(56) #TMMTHPlanForMonthsary

1.5K 91 0
                                    

LOUISE'S POV

"At last, nakalaya na rin ako." sabi ni Princess at nilanghap niya ang simoy ng hangin.


"Anong plano mo ngayon Princess?" tanong ko sa kanya.


"Babalik ako sa pag-aaral, gusto kong ma-achieve ang dream ko." sagot niya sa'kin.


"Buti naman kung ganun. Pero may balak ka bang bumalik sa showbiz?" - Billy to Princess


"Sa tingin ko ay wala nang kukuha sa'kin sa mundo ng showbiz. Lalo na't marami akong bashers sa social media." - Princess


"Wag kang magsalita ng ganyan Princess. I'm sure na makakabalik ka sa showbiz. Talent naman ang kailangan sa showbiz at hindi paramihan ng fans." - Fredison to Princess


"I hope so." - Princess


"Guys, hihiwalay muna ako sa inyo. May pupuntahan pa kasi ako. Fredison, bantayan mo ang wifey ko." - Billy


Ha? Saan naman siya pupunta?


"Sige bro. Ako na ang bahala sa kanya." sagot ni Fredison kay Billy.


THIRD PERSON'S POV

Humiwalay na sa kanila si Billy dahil may pupuntahan siya.


Kinuha ni Billy ang cellphone niya mula sa bulsa at may tinawagan siya.


"Nandiyan ka na ba Amber?" - Billy


"Yes Sir Billy. I'm here na." - Amber 


"Good. Parating na ako diyan." - Billy


Naka-shades at naka-hoodie si Billy para hindi siya makilala ng mga tao.


📌

Nakarating si Billy sa isang restaurant. Pumasok siya sa loob at hinanap niya si Amber.


"Nandito po ako Sir." wika ni Amber sabay kaway.


Nakita naman ni Billy si Amber dahil sa lakas ng boses nito. Lumapit siya kay Amber at nagkamayan sila.


Pagkatapos ay umupo na silang dalawa dahil mayroon silang pag-uusapan.


"May naisip ka na ba para sa monthsary namin ng Wifey ko?" tanong ni Billy kay Amber.


"Marami po akong naisip Sir Billy. I'm sure magugustuhan 'to ni Ma'am Louise." sagot ni Amber kay Billy.


"Anong naisip mo?" tanong ni Billy kay Amber. Huminga ng malalim si Amber at sinabi niya ang mga plano niya para sa gaganaping monthsary.


"It's good pero may idadagdag ako sa plano mo." - Billy to Amber


"Ano po yun Sir?" tanong ni Amber.


Sinabi ni Billy ang karagdagang plano niya para sa monthsary nila ni Louise.


"Maganda din po yun Sir." sagot ni Amber kay Billy.


LOUISE'S POV

Nang maihatid namin si Princess sa bahay nila ay bumalik na kami nina Fredison at James sa boarding house. May afternoon class pa kasi kami.


Dapat nga ay absent kami ngayon pero kailangan naming pumasok dahil makikilala na namin ang bagong Prof na makakasama ni Sir Stevie.


"Nakahanda na ang lunch Louise." sabi sa'kin ni James.


"Sige, mauna na kayo." tugon ko kay James. Oo nga pala, may kukunin pa ako sa kwarto ni Billy. Meron naman akong duplicate key ng kwarto niya in case na wala siya rito.


Pagkarating ko sa kwarto niya ay hinanap ko ang notebook na hiniram niya sa'kin. Hindi naman ako nahirapang hanapin yun dahil nasa table lang ito.


Pero pagkakuha ko ng notebook sa table ay may napansin akong isang maliit na papel. Kinuha ko naman ito at tinignan ang nakasulat.



Amber Marie Brant

+639696969696



Isang calling card?


At sino naman 'tong si Amber?

**********

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon