(9) #TMMTHLoveteam

3.7K 144 2
                                    

LOUISE'S POV

"KYAAAAAAAA!!!" tilian ng mga babae. Alam niyo na kung bakit sila nagtitilian. Nakakita lang naman sila ng gwapo.


"OMG! Kasama ni Prince Billy si Princess." sabi ng isang babae. Huh? Princess? 


Napatingin ako sa may gate at nakita ko ang tatlong amo ko which is The Hunks kuno na kasama si Princess Sy. Isa ring artista si Princess Sy. Ka-loveteam ni Billy. Ang pagkakaalala ko ay may boyfriend yang Princess na yan. Hindi ko nga lang alam ang name. Hindi kasi ako laging updated sa showbiz. You know, study first.


"That b!tch." 


Napatingin ako sa nagsalita. Si Kate pala. Ang sama ng tingin niya kay Princess.


"Bakit ang sama ng tingin mo kay Princess?" tanong ko kay Kate.


"Nothing. Hindi ko lang siya gusto. Mukhang maarte at malandi." sagot sakin ni Kate.


"OMG! Bagay talaga sina Prince Billy at Princess." sabi ni Girl No. 1.


"Oo nga at may chemistry sila." sabi naman ni Girl No. 2.


"Right and she's beautiful unlike yung babaeng kasama nila. Louise yata ang name." pagsang-ayon ni Girl No. 3. Wait! Ako ba ang tinutukoy ni Girl No. 3?


"Right. It's Louise. Yung dukha." sabi ni Girl No. 2 kay Girl No. 3. What the? Anong sinabi nila? Ako? Dukha? 


Susugurin ko na sana yung tatlong babae kaya lang ay naunahan ako ni Kate.


*slap*


*slap*


*slap*


O____O   


Nagulat ako sa nakita ko. Sinampal kasi ni Kate isa-isa ang tatlong babae. Kitang-kita ko ang galit na mukha ni Kate.


"You don't have rights to talk my bestfriend like that." matigas na sabi ni Kate sa tatlong babae. Maraming tao ang nakatingin sa eksena. Pati na rin yung tatlong hunks at si Princess.


"You b!tch." galit na sabi ni Girl No. 1 at sinabunutan si Kate. Sumugod din ako para tulungan si Kate. Biglang may humila sa buhok ko. Pinagtutulungan ako ng dalawang babae.


"Hey stop that! Wala kayong karapatang saktan si Louise!" narinig ko bigla ang boses ni Billy. Nakaramdam ako bigla ng hilo.


ALL WENT BLANK


----------


Nagising ako na puro puti ang paligid. Tatayo na sana ako pero nakaramdam ako ng kirot sa katawan ko.


"Bes, magpahinga ka muna." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sina Kate, Fredison at James.


"Tama si Kate. Pahinga ka lang muna." sabi sakin ni Fredison. Teka, asan si Billy?


BILLY'S POV

"Wait babe." malanding sabi ni Princess at hindi ko yun pinansin. Papunta ako ngayon sa gymnasium para puntahan ang mga babaeng nanakit kay Louise.


"Sandali lang babe." hingal na sabi ni Princess. Isa sa kinaiinisan ko pang babae. Isa siyang spoiled brat na patay na patay sakin. 


Nang makarating ako sa gymnasium ay hinanap ko yung mga babae kanina at hindi nga ako nagkamali. Nandun sila.


"KYAAAAAAAA! SI PRINCE BILLY. KASAMA NI PRINCESS. TARA MAGPA-PICTURE TAYO." sigaw ng isang babae. Biglang nagsitakbuhan ang mga tao palapit samin. Not again.

**********

Billy Williams: Stolen Shot

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Billy Williams: Stolen Shot.

The Maid Meets The Hunks (Book 1) [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon