas pinili ka niyang iwan kaysa manatili sa tabi mo hanggang sa matapos ito."

Saglit itong tumingala at bumuntong hininga. Kita niya ang pagod at lungkot  sa mukha nito.

"I do understand her. I don't want her too, to be involved in this crazy situation right now. I almost put her in danger this morning. Kung patuloy siyang mananatili sa tabi ko, mas magiging delikado para sa kanya at ayokong madamay pa siya. Pati pamilya ko, muntik na rin kanina." Nasa tono na nito ang pagkabahala.

S.I.A.T.T. Series Book 1: The Armed PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon